Chapter 23

2.7K 99 7
                                    

Feelings. (Sentimenti)

Nakapangalumbaba kong tinatanaw ang buong mansion mula dito sa bintana ng aking kwarto. Matapos ang nangyari na panggugulo at pagnanakaw ng mga rebelde sa Casa Tranquillo maging sa sakahan ay naghigpit  si Señor Freigo, dinagdagan din niya ang mga kawal na nagbabantay at nag-iikot sa buong mansion. Ipinagbawal niya rin muna sa ngayon ang paglabas sa mansion kaya hindi rin ako nakakabisita sa Azìenda Agrìcola o kahit sa bahay nina Zendy.

Magtatagal daw ng isang buwan  ang ganitong sitwasyon hanggat hindi pa nasisigurado na wala na nga ang mga rebelde dito sa Casa Bel Palazzo. Laking pasalamat din ng lahat dahil ang mga dinukot ng mga rebelde ay iniwan din sa loob ng gubat at ligtas na nakabalik sa mga pamilya nila matapos gawing hostage.

Kakatapos lang naming mag tanghalian at tirik na tirik ang araw sa labas. Sa bawat ilalim ng pine tree ay may mga nagbabantay na kawal at may mga nag-iikot naman sa hardin, bantay sarado talaga ang buong mansion.

Napadungaw ako sa baba dahil sa tunog ng sasakyan hanggang sa bumungad ang sasakyang walang bubong kung saan si Señorito Primo ang nagmamaneho nito. Ito rin ang ginamit naming sasakyan noong pumunta kami sa construction site, kinausap ni Señorito Primo ang isa sa mga kawal at maya't maya nga lang ay natanaw ko ang pagbukas ng mataas na gate ng mansion.

Aalis siya?

Alam niya na mahigpit na ipinagbabawal ni Señor Freigo ang paglabas sa mansion. Alam din niya ang tungkol sa nangyari sa Casa Tranquillo at sa sakahan dahil sa biglang pagsulpot ng mga rebelde, tapos aalis pa siya! Paano kung makasalubong niya sa daan ang mga rebelde?!

"Ang mga De Lucio, sila talaga ang pakay nila."

Agad akong napatayo mula sa silyang inuupuan ko matapos sumagi sa isipan ko ang sinabe sa'kin ng ektsrang herong lalaking nagmamasid sa Plaza noong araw na maganap ang pagnanakaw ng mga rebelde sa Casa Tranquillo at sakahan!

Nagmamadali akong bumaba at dumaan sa likod ng mansion para walang may makakita sa'kin na kawal at mabilis kong kinalagan ang tali ng isa sa mga kabayo na sumasabsab ng damo sa hardin sa likod ng mansion.

Matagumpay kong naitakas ang kabayo dahil idinaan ko ito sa mababang bakod ng hacienda na ang labas ay kalsada na. Wala na akong sinayang na oras pa at agad akong nangabayo para sundan ang sasakyan ni Señorito Primo na malayo na ang distansiya mula sa mansion.

Habang nangangabayo ako ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang bawat nadadaanan ko. Walang mga taong pagala-gala sa gilid ng kalsada kahit mga pampublikong sasakyan na nakasanayan ko. Ang bawat bahay din na nadadaanan ko ay nakasarado, wala kang makikita na kahit ni isang tao sa labas o sa bakuran man lang. Wala ring mga nakaparadang mga dyip at tricycle sa terminal.

Ang Casa Tranquillo naman na dati ay laging puno ng mga tao, ngayon ay nag mistulang ghost town dahil wala man lang kahit ni isang establisyemento o tindahang bukas. Wala ring tao sa plaza na madalas tambayan ng mga tao lalo na ng mga estudyante.

Nakakapanibago!

Binalot talaga ng matinding takot ang bawat tao dito sa Casa Bel Palazzo dahil sa pangyayari na dulot ng walang hiyang mga rebelde!

Humigpit ang hawak ko sa lubid habang pinapatakbo ang kabayo. Hindi ko lubos akalain na mangyayari ito sa Casa Bel Palazzo! Ang bayan na punong-puno ng kasiyahan, ngayon ay binalot na ng matinding katahimikan!

Mas itinuon ko na lang ang mga mata ko sa pagsunod sa sasakyan ni Señorito Primo dahil lumampas na kami sa Casa Tranquillo pati sa construction site! Saan ba talaga siya pupunta? Napapagod na ang kabayong sinasakyan ko.

iL Mio Dolce Amante [COMPLETED/UNDER REVISION]Where stories live. Discover now