Chapter 21

2.7K 87 5
                                    

Bituin. (Stelle)

"Lady Bella, siya ang maganda kong asawa..si Merlina."

Nakangiting saad ni mang Karding habang naka-kapit sa baywang ng babaeng sobrang pamilyar sa'kin.

Hindi ako makapaniwala!

Hindi ko ito inaasahan!

Kahit anong kusot ko sa mga mata ko ay walang nagbago sa nakikita ko ngayon.

"Nana Lina!"

Tanging nasambit ko, nabitawan ko pa ang hawak kong palamig at patakbong niyakap si Nana Lina.

"Totoo ba 'to?" Naluluha kong saad.

"Ako nga Bella.." mas lalong humigpit ang yakap ko kay Nana Lina. "Mahal, siya ang sinasabe ko sayo.." naiiyak na ring aniya ni Nana Lina kay mang Karding habang nakayakap sa'kin.

"Akala ko nagkataon lang, akala ko kapangalan mo lang Lady Bella ang sinasabe nitong asawa ko. Binabalak ko nga na dalhin sana siya sa mansion pero heto nagkita na kayo." Aniya ni mang Karding.

"Paano po nangyari na napadpad din kayo dito sa Casa Bel Palazzo, Nana Lina?" Tanong ko bago bumitaw sa mga yakap kay Nana Lina.

"Mahabang kuwento pero may tatlong buwan na ako rito," hinahaplos ni Nana Lina ang buhok ko habang nakangiti ito. "Ang laki-laki mo na, tama nga ako noon na mas lalo kang gaganda pag naging dalaga kana. Sobrang saya ko para sayo, Bella."

Hindi ko maiwasan ang maluha habang pinagmamasdan ang mukha ni Nana Lina. Hindi madungis, hindi na rin buhaghag ang kanyang buhok lalong hindi na maduming damit ang kanyang suot hindi kagaya noon.

"Kayo rin po Nana Lina, sobrang ibang iba na ang hitsura niyo kumpara n'ong huli tayong magkita...sa mansion na ho kayo maghapunan, sigurado po ako na matutuwa si nanay Carlotta at Señor Freigo!" Aniya ko at kumunot naman ang noo ni Nana Lina. "Sila po ang umampon sa'kin." Nakangiti kong imporma kay Nana Lina na ngumiti na rin.

"Maaari bang bukas na lamang kami tutungo ng asawa ko sa mansion, Lady Bella? Gusto kong makapag pahinga ang asawa ko, masyadong napagod sa paglilibot dito sa Casa Tranquillo."

Pakiusap ni mang Karding na hinawakan pa ang kamay ni Nana Lina Kaya napangiti ako.

"Sige po, naiintindihan ko. Aasahan ko po kayo bukas at kahit sa mansion na rin po kayo mag tanghalian."

Imbita ko bago ko ulit niyakap ng mahigpit si Nana Lina na niyakap din ako pabalik.

"Mag iingat po kayo sa pag-uwi."

Kumaway pa ako kina Nana Lina at mang Karding na nakasakay na sa tricycle.

"Oy, sino ang kinakawayan mo?"

Aniya ni Zendy nang makalapit ito sa'kin kasama si Paulo.

"Si Nana Lina."

Sagot ko na ikinagulat ni Zendy, naikuwento ko rin kase sa kanya noon ang tungkol kay Nana Lina.

"Really? How come na nandito sa Casa Bel Palazzo ang Nana Lina mo?"

iL Mio Dolce Amante [COMPLETED/UNDER REVISION]Where stories live. Discover now