Kabanata 10

2.9K 107 4
                                    

Still the Same (Ancora lo stesso)

Buwan ng Agosto nagsimula ang pasukan para sa college at masaya ako na qualified ako sa kursong Agriculture at ganun din si Zendy na pasok rin para sa Business Administration course.

"My summer vacation in US wasn't fun and somehow I regret spending my life for almost three months there! Sobrang boring! Panay shopping lang ang ginawa ko na kinokontrahan pa ni grandma!" Naiiritang aniya ni Zendy habang hawak ang apple juice dito sa cafeteria sa loob ng college campus.

"By the way, nagustuhan mo ba 'yung pasulubong ko?" Isinarado ko ang agricultural book na binabasa ko bago ko binuksan ang apple juice na nasa mesa. Hindi talaga ako makapagpokus sa pagbabasa dahil sa kadaldalan ni Zendy.

"Oo naman! Tsaka lahat yatang nabili mo sa states ay ibinigay mo lang sa 'kin." Saad ko dahil sa daming bag at damit na ibinigay sa 'kin si Zendy pagkauwi nito dito sa Casa Bel Palazzo at lahat ng iyon ay branded at mukang mga mamahalin pa.

"Good. Anyways, may nagugustuhan ka na ba sa mga manliligaw mo?" Si Zendy talaga ang tipo ng kaibigan na mas priority pa ang lovelife ng iba kaysa sa sarili niya.

"I knew it! Wala pa rin. Mamimili ka na lang oh." Ibinaba ko ang hintuturo ni Zendy nang ituro nito ang mga lalaking nakatayo malapit sa may entrance ng cafeteria na naghihintay sa akin para ihatid ako sa classroom department ko na iniiwasan ko lagi.

"Alam mo naman ang rason ko diba? 'E, ikaw? Kumusta ang lovelife mo?" Napangiwi si Zendy sa tanong ko.

"May nanliligaw pero 'di ko gusto." Sagot nito sa 'kin at pinakita ang picture ng isang lalaki sa cellphone niya. ''Siya si Ford sa political science, Maharot lang sa mga text pero shy type sa personal." Umikot pa ang mga mata ni Zendy bago ibalik sa bulsa niya ang cellphone.

"Pareho lang tayo," aniya ko.

"Big NO! Kasi ako, hindi ko talaga gusto ang tukmol na 'yun habang ikaw naman ay may hinihintay na someone." Umarko ang kilay ko. "Stop acting like you don't know what I'm talking here. Sino ba kasi ang hinihintay mo?" Usisa nito at alam kong hindi niya talaga ako titigilan.

"Wala akong hinihintay. Gusto ko lang na walang distraction sa pag-aaral ko at alam mong gusto ko kaagad na makapag tapos ng pag-aaral para makagawa ako ng project na makakatulong sa mga magsasaka ng Casa Bel Palazzo."

Totoo iyon dahil ngayon pa lang ay talagang nag-iisip na ako kung anong puwedeng gawing proyekto na makakatulong para sa mga magsasaka ng Casa Bel Palazzo. Gusto ko rin tulungan si Señor Freigo na mapalago pa ang sentro gulayan na nagbibigay ng pangunahing negosyo sa mga tao sa bayan sa Casa Tranquillo dahil ang guluyan at sakahan ang s'yang pangkabuhayan ng mga simpleng mamamayan ng Casa Bel Palazzo sa pamamagitan ng pag-angkat at kalakalan sa ibat-ibang lugar.

Ang Azìenda Agrìcola naman ay binabalak namin ni Señor Freigo na paramihin pa ang mga alagang hayop na makakadagdag kita rin kapag naimbenta at ang perang makukuha namin mula dito ay ibabahagi namin sa bawat pamilya dito sa Casa Bel Palazzo.

Ang usapan din namin ni Señor Freigo ay kailangan makapag tapos muna ako ng pag-aaral bago ako tumulong sa pangangasiwa sa sakahan at sentro gulayan, kapag bakasyon naman 'saka lamang ako pinapayagan ni Señor Freigo na mangasiwa ng farm ang Azìenda Agrìcòla.

Mas marami pa lang ginagawa sa college, kaliwat-kanan ang mga projects, reportings, at research kaya minsan na lang kami nakakapagusap ni Zendy at 'yun ay kapag lunch time o hindi naman kaya kapag nagkikita kami sa library katulad ngayon.

"Ayoko na pala mag business ad., panay business proposal ang ginagawa namin feeling ko tuloy malalagasan ako ng brain cells."
Bungad na reklamo ni Zendy sa 'kin habang nag rereview ito dito sa library dahil sa may exam daw sila mamaya. Umupo ako sa tapat niya at inilahad sa kanya ang paborito niyang toblerone.

iL Mio Dolce Amante [COMPLETED/UNDER REVISION]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora