Chapter 34

2.8K 88 4
                                    

Bagong Kabanata. (Nuovo Capitolo)

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa pregnancy kit habang patuloy sa paglandas ang mga luha ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, gusto ko siyang makalimutan pero binigyan niya naman ako ng dahilan para patuloy ko siyang maalala.

"Positive?"

Pinahid ko ang mga luha ko gamit ang likod ng palad ko bago ako tumango sa repliksyon ni Marjorie sa salamin dito sa loob ng banyo.

"H-hindi ko alam kung anong gagawin ko! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.."

Muli ay tumulo ang mga luha ko at naramdaman ko ang pag-alu sa'kin ni Marjorie.

Nagpadalus-dalos ako! Hindi ako nag-isip! Nagpadala ako sa emosiyon at nararamdaman ko sa kanya!

"Nagsisisi ka ba na buntis ka?"

Sunod-sunod ang naging pag-iling ko sa tanong ni Marjorie dahil hindi ko pinagsisisihan ang mabuntis at lalong hindi ko sinisisi ang buhay na nasa sinapupunan ko ngayon, nagagalit lang ako sa sarili ko dahil hindi ko naisip na darating ito. Hindi pa ako handa. Lalo na ngayon na ganito ang nangyari sa amin ng lalaking iyon. Anong  gagawin ko?!

"Ssshhhh..don't worry, we're here for you. Siguro naman pananagutan ka ng ama ng bata, diba? Nasaan ba siya ngayon? He need to know about-"

"Hindi ko siya kailangan! Hindi namin siya kailangan! Wala siyang karapatan! Kaya naming mabuhay ng wala siya!"

Nagulat si Marjorie dahil sa galit na pagsigaw ko at hindi ko rin siya masisisi dahil hindi niya naman alam kung ano ang nangyari sa amin ng lalaking iyon.

"Pero kailangan ng batang dinadala mo ng ama.." aniya ni Marjorie na pilit na pinapaintindi sa akin ang sitwasyon.

"Nasaktan ako ng sobra-sobra Marjorie, halos mawasak ako sa sakit na dinulot niya sa akin! Tinalikuran niya ako kung kailan kailangan na kailangan ko siya! Hiningi niya rin sa akin na kalimutan ko siya tulad ng gagawin niya! Kaya sagutin mo ako, deserve niya ba ang maging ama ng batang dinadala ko ngayon? At deserve rin ba ng magiging anak ko ang magkaroon ng ama na katulad ng lalaking iyon?!"

Naiintindihan ko kung hindi nila ako maintindihan dahil hindi nila pinagdaanan ang mga pinagdaanan ko. Maaaring husgan nila ako kung hindi ko ipapaalam sa lalaking iyon ang pagbubuntis ko pero masisisi ba nila ako na iniisip ko lang ang magiging kapakanan ng anak ko sa hinaharap? Dahil kung nagawa akong talikuran ng lalaking iyon hindi malabong gawin niya rin iyon sa anak ko lalo pa't nakatali na ito sa iba at ayaw kong maramdaman ng magiging anak ko ang kaawan at higit sa lahat ayaw kong pagdaanan ng anak ko ang mga sakit na pinagdaanan ko.

"Sino ang ama ng pinagbubuntis mo, anak?"

Bungad na tanong sa akin ng aking ama pagkalabas namin ni Marjorie sa banyo ng kwarto. At ang seryosong mukha ng mga pinsan ko ay nagpapakaba rin sa akin kahit pa wala naman silang sinasabe.

"Sino ang ama ng pinagbubuntis mo, anak?"

Pag-uulit ng aking ama sa mas  seryosong tono. Napalunok ako bago sumagot.

"Hindi ko alam."

Nagulat silang lahat dahil sa naging sagot ko maliban kay Marjorie na tanging nakakaalam sa tungkol sa nangyari sa amin ng lalaking iyon.

"What?! Paanong hindi mo kilala?"

Hysterical na tanong ni Dominique na sinundan ng malalim na paghinga.

"Pinilit ka ba?!"

Nakita ko ang pagtikom ng mga kamao ni Frederick marahil sa maling konklusyon na nabuo sa kanyang isipan.

iL Mio Dolce Amante [COMPLETED/UNDER REVISION]Where stories live. Discover now