Kabanata 19

2.7K 94 7
                                    

Reality (La Realtà)

Kanina ko pa katawagan sa cellphone si Zendy para humingi nang advice sa kanya sa kung ano ang bagay na gown ang pwede kong isuot para mamayang gabi sa wine bidding party.

"Hintayin mo na lang na dumating ang delivery ng gown diyan sa hotel room niyo," aniya ni Zendy sa kabilang linya.

"Magkano ba 'yun? Babayaran ko pagsahod ko." Wala dito sa kwarto si Señorito Primo dahil naliligo ito ngayon sa banyo.

"It's a Lanvin gown so better not to ask the price." Simpleng aniya ni Zendy sa kabilang linya.

"Ano?! Seryoso ka?" Laglag panga kong saad.

"Yeah. Hindi ko naman papabayaran sa 'yo, what friends are for nga 'di ba? And don't mind it. Sana talaga nandiyan ako para ako ang magaayos sa 'yo." Sigurado akong nakanguso ito ngayon si Zendy.

"Nakakahiya sa 'yo Zendy, gumastos ka pa nang daang libo para lang sa isang beses kong isusuot  tapos 'yung pasalubong ko sa 'yo inabot lang ng isang libo." Nahihiya kong sambit dito.

"Remember the innamorata sandals na iniregalo mo sa 'kin last birthday ko? For sure makakapagpatayo na ako ng bahay kapag ibinenta ko 'yun so patas na tayo ngayon."

"Regalo ko 'yun sa 'yo, tsaka hindi ko naman alam na costly pala iyon. Bawiin ko kaya." Biro ko.

"No way!" Aniya ni Zendy sa kabilang linya at natawa naman ako. "I miss you naaaa! Babye!"

"Thank you at miss na rin kita. Bye!" Nakangiti kong ibinaba sa kama ang cellphone ko.

"Miss? Who?" Halos mapatalon naman ako sa gulat sa biglang pagsulpot ni Señorito Primo dito sa kwarto habang pinapatuyo ang basa nitong buhok gamit ang puting tuwalya.

"Sino ang miss mo, darling ko?"
Natuod ako dahil sa pinaghalong saya at kaba sa dibdib. Seryosong-seryo na naman kasi ang mukha ni Señorito Primo!

"S-si Zendy. Humingi ako ng tulong para sa gown na isusuot ko mamaya," niya ko.

"Ahh..." Umaliwalas naman ang mukha ng Señorito matapos kong sagutin ang tanong niya. Dinampot ko na rin ang roba at tuwalya ko na nasa kama para ako naman ang maligo.

"Darling ko..." Natigilan ako sa pagpihit ng doorknob ng pinto.

Uminit ang mukha ko kaya nakayuko akong humarap kay Señorito Primo na naghahanap ng damit sa cabinet.

Nasasanay na ako sa darling na 'yan!

"Did you missed me while I'm in Italy?" Tanong nito na matagal bago nag process sa utak ko. "Namiss mo ba ako?" Pag-uulit nito. "Silence means yes," aniya nang hindi ako sumagot.

"Mminsan...Oo..." Mahinang sagot ko pero sapat na para marinig ni Señorito Primo.

"Ahh...mmm..." Tumango si Señorito Primo na may ngisi sa mga labi bago ito tumalikod para magbihis kaya lumabas na rin ako ng kwarto.

Pagkatapos kong maligo ay sakto namang pagdating ng gown. Si Señorito Primo pa nga ang humarap sa delivery boy at siya rin ang pumirma. Nakakahiya nga na si Señorito Primo pa ang tumanggap.

"Ako na." Ang sinabi niya sa 'kin kanina nang tumunog ang doorbell, kakatapos ko lang kasing maligo nun at nakaroba lang ako.

Pinatuyo ko muna ang buhok ko bago ako nagayos. Tinuturuan naman ako ni Zendy kung paano mag make-up at kung minsan ay ginagawa niya pa akong model sa mga videos na inuupload niya sa social media. Sa kanya rin galing itong mga beauty products na ginagamit ko ngayon kaya pasalamat talaga ako na may kaibigan ako kagaya ni Zendy.

iL Mio Dolce Amante [COMPLETED/UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon