Kabanata 15

2.9K 124 27
                                    

Señorito is always Señorito (Señorito è sempre Señorito)

Kanina pa ako nakatitig sa salamin habang pinagmamasdan ang suot ko dahil sa hindi ako komportable! Pero wala akong choice kasi ito lang ang matinong nahanap ko sa mga damit na binigay sa 'kin ni Zendy.

Tumingin pa nga ako sa internet kung paano manamit ang isang sekretarya kaya nauwi ako sa kulay itim na skirt na isang dangkal bago umabot sa tuhod ko at abohan na blazer  hanggang kalahati ng hita ko habang plain naman na puti ang panloob.

Hindi rin ako masyadong makalad nang maayos kahit pa 3 inches heels lang ang strappy sandals na suot ko dahil hindi naman ako sanay mag-suot ng may takong, kalahati lang din ng buhok ko ang itinali ko at hinayaan kong nakalugay ang natitirang ilalim nito at konting lip gloss sa labi para matakpan ang dry lips ko. Kinuha ko ang shoulder bag na nasa kama pati ang makapal na envelope bago ako lumabas sa kwarto ko.

Pupunta raw kami ngayong araw ni Señorito Primo sa construction site ng pabrika para sa pagsisimula ng construction.
Pagkababa ko sa hagdan ay sumalubong agad sa 'kin si nanay Carlotta at pinasadahan ako ng tingin kaya pilit ko namang ibinababa ang skirt ko dahil naiiksihan talaga ako.

"Ayos lang po ba nanay Carlotta ang suot ko? Hindi ba masyadong maiksi tingnan?'" agad na umiling si nanay Carlotta at nagulat ako ng itaas nito pabalik ang skirt ko."Nanay, sobra na pong iksi."

"Hindi ah! Sakto lang. Ang ganda ganda at sexy mo nga tingnan. Dalagang-dalaga ka na talaga!"
Nakangiting papuri sa akin ni nanay Carlotta.

Lumabas naman mula sa pasilyo  sa baba si Señor Freigo at Señorito Primo na nakbrown chelsea casual leather boots at itim na jeans habang gray na v-neck shirt ang pang-itaas kung saan nakasabit ang kulay itim na sunglasses. Simple lang ang suot niya kung titingnan pero halatang mamahalin lahat kaya nahiya tuloy ako sa suot ko ngayon.

"Magiingat kayo apo." Nakangiting sambit sa akin ni Señor Freigo at nauna nang maglakad palabas si Señorito Primo kaya nagmamadali naman akong sumunod dito.

Pagdating namin sa labas ay may naghihintay na kotseng puti na walang bubong, ngayon ko lang ito nakita rito sa mansion dahil laging karwahe at kabayo lang ang ginagamit namin ni Señor Freigo kapag may pupuntahan kami. Namangha ako dahil kusang nagbukas ang pinto ng kotse at bago sumakay sa driver seat si Señorito Primo ay sinuot nito ang salamin sa mata.

"Hey, c'mon." Napatayo ako nang tuwid nang magsalita si Señorito Primo dahil nakatitig na naman ako sa kanya na binubuhay na ang makina ng sasakyan.

"Seatbelt," aniya at natataranta naman akong higitin ang seatbelt  kaso hindi ko alam kung paano ito i-kabit dahil minsan lang akong sumakay ng kotse, sa kotse nina Zendy.

"Tch." Napangiwi ako dahil mukang nababagot ang Señorito sa ginagawa kong pagkabit ng seatbelt na hindi ko naman alam kung tama ba ang ginagawa ko.

"Sa kabayo o karwahe lang kasi ako madalas sumasakay, Señorito Primo." Paliwanag ko at suko kong binitawan ang seatbelt.

Nahagip ng mga mata ko ang pagangat ng sulok ng labi ng Señorito kaya lalo tuloy akong nahiya, baka iniisip niya na wala man lang akong kaalam-alam sa mga simpleng bagay.

Napaatras ako kahit wala nang aatrasan dahil bigla na lang lumapit si Señorito Primo para higitin ang seatbelt ko. Napapikit pa ako dahil masyadong magkalapit ang aming mga mukha at amoy na amoy ko rin ang kanyang matapang na pabangong panlalaki, humahalimuyak ang amoy nito at hindi masakit sa ilong.

iL Mio Dolce Amante [COMPLETED/UNDER REVISION]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن