Chapter 12

7.9K 467 439
                                    

Chapter 12: Unhate
Zanashi

I couldn't remember when was the last time that I actually felt satisfied with something other than my academic performance. I couldn't remember if I actually felt this happy before except, of course, if I'm with my father.

Lumaki akong hindi nararanasan ang mga gawaing pambata at tumanda ako nang hindi nararanasan ang sabik at sayang nararamdaman ng mga bata habang nakatingin sa bagong laruan kasama ang mga kaibigan.

I grew up with my father alone and though I thought it was really a great idea, I couldn't help but to think of what am I right now if I experienced the goodness of being a kid?

Noon pa man ay wala na akong ganang maglaro. Siguro ay dahil walang gustong makipaglaro sa akin. Maaga akong namulat sa kadiliman ng mundo. Habang ang mga kaklase ko ay sinisigawan pa ng kanilang nanay para lang umuwi, ako naman ay nakatayo lang sa pinto habang hinihintay ang pagbabalik ng nanay. Habang ang mga kaklase ko ay nagpapalipad lang ng saranggola kasama ang kanilang tatay tuwing uwian, ako naman ay umuuwi sa bahay para aluhin ang umiiyak na tatay.

Tiningnan ko ang mga mukhang nakapalibot sa akin. They are all smiling widely as if this moment is one of a kind. Sana lang ay ang mga magulang na nandito na masayang nakatingin sa mga anak ay mananatili sa kanilang tahanan. Sana lang ay hindi mabura ang ngiti ng mga batang nandito ngayon tulad ng pagkabura ng alaala ko sa aking kabataan.

Sana ay wala nang pamilyang masira, wala nang magulang na lilisan, at wala nang mga batang uuwi sa bahay ng luhaan.

Matapos ang ilang beses na pagbagsak at tawa, dumating na rin kami ulit kami sa Station 1. Agad na bumunot si Sulivan ng mission namin at laking pasasalamat kong hindi naman ito nakakahiyang gawin.

Kailangan lang namin maitawid ang hula hoop mula kay Sulivan na siyang pinakadulo sa kanang bahagi at sa batang lalaki na pinakadulo naman sa kaliwang bahagi sa loob ng 30 seconds.

Tatlong subok bago namin ito nagawa nang matagumpay. Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at mabilis na tumakbo paakyat ng bleachers para sa Station 3.

"Oh, ingat sa pagtakbo mga bata!" paalala ni Sulivan sa ibang mga bata habang tinutulungan ang dalawang pinakamaliit na bata sa pag-akyat.

"Yung isang matanda dyan, ingat din."

At first, I didn't dwell at his words that much but when I realized what he meant, I glared at him. What kind of talent he has for ruining my mood in just a single snap? He pointed his lips in front, as if telling me to keep running.

"Tingin sa tinatakbuhan, Pantorilla. Baka mahulog ka.."

This guy is really something else. Lakas mang-asar. Hindi ata mauubusan ng kalokohan sa katawan.

All of those kids from our team cheered when the facilitator said that the game would be Pinoy Henyo. I suddenly realized that this game's pretty popular among kids. The additional challenge is that both players would step inside the not-so-large basin that was full of cold water.

Sulivan and I have decided to let the kids play this time because all of them were dying from excitement.

"Hayop?"

"Hindi!"

"Bagay?"

"Hindi rin!"

Halos lahat sa team namin ay nagpakawala ng malakas na tawa maliban lang sa aming dalawa ni Sulivan. He's not laughing but he's smiling while watching the kids twitching inside the basin, maybe because of too much coldness. Plato ang salitang huhulaan kaya gano'n na lamang ang tawa ng mga bata nang sabihing hindi ito bagay.

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now