"Bakit hindi niyo na lang kaya jowain ang isa't-isa? Alam mo bang bagay kayong dalawa?" Bulong sa akin ni Rachelle. I just scoffed at what she said.
"Gaga! Sira 'to. Hindi kami bagay. Lasing ka lang." Natatawang umiling ako sa kaniya at tinungga ang bote ng beer.
"Weh? Di nga? Eh bakit kung makatingin sa'yo parang inlove na inlove," sabi naman nito at kinurot ako sa bewang.
"Rachelle, ewan ko sa'yo. Ayan na naman iyang mga assumptions mo," natatawang sabi ko sa kaniya. Tumayo ako at pumunta sa buffet table para kumuha ng pagkain sumunod naman ito sa akin.
"Hindi ah! Totoo nga. Anyone could tell that you both are attracted with each other." Sabi naman nito. I can't help but to make a face at what she said.
"Alam mo, lasing ka na talaga. Kung ano-ano na lang 'yang sinasabi mo," I said. We were invited in our friends birthday party kaya kami ngayon nandito. Malaki ang bahay ng kaibigan namin. Nasa may pool kami ngayon at nagsisiyahan.
"Then why do you look jealous when he spoke to another girl earlier? Eh halos tunawin mo na yung girl sa talim ng tingin mo," she said.
"Alam niyo naman na nearsighted ako. Siyempre, normal lang naman sa akin na ganun ang tingin ko kasi gusto kong makita kung ano ang hitsura ng babae."
"Lusot pa, Mars. Eh bakit gusto mong makita yung girl? Is it to assess your rival, is that it?"
"Ha? Anong to assess your rival pinagsasabi mo eh hindi ko nga gusto si Jerrick," kaila ko sa kaniya. Jerrick is what I consider as my boy bestfriend. We were workmates back then pero nagtatrabaho na ito sa ibang kompanya ngayon but still we were able to be friends and hang-out sometimes.
"Mamatey?" Nanunukso na tanong nito. Napabawi ako ng tingin sa kaniya. "Oh! Tingnan mo na. Tama ako."
"Okay, oo na. Oo na. Crush ko nga siya pero hindi niya ako gusto nun 'no. Ibang babae ang gusto nun saka alam mo namang tinutulungan ko siyang diskartehan yung gusto niya." Paliwanag ko.
"Mamatey ka ulit? Paano mo nalaman na wala siyang gusto sa'yo, aber?" She probed.
"Because he doesn't," Sabi ko pero bigla akong nag-alangan. "I think so?"
"Bakit parang hindi ka sigurado?" Tanong nito.
"I maybe assuming something. Ewan ko! Nilalason mo na ang utak ko. Ayaw kong masaktan, Rachelle." Pag-amin ko sa kaniya.
"Edi may gusto ka nga. Lumabas rin ang totoo na ayaw mong masaktan kaya ka in-denial," sabi nito. "Ewan ko lang ha?It maybe because you haven't had any relationship for the past four years, pero humihina na nga yata ang radar mo sa mga lalaki."
"Hindi ba pwedeng nag-iingat lang? Ayaw kong masaktan. Ayaw kong mag-assume. Ayaw kong lagyan ng kulay ang mga ginagawa namin kasi masasaktan lang ako." Paliwanag ko sa kaniya.
"Kung ayaw mong masaktan eh bakit ka nakipag-FB dun sa isang lalaki six months ago?" Tanong nito.
"Anong FB?" Takang tanong ko. "Facebook?"
"FuBu gaga. Fuck Buddy. Ano pa bang term ang gusto mo? Magka-ulagan, sex-sex lang, malanding-ugnayan, magka-iyo--" Napatigil naman ito ng may dumaan sa harapan namin. "--okay? Basta ganern? Alam mo na yun."
"Hoy! Yang bibig mo. Hinaan mo nga 'yang boses mo!" Saway ko rito. "Hindi kami ganyan 'no? He's gay, okay. We did not do it. I was just helping Benjie to get away from his girlfriend kasi hindi niya alam kung paano sasabihin sa ex niya na iba ang gusto niya."
"Ay may ganun? Akala ko talaga FB kayo at iniwan ka niya sa ere nung lumuwas ng Maynila," sabi nito. "Bet ko rin naman yun kasi ang gwapo. Gay pala, sayang naman."

KAMU SEDANG MEMBACA
One-shot Compilations
Cerita PendekThis is one-shot compilations that I did. I own these stories. Please don't plagiarize. I'll post all my one-shot stories here.