\CHAPTER 2/

433 20 0
                                    

Hestia's P.O.V.

Matapos ang mahabang byahe namin ni Felix ay madaling araw na ng makarating kami sa sinasabi nyang gubat. Si tarzan ba ang tatay ko?, bakit sa gubat kami pumunta?.

"Malapit na tayo..." Sabi naman ni Felix na may hawak na flashlight.

"Pano yung kotse mo dyan na lang yan?." Tanong ko sa kanya dahil basta na lang nya ipinarking ang kotse nya sa labas ng gubat.

"Hindi naman yan mawawala kaya halika na." Nilingon ko muna ang kotse bago sumunod kay Felix na nauna ng maglakad. Habang naglalakad kami ni Felix nakakaramdam ako ng takot dahil sa mga naririnig ko sa paligid kaya sumabay ako kay Felix sa paglalakad.

"Malayo pa ba?." Takot na tanong ko. Medyo madilim pa naman kaya nakakatakot dito sa gubat. Biglang tumigil si Felix kaya tumigil din ako sa paglalakad. Sa harap namin may isang malaking pintuan na napapalibutan ng mga baging. Napansin ko namang ibinababa ni Felix ang mga dala nyang gamit.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.

"Tumalikod ka muna Hestia." Nagtaka naman ako sa sinasabi ni Felix. Bakit kailangan ko pang tumalikod?, iihi ba sya?.

"Sige. Naiintindihan kita." Tumalikod na lang ako at kung ano anong pinagiiisip.

"Pwede ka ng humarap." Rinig kong sabi ni Felix kaya dali dali akong humarap at laking gulat ko ng biglang magliwanag ang pintuan na nakita namin kanina.

"A-anong ginawa mo?" Nauutal kong tanong sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, portal ba to?, pero papunta saan?.

"I cast a magic spell to open the portal. Hindi yun gagana kapag may nakakakita sa spell caster. Akala ko nga hindi gagana kasi nung nagaaral ako sa library ayaw gumana." Natahimik naman ako sa sinabi ni Felix. Sumilip kasi ako kaya siguro hindi nya nagawa yung spell nung nasa library sya.

"So isa kang wizard?." Tanong ko sa kanya at tumango lang sya.

"Wag ka na masyadong matanong puntahan na natin si tito." Hinila na lang ako bigla ni Felix papasok sa portal. Napakapit na lang ako ng mahigpit kay Felix dahil para kamig nahuhulog sa bangin. Ang dilim ng buong paligid hanggang sa makakita kami ng liwanag, napapikit na lang ako.

"Open your eyes Hestia..." bulong ni Felix. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at iba na ang lugar na kinatatayuan namin. Sa di kalayuan natanaw namin ang isang malaking mansion. Mukha itong haunted house kaya nagsimula akong manginig sa takot.

"Nandito na tayo." Napalingon naman ako sa katabi kong si Felix. Sigurado ba sya na dito talaga nakatira ang papa ko?, kung hindi sya tarzan siguro isa syang multo, parang gusto ko na lang umuwi.

"Hindi pa ba tayo papasok?" Tanong ni Felix. Hindi ko namalayan na nakakapit parin pala ako sa braso nya kaya inalis ko yon kaagad at tumingin sa ibang direksyon.

"Sigurado ka bang dito talaga yun?, baka naman nagkamali tayo ng pinuntahan." Paglingon ko sa tabi ko wala na si Felix. Tumingin ako sa buong paligid at nakita ko sya sa harap ng pinto ng bahay na kumakatok, bumukas naman ang malaking pinto at ang daming nagsilabasang mga paniki. Tumakbo na ako papalapit kay Felix dahil takot akong maiwan magisa sa labas ng nakakatakot na bahay na to'.

Napakalawak ng mansion pero kulay itim at pula lang ang nakikita ko. Nakasarado rin lahat ng bintana pati na kurtina.

"Mukha namang wala ng tao rito Felix." Bulong ko. Nauntog naman ako kay Felix dahil bigla syang tumigil sa paglalakad. Ang lalaking to' talaga, hindi magsabi kung titigil sya.

"Open it Hestia." Umalis naman sa harap ko si Felix at itinuro ang isang kulay itim na ataul.

"Bakit ako?, ikaw na." Reklamo ko sa kanya dahil natatakot ako sa kung anong meron sa loob nyan, baka mamaya patay ang nasa loob tapos isama ako sa pagtulog nya sa ataul na yan kaya ayoko.

The Vampire's DaughterWhere stories live. Discover now