\CHAPTER 7/

165 9 0
                                    

Hestia's P.O.V.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Felix kanina. Kailangan kita... Argh. Umiling iling ako para mawala sa isip ko ang bagay na yon pero kahit anong gawin ko hindi pa rin mawala. Tiningnan ko ang mahimbing na natutulog na si Felix.

"Bakit ba kasi pinsan pa kita." Mahinang bulong ko habang pinagmamasdan ang gwapo nyang mukha.

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kanina pero mabuti na lang at ligtas sya. Pero bakit ba ganon sila sakin?, bakit hindi na lang nila kami padaanin ng walang nangyayaring labanan?.

Nagising na lang si Felix kaya napaiwas ako ng tingin.

"Gising ka na pala." Pagkukunwari ko na ngangayon ko lang napansin na nagising sya.

"Nandito na ba tayo?." Tanong nya. Kusa namang bumaba ang karwaheng sinasakyan namin. San na naman ba kami dadaan ngayon?, may laban na naman ba?.

"Nasa anong lugar na ba tayo Felix?." Umayos ako ng pagkakaupo. Inayos ko rin ang buhok ko.

"Sa bundok Haleria." Saad nya. Salamat naman nakarating din kami. Sumilip ako sa bintana at kitang kita ko ang berdeng berdeng kulay ng mga dahon ng puno. May isang tao naman ang nakasuot ng cloak na nagiintay sa amin sa baba. Sya na siguro ang sinasabi ni papa na kaibigan nyang si Mitis.

"Maligayang pagdating sa bundok Haleria." Bati nya samin. Ngumiti naman ako pati na rin si Felix.

"Kamusta po... ako po si Hestia at sya naman po si-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng unahan akong magsalita ni Mitis.

"Felix.. tama ba?." Tumango naman si Felix. Magkakilala na ba silang dalawa?.

"Halina muna kayo at kumain. Marami akong hinandang makakain para sa inyong pagdating." Naglakad na si Mitis papasok sa loob ng bahay na gawa sa puno, sumunod naman si Felix at inihuli nya ako.

Pagpasok namin sa loob ang daming pagkain ang nakahain tsaka ang lawak. Kung titingnan mo sa labas mukhang maliit lang pero napakalawak pala.

"Maupo kayo..." magkatabi kami ni Felix sa hapagkainan habang nasa harapan namin si Mitis.

Mukhang masasarap ang pagkain na nakahanda kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kumain ako ng kumain hanggang sa mabusog ako. Si Felix halos hindi kumain dahil busog pa daw sya. Pati rin si Mitis hindi kumain dahil para samin daw ang mga pagkain kaya hindi na sya makikihati.

"Lalabas lang ako sadali.." pagpapaalam ni Felix. Tumango lang ako. Naiwan kaming dalawa ni Mitis sa hapag kainan. Namagitan ang katahimikan saming dalawa. Hindi ko alam kung pano ko babasagin ang katahimikan dahil ngayon ko lang sya nakilala.

"Ikaw nga ba ang itinakda na sinasabi ng karamihan?." Pagbasag ni Mitis sa katahimikan pero hindi ko nagustuhan ang tinanong nya. Hindi ko alam kung sasagutin ko pa ba sya kung alam na naman nya ang totoo bakit pa nya itatanong?.

"Narito po ako para magsanay at kayo ang aking magiging gabay, yun ang sabi sakin ni papa." Pag-iiba ko sa usapan. Nakita ko pa ang pagguhit ng isang ngiti sa kanyang labi.

"Magpahinga ka muna at bukas natin sisimulan ang iyong pagsasanay. Sa bandang kaliwa ang iyong silid na tutuluyan at sa bandang kanan naman ang kay Felix." Tumayo na sya at pumasok sa isang silid. Rinig ko pa ang pagkandado nya doon. Bakit kailangan pa nyang ilock?, siguro kagaya ng sinabi ni Felix hindi gagana ang spell kapag may ibang nakatingin sa spell caster.

Lumabas muna ako at hinanap si Felix. May gusto lang akong malaman tungkol sa lugar.

Makalipas ang kalahating oras na paghahanap kay Felix ay hindi ko sya makita kahit saan. Nasa ilalim ako ng isang malaking puno di kalayuan sa bahay ni Mitis. Pabalik na sana ako ng may naramdaman akong kung anong bagay sa paanan ko. May naapakan ata akong bagay. Inalis ko ang paa ko at tiningnan kung anong naapakan ko-- isang spell book.

The Vampire's DaughterWhere stories live. Discover now