\CHAPTER 20/

85 3 0
                                    

Vladimir's POV

Muling nanumbalik ang lahat sa Haleria. Ang mga naninirahan roon ay nag-simula muli at panatag na ang kanilang mga kalooban dahil wala na muling banta sa kanilang mga buhay.

Matapos ang araw na yon ay bumalik na kami ni Felix sa mansion ng hindi kasama si Hestia. Bigla na lamang syang naglaho na parang bula at hindi na namin natagpuan pa. Madalas din akong nagpapabalik balik sa Haleria sa pagbabakasakaling matagpuan ko si Hestia pero miski hibla ng buhok nya hindi ko makita.

“Ilang buwan na rin po ang nakalipas ng matapos ang labanan ngunit magpahanggang ngayon hindi pa rin bumabalik si Hestia.” Pagbasag ni Felix sa katahimikan sabay abot ng isang baso ng dugo saakin. Tahimik naming pinanood ang paglubog ng araw mula sa bubungan.

“Mahal mo ba si Hestia?” Biglaang tanong ko na mukhang ikinagulat ni Felix. Napansin ko ring namula ang magkabilang pisngi nya at mabilis na ininom ang alak na nasa baso.

“Kaso hindi pwede ang pagmamahal ko dahil magpinsan kami. Ang ama ko at ang ina ni Hestia ay-“

“Hindi magka-ano ano.” Ako na ang nagtuloy sa sasabihin ni Felix. Hindi totoong magkapatid si Fred at si Elvira dahil naikwento nya sakin na malapit na magkaibigan lamang sila nito at magkapatid na ang turingan.

“Tama po ba ang aking narinig na hindi magkaano-ano ang aking ama at si tita Elvira?.” Naguguluhang tanong ni Felix at bahagya lang akong tumango.

“Ang nais nyo po bang sabihin ay hindi kami tunay na magpinsan ni Hestia?.”

“Nakuha mo rin.”

Hindi naman maipaliwanag ang nararamdamang tuwa ni Felix dahil sa natuklasan. Matagal na kasi naming napapansin ni Mitis na may pagtingin sila sa isa’t isa at hindi naman kami tutol roon.

“Kailangan na lang nating makitang muli si Hestia upang masabi mo ang iyong nararamdaman.” Bigkas ko bago uminom sa aking baso.

Felix POV

Dahil sa sinabi ni tito Vladimir ay ginanahan akong hanapin si Hestia. Pagsapit ng gabi ay agad akong nagtungo sa kakahuyan upang magbalik sa Haleria.

Malapit na ako sa lagusan ng makita kong muli ang bata na nakita namin ilang buwan na ang nakakaraan. Sinubukan namin syang hanapin kinabukasan ngunit hindi na namin sya nakita. Nagtago ako madali sa likod ng puno at hindi gumawa ng kahit anong ingay.

Tahimik lang syang nakatingin sa lagusan habang dala dala ang mga kahoy na panggatong. Para bang hinihintay nya na magliwanag iyon. May hinihintay ba sya?. Bakit parang nag-iba ang itsura nya kumpara noong nakaraan?
Ilan sandali pa ang lumipas ay nagpasya na itong lumisan. Ipagpapabukas ko na lamang ang pagpunta sa Haleria para hanapin si Hestia. Sinundan ko ang batang babae kung saan man sya tutungo.

Nakarating kami sa isang tipi na medyo may kalayuan sa mansion. Ibinaba nya ang kahoy na panggatong sa gilid at pumasok sa loob. Nanlaki ang mga mata ko ng mahagilap ng mga mata ko ang maamong mukha ni Hestia pagbuklat ng bata sa tipi pagpasok nito.

“Hestia?!” Agad akong bumaba sa puno. Pagbuklat ko sa tipi ay bumungad sakin ang batang babae na pinupunasan ang braso ni Hestia. Nabitawan nya bigla ang pamunas na hawak at napatayo na lang bigla. Agad nya ring tinakpan ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga palad.  Nahihiya ba sya?.

“Saan mo sya natagpuan?.” Mahinahong tanong ko. Ilang segundo pa bago sya sumagot.

“Malapit po sa lagusan..” Matipid na tugon nito. Nabaling naman ang tingin ko kay Hestia na mahimbing na natutulog.

“Diba ikaw yung batang nakita namin ilang buwan na ang nakakaraan?.” Tanong ko muli at dahan dahan akong naupo sa tabi ni Hestia. Muli namang naupo sa kanyang upuan ang bata at nakayuko sya.

“Bakit ka umiiyak nung araw na yon?.” Nakita ko ang pagpatak ng luha sa kanyang suot na damit kaya agad ko syang nilapitan at pinatahan.

“Nako pasensya ka na.. hindi ko naman intensyon na paiyakin ka e.” Nataranta ako bigla dahil sa pag-iyak nya. Nako pano ba ‘to. Napansin ko namang agad nyang pinunasan ang mga luha nya at nanatiling nakayuko.

“May pumaslang sa aking mga magulang at malaki ang hinala ko na bampira ang may kagagawan non dahil may marka sila sa leeg.” Napalunok na lang ako dahil sa narinig. Ang tinutukoy nya bang mga magulang ay ang mga inataki ni Hestia noon?.

“Simula non ay hindi ko malaman ang gagawin ko bukod sa umiyak. Namuo rin ang galit sa puso ko para sa mga bampira na walang ibang alam kundi ang pumaslang!. Mga wala silang puso!.” Nagulat ako ng makitang nagliwanag ang kanyang mga mata. Kailangan ko syang pakalmahin dahil baka mawala sya sa kanyang sarili.

Hindi ako makapaniwala na may natitira pa palang ganitong uri ng mangkukulam.

“Paano naging ganyang ang itsura mo. Nung huli kitang makita ay normal pa ang hugis na yong katawan at ang iyong mukha ay-“

“Dahil sa babaeng tinulungan ko. Nung matagpuan ko sya ay may mahikang nakabalot sa buong katawan nya, hindi ko sya makilala nung una ko syang makita dahil kung anong itsura ko ngayon ay itsura nya noon.” Naikom ko na lang ang aking kamay dahil sa aking mga nalaman. Hindi naman nya kaano-ano si Hestia pero tinutulungan nya pa rin ito kahit na maraming kasalanan si Hestia sa kanya.

“Ano ang iyong ngalan at ilang taon ka na?.”

“Ako po si Miuna, sampung taong gulang.”

“Nais mo bang mag-aral? Malaki ang potensyal mo upang mapalitan ako sa hinaharap.” Bigla naman syang napaangat ng tingin ng marinig ang aking sinabi.

“K-Kayo p-po ba ang nangunguna sa rango?.” Nauutal na tanong nito. Tumango lang ako bilang sagot.

“Ngunit wala po akong kahit kapirasong gitno upang ipambayad sa akadimía para makapag-aral.” Napayuko ng muli si Miuna.

“Wag kang mag-alala, akong bahala don. Gusto mo bang sumama samin sa mansion, nag-iisa ka kasi dito e.” Agad naman syang umiling. “Ayoko pong maging abala sa iba kaya ayos lang po kahit hindi na ko makapag-aral ta kaya ko naman pong mag-isa.” Kinuha ko ang mga kamay nya at mahigpit na hinawakan iyon.

“Hindi ka isang abala sakin. Isipin mo na lang na kabayaran ang lahat ng tulong ko sayo dahil sa pagliligtas mo sa kasintahan ko, ayos ba yun?.” Sumang-ayon naman si Miuna. Nagbaling ako ng tingin sa kinaroroonan ni Hestia ngunit nakaupo na sya ng tumingin ako kaya halos mapalupagi ako sa lupa ng makita sya.

“Anong sinasabi mong kasintahan?.” Taas kilay na tanong nito. Patay na, narinig nya ata ang sinabi ko.

“Ah ano kase-“

“Magpapalusot ka pa. Alam mo naman atang magpinsan tayo!.” Gigil na saad ni Hestia. Tumayo ako at tumabi sa kanya. Kung alam lang nya  hindi na ko makapaghintay na malaman nya ang totoo.

“Kung sakali bang sabihin ko na gusto kita papayag ka bang mapasakin?, wag kang mag-alala sayo lang din naman ako.” Gumamit muna ako ng mahika upang hindi marinig at makita ni Miuna ang pinag-uusapan at ginagawa namin. Masyado pa syang bata para sa ganito.

“Oo kaso hindi pwe-“ Isang mariing halik kaagad ang inialay ko sa kanya dahil gusto kong malaman nya kung gano ko sya kamahal. Kaming mga salamangkero, maaari naming ipaalam ang aming tunay na nararamdaman gamit lamang ang paghalik.. siguro ay may mahika ring nakahalo rito pero nakakasiguro ako na totoo ang nararamdaman ko kay Hestia at walang kahit anong mahika ang nakahalo rito.

Kitang kita ang pagkagulat sa mukha ni Hestia dahil sa ginawa ko pero kahit ako ay nagulat din. Dala na siguro ng pagmamahal sa kanya kaya ko iyon nagawa at hindi ko yon pinagsisisihan.
Ilang segundo pa ang itinagal noon bago ako kumalas. Hindi pa rin makakurap si Hestia kaya napangiti na lang ako.

“Alam kong may gusto ka rin saakin Hestia kaya wag ka ng mahiya. Sinabi sakin ng iyong ama na hindi tayo magpinsan at hindi totoong magkapatid ang ama ko at si tita Elvira kaya ngayon Hestia, gusto kong marinig mula sayo mismo na mahal mo ko, mahal na mahal.”

“Ha?”

“Mabuti pang umuwi na muna tayo para makita ka ng iyong ama dahil sigurado akong magiging masaya syang muli.” Binawi ko na ang mahika na inilagay ko kay Miuna at muli na syang nakagalaw.

“Uuwi na muna kami Miuna, wag kang mag-alala, madalas ka naming dadalawin.” Nag-iwan ako ng ilang pirasong ginto at pagkain kay Miuna ng sa ganon ay makakain na sya.

The Vampire's DaughterWhere stories live. Discover now