\CHAPTER 19/

73 4 0
                                    

Mitis POV

Pinilit kong imulat ang aking mga mata at pilit din akong tumayo kahit na ubos na ubos na ang lakas ko. Nakahawak ako sa pader ng kweba para hindi ako matumba. Inilabas ko agad ang aking pana. Naabutan ko sa labas si Vladimir at mukhang nanghihina na rin sya.

“Mitis hindi ka maaring umalis. Hindi maganda ang iyong kalagayan.” Hindi ko na pinansin ang maestro na sumunod sakin. Inuna kong kunin ang bulaklak ng buhay upang hindi ito mamatay sakaling makipaglaban ako sa DL. Ginamit ko ang aking mahika upang mabilis itong mapunta sa kweba ng hindi napapansin ng kalaban. Nang masigurado ko na nasa loob na ng kweba ang bulaklak ay nagpaulan ako ng mga palaso gamit ang aking makapangyarihang pana.

“MITIS!” rinig kong sigaw ni Vladimir ngunit hindi ko na sya pinansin dahil baka magbago pa ang isip ko sa gagawin kong pagsasakripisyo.

Nabaling sakin ang atensyon ng DL kaya nakatakas si Vladimir. Mabilis akong nag-cast ng spell upang maikulong ko ang higanteng DL.

Nagpupumiglas ito kaya maaaring masira kaagad ang spell na ginawa ko. Inilabas ko ang aking espada at mataas na tumalon papunta sa ulo ng kalaban. Itinarak ko doon ang aking espada at lalo itong nagpumiglas. Alam kong hindi ko sya matatalo gamit lang ang espada ko kaya kailangan kong gawin ang bagay na ‘to.

“AFTOKATASTROFÍ!!” Kaagad nagliwanag ang buong paligid at paunti unti ay hindi ko na naramdaman pa ang katawan ko.

Vladimir’s POV

Isang malakas na pag-sabog ang narinig naming lahat. Balak ko na sanang lumabas pero agad akong pinigilan ni Felix kasabay ng pag-iling nha.

“Mitis..”

Kaagad sinimulan ni maestro ang ritwal upang mabalik ang buhay ng aking anak ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ay wala pa ring nangyayaring kahit ano. Hindi pa din gumagalaw si Hestia.

“Maghintay pa tayo ng ilan pang sandali dahil hindi ako maaaring magkamali. Dapat ay sa oras na mailagay sa loob ng kanyang katawan ang talulot ng bulaklak ng buhay ay magigising na sya agad ngunit hindi sya nagising. Maghintay muna tayo sandali.” Nagpantig ang tenga ko sa narinig kaya agad kong nilapitan ang maestro.

“GAANO KATAGAL PA BA TAYO MAGHIHINTAY?!. NAWALAN NA TAYO NG KASAMA TAPOS HINDI PA TAMA ANG INYONG MGA TINURAN TUNGKOL SA BULAKLAK NG BUHAY?.” hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at kay maestro ko naibuhos ang aking galit.

“Hindi ako nagkakamali dahil kahit si Felix ay alam ang tungkol rito kaya humi-“ Hindi na natuloy ang kanyang sasabihin ng mapansin nyang nawala ang katawan ni Hestia sa batong higaan. Agad din akong nakaramdam ng malakas na enerhiya kaya agad akong lumabas upang tukuyin iyon.

Laking gulat ko ng makita ko si Hestia na nasa himpapawid at nakapalibot sa kanya ang lahat ng elemento ng kapangyarihhan. Diretso ang tingin nya sa Demon Lord at para bang galit na galit sya rito.

Aatakihin na sana ng DL si Hestia gamit ang mga galamay nito ngunit sa isang iglap lang ay putol na ito lahat gamit lang ang apoy na espada na hawak ni Hestia. Mabilis ang pagkilos nya at hindi mahuli ng aming mga mata. Walang palya ang ataki nya at palagi nyang naiiwasan ang ginagawang pag-ataki ng kalaban.

“Kung mabilis matatapos ang labang ito wag nyong asahan na si Hestia ang babaeng yan dahil mapanganib sya.” Napalingon naman ako kaagad kay maestro dahil sa sinabi nya. Hindi si Hestia?, bakit?.

“Palagay ko’y nagtataka ka. Sa estado nya sa mga oras na ‘to wala syang sino mang kilala kahit sarili nya hindi nya kilala. Lahat ng makikita nya ituturing nyang kalaban kaya kailangan nating mag-ingat.” Nakakunot ang aking noo ng magbalik ako ng tingin kay Hestia na walang kahirap hirap ng tinatalo ang DL.
Napansin naming lahat na bumubuo sya ng isang bolang enerhiya galing sa mga elemento ng kapangyarihan at malaki iyon.

“MAGSIBALIK KAYO SA KWEBA NGAYON DIN!.” Sigaw ng maestro kaya mabilis silang nag-sipasok pabalik sa loob habang ako ay naiwan sa labas.

Napako ang tingin ko sa bolang enerhiyang binubuo ni Hestia. Nang ihagis iyon ni Hestia sa kanyang kalaban ay agad naman akong hinila ni Felix papunta sa loob at mas malakas na pagsabog ang narinig namin bukod sa kaninang naganap na pagsabog.

Nagpatakan ang maliliit na bato sa loob ng kweba dahil sa lakas ng pagsabog kaya agad gumawa ng proteksyon si Felix sakalaing gumuho ang kweba.

Makalipas ang kalaating oras ng paghihintay ay tuluyan na kaming lumabas sa kweba at naabutan namin ang sobrang gulong lugar kung saan naganap ang karahasan.

Bumalik na ang liwanag ngunit bakas pa rin sa lugar ang pagkasawi ng mga may buhay kagaya na lamang ng mga halaman at mga hayop.

Napaatras kaming lahat ng makitang hindi pa rin pala nakakaalis si Hestia kung nasan sya kanina. May kung anong binibigkas sya na tanging hangin lang ang nakakarinig.

“Ibinabalik nya ang lahat ng buhay sa pagkakataong ito.”

“Maibabalik rin po ba nya ang buhay ng mga nasawing mga salamangkero at iba pang nabubuhay rito sa Haleria?. Sabihin nyo po sakin nais ko pong malaman...” Sa mga oras na yon.. nagbakasakali ako na mabalik pa ang buhay ni Mitis pero hindi ko napigilan ang pag-patak ng mga luha ko ng marinig ang sunod na sinabi ni maestro.

“Hindi iyon maaari.” Pakiramdam ko ay tumagos na sa katawan ko ang sugat na meron ako dahil sa nawalan na naman ako ng minamahal. Hindi ko pa maaaring yakapin ang aking anak dahil wala pa sya sa kanyang sarili kaya paano ako?.

“Wag kang magalala tito.. magiging maayos din po ang lahat.”

Pinunasan ko na ang aking mga luha dahil hindi bagay sakin. Tama si Felix, magiging maayos din ang lahat. Hindi man sa ngayon pero sa tamang panahon.

“Sa ngayon kailangan na muna nating libutin ang buong lugar upang tulungan ang mga katulad nating nangangailangan.” Dahan dahan at tahimik kaming umalis sa lugar dahil baka mapansin kami ni Hestia.

Naghiwa-hiwalay kami upang marami kaming matulungan kahit na imposible na may matagpuan pa kaming buhay.

●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●

Vladimir's POV

Makalipas ang mahigit tatlong oras na paglilibot sa lugar ay wala kaming natagpuang kahit ano o kahit sino. Lahat ng mga tipi na aming natatagpuan ay walang kahit sino kaya nagpaalam na muna kami ni Felix na babalik na sa labas ng bundok Haleria. Titingnan namin kung may mga naging pinsala ba dito.

Ipinaalam ko na kay Felix ang sekretong lagusan dahil kagaya ko ay may dugo rin syang makapangyarihan.

Pagtawid namin sa kabila ng lagusan ay isang paslit ang aming natagpuan na kanina pa atang umiiyak. Sinubukan ko syang kunin at patahanin pero agad itong kumaripas ng takbo palayo. Hahabulin ko sana ang paslit ngunit agad akong pinigilan ni Felix.

“Tsaka nalang natin sya kausapin kapag ayos at kalmado na sya. Sa ngayon kailangan nyo na po munang magpahinga. May bukas pa naman para sa batang iyon.” Hindi sana ako papayag sa suhestyon ni Felix ngunit bigla kong naramdaman ang panghihina ng katawan ko kaya wala na akong ibang pagpipiliian kundi ang magpahinga at ipagpabukas na lamang ang misteryosong batang babae.

The Vampire's DaughterWhere stories live. Discover now