\CHAPTER 11/

99 4 0
                                    

Hestia’s POV

Kakatapos lang namin kumain ng umagahan, mabuti na lang at wala na akong sakit kaya maya maya lang ay magsisimula na kaming magensayo ni Mitis.

Papunta ako ngayon sa kanyang silid dahil kailangan nya daw suriin muli ang aking kapalaran kung may nabago o wala. Pagdating ko sa harap ng kanyang kwarto ay kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok.

Pagpasok ko, naabutan ko pa si Felix na nakikipagusap kay Mitis. Nang makita nila akong dalawa tumayo kaagad si Felix at nagpaalam na lalabas na para makapagusap naman kaming dalawa. Umupo ako sa upuan sa harap ng lamesa ni Mitis, inalis ang head armor ko at ipinatong sa gilid ng lamesa.

“Anong ginagawa ni Felix sa iyong silid?, bakit sya naparito?.” Takang tanong ko. Ngumiti muna si Mitis habang may binabasa na isang malaking lumang libro.

“Nagtanong lamang sya kung saan sya pwedeng magsanay ng mahika at may iprinisinta ako sa kanyang isang kaibigan.” Sagot ni Mitis. May iba pa palang naninirahan dito bukod kay Mitis akala ko'y sya lamang.

“Itapat mo sa aking hintuturo ang iyong kanang hintuturo.” Ginawa ko naman ang iniutos sakin ni Mitis, itinapat ko ang aking hintuturo sa kanya ring hintuturo. Lumiwanag ang mga mata ni Mitis ng kulay puti.

Pinagmamasdan ko lamang sya sa kanyang ginagawa hanggang sa pwersahan nyang inalis ang kanyang daliri. Hingal na hingal din sya at parang may kung anong masamang nangyari. Kumunot ang noo ko at kaagad syang tinanong.

“Ano ang iyong nakita?, mukhang hindi maganda.” Nagaalalang saad ko.

“Nag-iba ang iyong kapalaran at mas lumala pa ito. Mabuti pang hindi mo na malaman upang hindi ka malito. Hintayin mo na lamang ako sa baba para sa ating pagsasanay.” Hindi na ako sumagot at nagtanong kahit na gusto kong malaman ang nakita nya sa aking hinaharap.

Lutang ang isip ko habang naglalakad ako palabas ng tree house, hindi ko napansin si papa kaya nabangga ko sya.

“Pasensya na po.” Sabi ko. “Ayos lang yon anak. Bakit parang nawawala ka sa iyong sarili?.” Tanong ni papa.

“Wala po, okay lang po ako. Mauna na po ako sa labas.” Hindi ko na hinintay na sumagot pa si papa. Nilampasan ko na sya agad at nagpatuloy sa paglalakad palabas.

Tumalon na ako mula sa mataas na tree house hanggang sa makababa. Habang hinihintay ko si mitis naalala ko ang head armor ko na nasa gilid ng lamesa ni Mitis, nakalimutan kong isuot ulit.

Bumalik ako sa tree house para kunin ang head armor ko, malapit na ako sa silid ni Mitis ng marinig ko na naguusap silang dalawa ni papa.

“Hindi maganda ang kahihinatnan ng iyong anak Vladimir, nakita ko ang kanyang kapalaran kani-kanina lang!, nakita ko!.” Takot na saad ni Mitis sa kausap kaya imbis na pumasok ako ay bahagya lang ako lumapit sa pinto at nakinig sa kanilang usapan. Alam kong masama ang ginagawa kong making sa usapan ng matatanda pero nais ko lang malaman ang magiging kapalaran ko at kung bakit nagbago yon. Ano bang kapalaran ko dati?.

“Ano ba ang iyong nakita tungkol sa kanyang kapalaran?.” Tanong ni papa.
“Wala ba tayong maaaring gawin upang mabago pa ito muli?.” Dagdag na tanong pa nya. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa mga naririnig, kinakabahan ako sa maaari kong malaman.

“Sandali lamang, may nararamdaman ka bang kakaiba?.” Rinig kong tanong ni Mitis. Paktay!, baka naramdaman nilang nandito ako. May narinig akong yabag palapit sa pinto kaya agad akong nagteleport papunta sa ibaba ng puno kung saan ako nagaantay kanina. Muntik na kong mahuli don ah, mabuti na lang at may powers ako.

Matyaga akong nagintay sa baba. Siguro ay hindi pa rin sila tapos mag-usap ni papa kaya natagalan si Mitis. Bakit ba kasi ayaw nyang ipaalam sakin e kapalaran ko naman?, tanong ko sa sarili ko habang naglalaro ng tubig sa aking palad.

The Vampire's DaughterWo Geschichten leben. Entdecke jetzt