\CHAPTER 6/

201 10 0
                                    

Hestia's P.O.V.

Kanina sobrang init na halos maligo ka sa pawis mo tapos ngayon naman sobrang lamig, natuyo na ata ang pawis ko baka magkasakit pa kami nito. Pabago bago kasi ang klima.

"Isuot mo 'to, malamig talaga dito sa ice palace kaya wag ka ng magtaka." Kinuha ko ang itim na coat na binibigay ni Felix sakin at kaagad na sinuot iyon. Hindi na ako masayadong nilalamig. Salamat talaga sa hero ko.

"Bakit ba ganto ang mga nadadaanan natin?, wala bang normal na daan?." Takang tanong ko habang kumakain ng cookies na baon ko. Bigay ng isang matabang fairy na nasa loob ng cabinet na nakita ko nong unang dating ko palang dito.

"Ibang mundo 'to Hestia, puro mahika ang nandito. At kakaiba rin ang mga naninirahan dito. Hindi ito maipapaliwanag kung nasa mundo tayo ng mga tao." Sagot naman ni Felix at kumuha ng cookies na nasa kandungan ko.

"Hindi ba lalamigin yung mga kabayo?." Naaawa kasi ako sa mga kabayo baka nilalamig din sila kagaya namin. Kawaw naman.

"Wag kang magalala, immune sila sa lahat ng klima." Napatango tango na lang ako sa sinabi ni Felix. Bigla na namang tumigil ang karwahe sa kalagitnaan ng daan.

"Ano na naman ba ngayon?." May kung ano namang malaking patusok na yelo ang bumutas sa karwahe, buti na lang nakaiwas kami ni Felix kung hindi siguradong may sugat na kami.

"Kailangan na naman ba natin humingi ng permiso sa kung sino mang diyosa ang nandito?, nakakasawa na ah." Bulong ko kay Felix na tahimik lang na pinakikinggang ang hangin.

"YUKO!." biglang iniyuko ni Felix ang ulo ko kaya nasubsob ako sa cookies na nasa kandungan ko pa rin. May kung anong matulis na bagay  ang lumipad sa may uluhan namin at nahagip ng konti ang buhok ko. Pumulupot na lang bigla sa leeg ko ang isang malamig na bagay at nagsimula akong  kapusim sa hininga. Para akong sinampay na nasa himpapawid.

"HESTIA!!" rinig kong sigaw ni Felix pero wala syang magawa para puntahan ako dahil may yelo na nakabalot sa dalawang paa nya kaya hindi sya makalabaa ng karwahe.

"Paano mo nalampasan si Fiery?, sa hina mong yan nagawa mo syang talunin?." Sabi ng babaeng nasa harap ko, sya ba... ang ice queen?.

Dahil sa sinabi nya, naalala ko ang ibinigay ni Fiery sakin. Kinuha ko ang espada at agad sinira ang taling yelo na nasa leeg ko halos manghina ako at muntik ng mawalan ng malay dahil sa pagsakal nya sakin.

"Nakuha mo na pala ang basbas ng babaeng yon, napakahina talaga nya kaya sya laging nasa unahan ng-. Nevermind." Bakit kaya hindi nya tinuloy ang sasabihin nya?. Mahina na ba sa kanya si Fiery?, eh halos maabo ako don dahil sa laban namin.

Itinapat nya sakin ang wand na hawak nya at gumawa sya ng kutsilyong gawa sa yelo, tingin ko nasa mga bente yon lahat o higit pa.

Nang lumapit yon sakin ay agad kong binasag gamit ang espada ko na nagaapoy. Tatlong beses kong iwinagayway ang espada ko sa direksyon nya at agad naman nyang naiiwasan ang apoy na nagagawa non.

"In that case, hindi ka deserving sa basbas ko." Kung kanina sobrang lamig na, pakiramdam ko naman ngayon wala ng kwenta ang coat na suot ko para panatilihing mainit ang katawan ko. Shit. Baka mamatay pa kami dahil sa lamig, magiging yelo naman kami pwede ng panlagay sa juice.

Kung sana lang mabilis akong makakapunta sa harapan nya sigurado akong masusugatan ko sya.

Hindi ko namalayan na nasa harapan na nga nya ako, parang hangin lang sa sobrang bilis. Kaya ko rin bang magteleport?. Hindi ko na sinayang ang pagkakataon at kagaya ng plano nasugatan ko sya pero agad din yong naghilom.

"Bakit naman ang bilis mo?, swerte ka ng nasugatan mo ko." Panong... gumaling agad ang sugat nya?.

Nagulat na lang ako ng bigla syang mapunta sa likudan ko, kagaya ng ginawa ko kanina. Lumabas sa bibig ko ang maraming dugo dahil bumaon sa tyan ko ang malatim at malamig na bagay na hawak ng ice queen. Nawalan ako ng balanse at lakas, naramdaman ko ang hangin na dumadampi sa balat ko sa aking pagkahulog.

The Vampire's DaughterWhere stories live. Discover now