\CHAPTER 12/

87 3 0
                                    

Hestia’s POV

Ngayon ang pangalawang araw ng aking pagsasanay pero pakiramdam ko hindi ko kayang magsanay dahil inabot ako ng umaga sa pag-babasa at pag-me-memorize sa libro na ipinahiram ni mitèra saakin.

Bago ako matulog ng gabing yon binisita ko muna ang kwarto ni Felix, nagbabakasakali akong nakauwi na sya pero wala sya sa kanyang silid.

Ngayong umaga hindi ko pa rin sya nakakasalubong o nakikita man lang. Habang hinihintay ko si mitèra, naalala ko ang munting bulaklak na nakausap ko kahapon. Pinuntahan ko sya at diniligan, mukhang masarap pa ang tulog nya kaya laking gulat nya ng maramdaman ang malamig na tubig.

“Ano ba, tama na, tama na.” Inis na saad nito kaya itinigil ko na ang pagdilig sa kanya. Nakabusangot syang humarap sakin.

“Hoy chosen one, hindi mo ko pwedeng ganto gantuhin lang!.” Sabi nya sakin at dinuduro ako ng dahon nya. Imbis na maiinis ako, lalo lang akong nacute-an sa kanya. Ang liit liit nya pero ang tapang tapang.

“Hestia na lang ang itawag mo sakin, ikaw ano bang pangalan mo?.” Pag-iiba ko sa usapan. Wala pa naman si mitèra kaya pwede ko muna syang kausapin.

“Wala akong pangalan,tsaka ano ako?, alaga para pangalanan?.” Singhal pa nito kaya napangiti ako.

“Papangalanan na lang kita, wait lang. Iisip muna ako..” Ilang sandali pa akong nagisip ng pwedeng ipangalan sa kanya, dapat yung pang matapang. Alam ko na!.

“Lily!, Clematis na lang ang ipapangalan ko sayo kasi cute ka tapos kulay green kaya para kang lily pero ang kaibahan wala ka sa tubig.” Masayang sabi ko sa kanya, mukhang nag-isip pa sya ng ilan pang minuto bago sumang-ayon sa naisip kong pangalan para sa kanya.

“Sige na Hestia, paparating na si Mitis.” Masungit pa rin sya sakin. Mamaya na lang siguro ako babawi sa kanya kapag maaga kaming natapos sa pagsasanay. Tumayo na ako at saktong dating naman ni mitèra

“Alam mo ba na may Solar eclipse ngayon?.” Tanong ni Mitèra. Kumunot naman ang noo ko. “Magkaka-Solar eclipse po ngayon?” Ulit ko sa tanong. Tumango lang si Mitèra at binigyan ako ng nakakalokong ngiti. Napansin ko rin na may suot syang kalasag ngayong araw ng aming pagsasanay.

“Ngayon ay hindi ako ang kakalabanin mo dahil ako ay iyong kakampi sa gaganaping laban.” Napalunok ako dahil sa sinabi nya. Hindi ko alam ang tinutukoy nyang mga kalaban, tumingala sya sa langit at para bang may hinihintay. Hinihintay nyang matakpan ng buwan ang araw.

“Natatandaan mo ba ang mga inaral mo kagabi?.” Tanong ni mitèra na hindi inaalis ang tingin sa araw. Pilit ko namang inaalala ang mga inaral ko dahil sigurado akong malaki ang maitutulong nito sakin ngayong may totoong laban kaming kahaharapin.

Tubig lang ang alam ko masyadong gamitin sa ngayon dahil yun pa lang ang napagtutuunan ko ng pansin, pwede naman siguro akong gumamit ng ibang element kapag kinakailangan.

Unti unti ng dumidilim ang buong paligid hanggang sa umabot na ito sa aming kinaroroonan. Madilim na sa buong lugar.

“Oras na, humanda ka Hestia..” Bigla namang may lumabas na mahabang espada sa kamay ni mitèra, siguro ay limang talampakan ang sukat noon. Inilabas ko na rin ang espda ko pero isang palaso ang lumabas, saan ito nanggaling?. Napatingin na lang ako sa buong katawan ko na binabalot ng liwanag na kulay berde, ilang sandali lang at nawala na iyon.

Nag-iba ang aking kalasag, naging kulay green ito at nagka-kapa ako ng manipis na tela at kulay berde rin. Tinignan ko ang buhok ko, laking gulat ko ng maging berde rin iyon. Napatingin na lang ako kay mitèra dahil hindi ko alam ang nangyare saakin kung bakit ako naging ganoon. Mukahang kahit sya rin ay naguguluhan kaya hindi na muna namin pinagkaisip pa ang bagay na iyon.

The Vampire's DaughterWhere stories live. Discover now