\CHAPTER 14/

76 3 0
                                    

Hestia’s POV

Parang tanga lang akong nagaabang sa kabilang parte ng lugar kung saan ako nagising habang inaantay lumabas ng tipi ang babae kanina. Anong oras na kaya?. Tiningnan ko muli ang papel na hawak ko, pepermahan ko na ba ang papel na ‘to o hindi?.

“Hindi dapat… hindi… wag..” Isang malambing na boses ang narinig ko mula sa kung saan. Mitis?, boses iyon ni Mitis. Agad akong tumayo sa aking pagkakaupo at kaagad hinanap si Mitèra.

“Mitèra nariyan ka ba?.” Tanong ko pero walang sumagot. Siguro ay guniguni ko lamang yon dahil ayoko naman talagang permahan ang papel na ibinigay ng babae saakin pero paano ko naman mailalayo sakin ang papel kung bumabalik ito kada itapon ko?, nabubuo ulit kapag pinupunit ko.

Tumapat ako sa tipi ng babae at nagsimula syang tawagin. “Lumabas ka riyan babae, may gusto lang akong itanong!.” Sigaw ko mula sa malayo. Mukhang hindi nya ako narinig kaya inulit ko ang pagsigaw. Lumabas na muli ang itim na usok at lumapit saakin.

“Ano na naman ba ang kailangan mo?, yung papel?, napirmahan mo na?.” Sunod sunod na tanong nya. Akala ko ako lang ang may itatanong sya rin naman pala. “About nga don, hindi ko pa napipirmahan.” Inirapan nya lang ako. Magiging usok na naman sana sya buti na lang at napigilan ko sya kaagad.

“Mamaya ka na umalis, gusto ko lang itanong kung may iba pang option bukod dito.” Sabi ko sabay turo sa papel. Isang ngiti naman ang gumuhit sa kanyang maiitim na mga labi.

“Meron pa naman. Ang maging tagasundo..” Tagasundo ano yon?, parang may hihintayin sa terminal tapos susunduin?.

“Tagasundo ng?.” Tanong ko.

“Tagasundo ng mga kaluluwa.” Sagot nya naman. Ano tagasundo ng kaluluwa ang last option?, nakakatakot naman sumundo ng kaluluwa e baka mamaya awayin ako, bakit daw sinundo ko sya. Yung mga ganong pangyayare agad ang pumasok sa isip ko.

“Pero kung gusto mo namang mapabilis ang trabaho mo kada araw pwede mong agahan ang pagsundo sa kanila, ikaw na ang gumawa ng paraan para mamatay sila kaagad.” Nakangiting sambit nito sabay nagpakawala na naman ng nakabibingin tawa, napatakip na naman ako sa tenga ko. Kailangan pa talagang tumawa e mukhang wala naman nakakatawa don.

“Anong masasabi mo?, ang gandang trabaho diba?.” Napangiwi na lang ako sa pinagsasabi nya. Ano nga bang pipiliin ko sa dalawa?, kung makakalabas ako dito, pwede akong humingi ng tulong kanila Felix. Tama!, napakagaling ko talaga.

“Yung second option na lang, pwede?.” Hinawakan ako ng babae sa aking braso at pumunta kami sa kabilang bahagi ng lugar, pumasok kami sa loob ng tipi at sobrang lawak non. Hindi lang sya ang nakatira doon, marami pang kagaya nya.

“Anong ginagawa natin dito?.” Manghang tanong ko habang nililibot ng paningin ko ang buong paligid. Madilim rin doon pero sapat lang para makita mo ang buong lugar.

“Pangalawang opsyon ang napili mo kaya wala ng atrasan.” Pumasok kami sa isang napakadilim na silid, sinindihan ng babae ang kandila na nakapatong sa bungo kaya lumiwanag sa silid kahit papaano.

Pinaupo nya ako sa isang silya sa loob ng silid. Isang kulay itim na usok ang gumapos sakin at sobrang higpit noon, naiipit ako.

“Anong gagawin mo sakin?.” Takot na tanong ko. May isang maliit na kulay itim na kristal ang hawak ng babae. Pwersahan nyang ibinukas ang kaliwang mata ko at dahan dahan inilagay ang maliit na kristal doon. Ang sakit!, parang mabubulag ata ako. Tumulo ang dulo mula sa mata ko at ramdam na ramdam ko yon sa pisngi ko.

“Wala ka ng maaalala simula ngayon. Ikaw na si Eresh ang malupit na kampon ng kadiliman.” Sumakit bigla ang ulo ko na para bang pinipiga, pakiramdam ko rin na para bang binabalot ng kung ano ang puso ko. Parang sa isang iglap nawala ang sakit na nararamdaman ko.

The Vampire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon