\CHAPTER 15/

84 3 0
                                    

Eresh POV

“Samahan mo ako sa lagusan patungo sa himlayan ng demon lord. Kailangan ko na syang buhayin hangga’t hindi pa nila nababawi sa akin ang kaluluwan ito.” Utos ko kay Hatoke na aking alalay. Kaagad akong bumalik ng matakasan ako ng lalaking salamangkero dahil nakasisiguro ako na ginagawa na nila ang unang hakbang nila.

“Ngunit hindi mo sya magagamit kung kaluluwa lamang ang gamit mo, kailangan mo pa mismo ang kanyang katawan at higit mong kailangan ang kanyang puso...” Napakunot na lang ang noo ko dahil sa narinig. Hindi magiging madali ang pagkuha sa kanyang katawan dahil sigurado akong binabantayan sya ni Mitis, ang malakas kong kaaway.

“Walang mangyayari kung mauupo lamang ako rito, tumawag ka ng ilan pang malalakas na kaluluwa upang samahan akong kunin ang kanyang katawan.” Ilang minuto ko pang hinintay si Hatoke na dumating ng bigla akong makaramdam ng pagkahilo. Hindi ito maaari, sinusubukan na nila na mahiwalay ako sa kaluluwa ng batang itinakda.
Kaagad akong tumayo ng dummating si Hatoke, nagtungo kami sa tinitirhan ni Mitis. May mga tinik na nakabalot sa buong kabahayan kaya hindi kami maaaring makapasok lalo na at maaari kami nitong paslangin ng tuluyan yung tipong hindi na kami magiging kaluluwa dahil buburahin na kami nito sa mundo pati na rin sa kawalan. Tsk. Masyado syang namamayabang!.

“Wala na tayong ibang paraan Eresh, hindi tayo makakalapit riyan.” Paalaala ni Hatoke pero isang magandang ideya ang pumasok sa isip ko, ang magpanggap bilang si Hestia upang maaari ko ng kunin ang kanyang katawan.

“Dyan ka nagkakamali. Sirain nyo ang mga tinik na humaharang sa bintanang iyon, kailangan kong makapunta roon upang makita nila ako.” Utos ko sa kanilang lahat dahil hindi madaling masira ang mga tink na nakapalibot sa bahay. Sinimulan na nilang atakihin iyon hanggang  sa masira. Kaagad akong lumapit roon at nagsimulang magmakaawa.

“Mitis...Mitis...papasukin nyo ako.. maawa na kayo sakin. Ako ‘to si Hestia!.” Agad namang bumukas ang bintana, bumungad sakin si Mitis at may kasama pa syang dalawang lalaki. Ang isa na nasa kanyang kaliwa ay hindi ko kilala at ang nasa kanang bahagi naman ay ang salamangkero.

“Ikaw na ba talaga yan?.” Tanong ng lalaki sa kaliwa. Tumango na lang ako dahil hindi ko sya kilala at baka magkamali pa ako ng masabi.

“Wag kayong maniwala riyan!, isa yang sinungaling!.” Sigaw ng salamangkero. Pinigil ko ang inis ko dahil baka mabuko lalo ako. Sigurado naman akong hindi sila maniniwala sa kanya.

“Ako po talaga ito, maaari na po ba akong bumalik sa aking katawan?.” Tanong ko habang tinitingnan ang katawan na nakaratay sa higaan sa likudan nila. Mukhang nag-isip pa sila bago pa ako pinayagang makapasok, inalis na rin nila ang mga tinik na nakapalibot sa buong bahay. Sa wakas!, malaya na kaming makakapasok.

Agad akong nahiga sa katawan at isang malawak na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi na sa tingin ko ay nakita ng salamangkero, balak pa sana nya akong pigilan ngunit hindi nya ako mahawakan dahil isa lamang akong kaluluwa. Ramdam ko ang lakas sa katawan na aking sinaniban, ang lakas na ngayon ko lang naramdaman.

Umupo ako mula sa aking pagkakahiga. Tiningnan ang aking dalawang mga kamay. Tiningnan ko silang tatlo na mukhang masaya, agad akong niyakap ng lalaki na hindi ko naman kilala. Agad kong tinawag sila Hatoke sa pamamagitan ng aking isip.

Nilusob nila ang tree house ni Mitis ngunit kaagad din naman nila iyong nalagyan ng proteksyon kaya hindi nakalusob ang aking mga kasama. Ang mga tingin nila saakin ay parang naging iba. Ngayon ko lang napansin na may kulay puting usok pa rin ang paikot ikot sa katawan na aking sinaniban. Agad din namang pumasok sa loob si Hatoke?.

“Patawad.. ngunit kailangan ko itong gawin.” Inilabas nya ang punyal ng katarungan na makakapagpapaalis sakin sa katawan at mawawalan na ako ng kontrol dito. Hinawakan nila akong tatlo kaya hindi ako makakilos.

The Vampire's DaughterWhere stories live. Discover now