\CHAPTER 4/

301 14 0
                                    

Hestia's P.O.V.

Nagising na lang akong nakadapa sa isang malamig na lugar. Tiningnan ko ang buong paligud at para syang cave under the sea at may statue pa ng sirena. Naalala ko naman ang nangyare kanina, agad kong tiningnan ang kamay ko na nasugatan. Laking gulat ko ng may snail na nakakapit sa kamay ko, aalisin ko na sana ang suso ng biglang may nagsalita.

"Huwag mo yang alisin, ginagamot nyan ang sugat mo." Kinalabutan ako dahil sa malamig nyang boses. Napatingin ako sa buong paligid at hinanap kung sino ang nagsasalita pero kahit isang nilalang ay wala akong nakita.

"Sino ka?, magpakita ka sakin." Patuloy pa rin ako sa paghahanap pero walang nagpapakita.

"Ikaw ba ang itinakdang papatay sa may mga buhay?." Nainis naman ako sa sinabi nya. Kung ako nga ang itinakdang yon hindi ko naman magagawa sa kanila ang masamang bagay na yon. Tatayo na sana ako sa pagkakadapa pero hindi ko magawang tumayo. Tiningnan ko ang mga paa ko at isang magandang kulay asul na buntot ng sirena ang bumungad sakin.

"A-Anong ginawa mo sakin?!" Nagpapanic na ako dahil sa nangyare sa mga paa ko.

"Wag kang matakot, magagamit mo yan sakaling kailanganin mo. Isa iyang regalo mula saming mga sirena at yang porselas sa kamay mo ang panggagalingan ng kapangyarihan mong kontrolin ang tubig." Sinulyapan ko naman ang bracelet na nasa kanang kamay ko. Mayroon itong kulay asul na perlas sa gitnang bahagi. Kumikilang kinang pa sa tuwing tinatamaan ng liwanag.

"May kakayahan ka ring kontrolin ang pagiging sirena mo kaya wala kang dapat ipagalala." Dagdag pa ng nagsasalita. Naalala ko naman sila papa at Felix baka hinahanap na nila ako kaya kailangan ko ng bumalik sa mansion.

"Pano po ba ako makakabalik kung san nyo ko kinuha?." Tanong ko para malaman ko na ang pabalik samin.

"Tadaan mo na ang syang sumira lang ang makakapagayos ng kanyang sinira. Huwag mong kalilimutan. Humayo ka, naghihintay sayo ang isang magandang kapalaran..." binalot na lang ako bigla ng tubig. Para akong nagteleport papunta sa harap ng mansion ni papa. Gabi na rin kaya nakita ko si papa sa itaas ng mansion.

"Pa, anong ginagawa mo dyan?." Tawag ko sa kanyang pansin. Agad din syang bumaba. At bakas ang pagaalala sa kanyang gwapong mukha.

"Saan ka ba nanggaling bata ka?, nagalala kami sayo ni Felix." Napatingin naman si papa sa kanang kamay ko.

"Galing ka ba sa Aquaria?." Tanong agad ni papa habang pinagmamasdan ang bracelet sa kamay ko. Aquaria ba ang pinuntahan ko?, masasabi kong isa yon sa magandang lugar na napuntahan ko.

"Kinuha po kasi ako nung magandang sirena e." Pagdadahilan ko. Kinuha nya ko kasi pinatay ko yung mga isda hehe.

"Bakit po ba kayo nasa taas ng bubong?" Pagiiba ko sa usapan. Naramdaman ko na naman ang pagsakit ng balikat ko pero tiniis ko ang sakit para hindi magalala si papa, dati makati lang 'to tapos ngayon masakit na, para akong nilalagyan ng tattoo.

"Gabi na kaya maghahanap ako ng pweding kunan ng dugo." Hindi pa ba sya nakuntento sa dugo na ininom nya kanina. Napansin kong may kung anong liwanag ang nanggagaling sa balikat ni papa, nakasando lang sya kaya kitang kita yon. Isa yong marka ng tinik, parang.... parang tangkay ng isang rosas.

"May problema ba anak?." Itinaas ko ang manggas ng suot kong damit at nagliliwanag din ang aking marka. Tumingala ako sa kalangitan at saktong bilog ang buwan. Bigla ring dumami ang mga paniki na naglilipadan, nakakabingi ang mga tunog na ginagawa nila kaya napatakip ako ng mariin sa tenga ko arrggghhh.

"Oras na Hestia para sa iyong pagbabagong anyo." Rinig kong sabi ni papa. Naramdaman kong nagkakapangil ako, tiningnan ko rin ang mga kamay ko at mayroon na akong mahahabang kuko. Gumawa ako ng salaming tubig para makita ang itsura ko. Kagaya na ako ni papa, naging kulay pula rin ang itim kong mga mata. Unti unti rin akong nakaramdam ng pananabik sa dugo kaya agad akong pumunta sa gubat para maghanap ng pwedeng kuhanan ng dugo.

"MAY BAMPIRA!" rinig kong sigaw ng mga mabababang uri ng mga mangkukulam. They trying to cast a spell pero nauunahan ko na agad sila. Para akong isang lobo na gutom na gutom. Hindi ko na rin alam ang ginagawa ko, tanging nasa isip ko na lang ay makainom ako ng dugo. Halos maubos ko lahat ng dugo nila pero pakiramdam ko kulang pa rin.

"Stop it Hestia!." May mga ugat ng puno naman ang bumalot sa katawan ko. Hinanap ko ang tumawag sa pangalan ko, isa rin syang mangkukulam. Nagpumilit akong kumawala pero masyado rin syang malakas.

"She lost her sanity..." isang bampira rin ang lumapit sakin at may kung anong iginuhit sya sa hangin.

"Now sleep my dear." Nanghina naman ang buong katawan ko, bumigat din ang talukap ng mga ko, sinubukan kong labanan yon pero nabigo ako at kalaunan ay nawalan na ako ng malay.

"Hestia... Hestia..." nagmulat ang aking mga mata sa isang madilim na lugar. Nasan ako?.

"Anak..." Mama?. Tumayo ako at hinanap kung saan nagmumula ang boses na iyon. Isang pintong naliwanag ang nakita ko, nakita ko si mama na nakatayo doon.

"Mama?.."

"Alam kong maiiligtas mo silang lahat, may tiwala ako sayo anak ko..." sabi pa ni mama. Inihakbang ko na mga paa ko palapit sa kanya.

"Pero ma, sa tingin ko po hindi ko kaya at hindi ko po magagawa ang gusto nyong gawin ko, masyado po akong mahina." Nagaalalang sambit ko.

"I know you can, I know you will. Just remember that I'm always by your side." Malapit na ako sa kanya ng biglang may naapakan akong malaking butas at nahulog ako don.

"Hindi!!!" Binalot na ako ng kadiliman ng mga oras na yon. Wala akong nararamdaman. Sa tingin ko nahulog ako sa walang katapusang bangin. Ipinikit ko na lang ang nga mata ko at hinintay ang pagbagsak ko.

Bakit ba ako isinilang kung bubuhayin ko lang ang demon lord?. Ano bang kapalaran ang meron ako?, magadang kapakaran ay napakaimposible sa kagaya ko.

The Vampire's DaughterWhere stories live. Discover now