\CHAPTER 5/

290 10 0
                                    

Hestia's P.O.V.

"Hintayin mo na lang syang magising para makapaglakbay na kayo patungo sa bundok Haleria." Rinig kong sabi ni papa sa kausap nyang si Felix na napabaling ang tingin sakin.

"Gising ka na pala Hestia." Naupo ako sa kama hawak hawak ang ulo ko dahil sobrang sakit. Masakit rin ang buong katawan ko at napansin kong may mga pasa pala ako.

"Ano bang nangyare?, bakit may mga pasa ako sa braso?." Sabi ko habang sinusuri ang mga pasa ko.

"Pasensya ka na, napahigpit ata ang pagkakapulupot ng mga ugat sayo kagabi."

"Iwan mo muna kami Felix, may paguusapan lamang kami ni Hestia." Singit ni papa sa usapan. Agad namang lumabas ng silid si Felix at naiwan kaming dalawa ni papa sa loob.

"Alam mo ba ang kahihiyang ginawa mo?!" Nagulat ako ng biglang hampasin ni papa ang maliit na lamesa sa tabi ng kama ko.

"Ano po bang ginawa ko?" Painosenteng tanong ko. Hindi ko kasi maalala ang nangyare sakin kagabi, ang natatandaan ko lang ay sumakit ang balikat ko na para akong nagpapatattoo tapos hindi ko na alam.

"Hay nako Hestia!, pinatay mo ang mga walang laban na mangkukulam sa kakahuyan kagabi. Alam mo ba ang kalalabasan ng ginawa mo?!, lalo silang magkakaroon ng dahilan para patayin ka, hindi mo man lang kinontrol ang sarili mo!." Galit na lintanya ni papa.

Ang sama ko talagang anak sa kanya, wala na akong mabuting naidulot sa kanya simula ng dumating ako dito. Hindi ko pa nga nabubuhay ang demon lord pero nakakapaminsala na agad ako.

"Sorry po papa..." pinilit kong wag mautal kahit tumutulo na ang mga luha ko.

"Maghanda ka na dahil ngayong araw maglalakbay na kayo ni Felix papunta sa bundok Haleria para hasain ang kakayahan mo." Saad ni papa bago lumabas ng silid.

Tumayo na ako para maligo at mag-ayos ng gamit ng pigilan ako ni papa, lumapit sya sakin at niyakap ako. Akala ko lumabas na sya?.

"Pasensya ka na kung nasigawan kita. Iniisip ko lang naman ang kaligtasan mo, ipangako mo sakin na hindi mo na uulitin yon." Niyakap ko rin si papa at nangakong hindi ko na uulitin ang bagay na yon.

"Makakaasa po kayo, papa."

Dumiretso na ako sa banyo para maligo. Nang natapos ay nag-impake na ko ng ilan sa mga gamit kong dadalhin sa paglalakbay.

"Nandyan na ang karwahe Hestia." Agad naman akong lumabas dala ang mga gamit ko. Namangha ako sa sasakyan namin ni Felix papunta sa bundok.

"Pinili ko 'to dahil nakakasigurado akong ligtas tayo sa himpapawid basta walang nakakakita satin." Paliwanag ni Felix pero hindi ko na yon inintindi dahil abala ako sa paghawak sa kabayong may pakpak, parang unicorn lang. Ang cool!.

"Nasan pala si papa?." Tanong ko kay Felix. Gusto ko muna syang makita bago kami umalis.

"Siguro nagbabasa sya sa loob ng mansion. Umaga ngayon kaya hindi sya maaaring lumabas." Nawala na naman sa isip ko na ganon nga pala si papa. Agad ko namang naisip ang sarili ko, bakit hindi ako nasusunog sa araw?.

"Kase daytime vampire ka." Nagulat naman ako sa sinabi ni Felix. Pano nya nalaman ang iniisip ko e wala naman akong sinasabi sa kanya. I gave him a confused look. Tinawanan nya lang ako.

"Ayos ba?. New skill ko yan, ang magbasa ng isip ng iba." Sabi ni Felix at nginitian ako bago sya sumakay sa karwahe. Naiwan naman akong tulala.

"Sasakay ka pa ba o maglalakad ka na lang?." Agad naman akong sumakay dahil ayokong maglakad ng napakalayo. Habang nasa byahe kami, feeling ko bumabaliktad ang sikmura ko. Masusuka ata ako.

"Ayos ka lang Hestia?." Hindi ko na kinaya kaya dumungaw ako sa bintana at doon sumuka. Pasensya na sa matatamaan sa baba. Lalo naman akong nalula dahil sobrang taas na pala namin. Hinahagod naman ni Felix ang likod ko habang ako suka pa rin ng suka. Nang wala na akong maisuka ay bumalik ako sa pagkakaupo ko, pinunasan naman ni Felix ang bibig ko.

Agad ko yong inagaw, kakahiya naman na sya pa magpunas ng dumi sa bibig ko. Bigla ring tumigil ang sinasakyan namin.

"Bakit tumigil?." Nanghihinang tanong ko. Nahihilo pa rin ako. Hindi din naman ako sinagot ng tinatanong ko kaya ako na ang tumingin sa harapan kung ano bang meron.

"Bulkan?, bakit nakaharang?." Takang tanong ko dahil ang daming bulkan na nakaharang, agad din nagiba ang temperatura. Sobrang init!.

"Felix magsalita ka nga dyan!." Mukha namang nabalik sa realidad ang kasama ko.

"Hindi ko alam na mapapadaan tayo dito sa bulkan kung saan nakatira ang diyosa na si Fiery." Seryosong saad naman ni Felix.

"Makikidaan lang naman tayo ah." Papayagan naman siguro nya kaming padaanin diba?, hindi naman kami naghahanap ng gulo. Nagpatuloy na ang sinasakyan naming karwahe ng biglang may bolang apoy na tatama samin kaya agad ko yong pinigilan gamit ang tubig.

"Magaling at naiwasan nyo kung hindi may ulam na sana ako." Nagpakita naman samin ang isang babaeng may pulang buhok. Bago lumabas si Felix ay may kung anong ibinudbod muna sya sa kanyang katawan upang sya'y lumutang sa himpapawid.

"Ipagpaumanhin nyo po ang aming pagdaan ng walang permiso. Maaari na po ba kaming magpatuloy?." Pakiusap ni Felix sa diyosa, lumabas na rin ako sa karwahe para samahan si Felix sa pakikipag-usap.

"Maaari lamang yon kapag natalo ako ng babaeng kasama mo sa pamamagitan ng pakikipaglaban, tubig sa apoy." Mukhang mapapalaban pa yata ako ng wala sa oras.

"Sige na Felix, bumalik ka na sa loob." Kung ito lang ang paraan para makadaan kami papunta kay Mitis gagawin ko sa abot ng makakaya ko. Pero mukhang mahihirapan ako dahil kapos ako sa tubig na maaaring gamitin, kahit kaunting patak ng tubig sa paligid ay wala dahil puro lava ang paligid pati na rin apoy. Kulang rin ako sa kaalaman.

"Simulan na natin." Limited lang ang tubig na magagamit ko kaya dapat maging maingat ako. Nag-gawa ako ng maraming water bullet at pinatama sa kanya. Sigurado akong hindi sya makakaiwas sa mga 'to. Nag-gawa naman sya ng shield na gawa sa apoy. Fvck.

"My turn." Nag-gawa sya ng maraming fire ball pero hinawi ko lang yun gamit ang tubig kaso ang problema ang dami ko agad nagamit dahil don. Sa kakaisip hindi ko namalayan na umatake na pala ulit sya at sa kasamaang palad ay hindi ko nailagan. Nagtamo ako ng ilang sugat. Hindi 'to patas!, wala pa nga akong pagsasanay na nagagawa kaya hindi ko na alam ang susunod kong gagawin.

"I should end this, FLAME PHOENIX!." bigla namang may lumabas na phoenix sa likudan nya, ano ng gagawin ko?. Maiihaw na kami dito.

Bigla namang may nagliwanag sa harapan ko, nakakasilaw na liwanag. Isang spear na napapalibutan ng tubig ang nakita ko, kinuha ko iyon at nawala lahat ng galos sa katawan ko. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at inihagis ko yon sa direksyon ni Fiery pero nailagan nya yon.

"Last chance na yun pero-" napatigil na lang sa pagsasalita si Fiery dahil sa sibat na nakatusok sa katawan nya. Biglang naging abo ang katawan ni Fiery at bumalik sa akin ang sibat, naging tubig naman ito ulit na muling bumalik sa aking bracelet.

Clap*Clap*Clap*

"Muntik na ko don." Narinig ko naman ang boses ni Fiery sa likudan ko.

"Paanong..."

"Ito ang regalo ko sayo." May ibinigay sya saking isang espada.

"Para saan?." Tanong ko pagkakuha ng kanyang regalo.

"Mangha ako sa katapangan mo Hestia. Kaya ipinapaubaya ko na iyan sa iyo. Ang aking basbas ay nasa iyo na kaya maaari na kayong makaraan." Akala ko masama ang diyosang si Fiery pero hindi naman pala. Akala ko din magtatagal ang laban pero sandali lamang ito, hindi pa umabot ng isang oras.

"Maraming salamat po..." nagpaalam na ako kay Fiery at bumalik na ako sa karwahe kung san naghihintay si Felix. Nagpatuloy na rin kami sa paglalakbay patungo sa bundok Haleria. Sinulyapan ko pa ang malasalaming espada na ibinigay ni Fiery sakin, lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob para kalabanin ang demon lord na papatay sa lahat.

Hindi ako susuko kahit anong mangyare, para sa sa mga minamahal ko at sa mga naninirahan dito sa mundong 'to gagawin ko ang lahat.

The Vampire's DaughterWhere stories live. Discover now