\CHAPTER 18/

82 3 0
                                    

Vladimir's POV

Nagsimula ng maghari ang demon lord sa bundok Haleria. Maging ang tinitirhan namin ay nasira na rin. Lahat ng mga halaman maging mga hayop ay nagkangmamatay na. Malaking problema kung makalalabas sya sa bundok, siguradong malaking pinsala ang maidudulot nya sa labas.

Sa isang tagong mahiwagang kweba kami tumuloy. Pati si Felix at ang mga kasama nya sa pagsasanay ay kasama namin, dito, hindi kami makikita ng DL dahil napoprotekrahan kami ng mahiwagang kweba.

Nahihimlay sa isang malapad na bato ang aking anak na binawian ng buhay. Tumayo ako para ipaghinganti ang aking anak. Hindi ako makakapayag na ganon na lamang ang kanyang pagkawala.

"Teka Vladimir saan ka pupunta?." Napatigil ako sa paglalakad ng tanungin ako ni Mitis.

"Kung kakalabanin mo sya ay siguradong matatalo ka lamang. Wag mo ng ituloy ang pinaplano mo." Dagdag pa ng maestro at napahawak na lang ako sa ulo ko na kanina pa sumasakit dahil sa kakaisip.

"ANONG GAGAWIN NATIN?, MAGHIHINTAY DITO SA WALA HABANG ANG IBA NAGDURUSA SA LABAS?!. KAILANGANG MAY GAWIN TAYO!." Galit na sigaw ko sa kanila. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko na lang din mawala at sundan ang pamilya ko.

"May paraan pa," singit naman ni Felix na abalang nagbabasa ng libro.

"Anong paraan?." Tanong ko.

"Ang bulaklak ng buhay o mas kilala bilang bulaklak na hindi nakikita." Dagdag ni maestro na nakaupo lamang sa sahig.

"Paano naman natin iyon matatagpuan kung hindi nga natin ito nakikita?." Tanong ni Mitis na nasa gilid lamang kung saan madilim kaya hindi namin sya makita.

Umupo muna ako sandali at pinakalma ang sarili. Hindi dapat ako nagpadalos dalos. Kailangan namin ng magandang plano upang makaligtas kami.

Tumayo si maestro at nilapitan si Hestia. Agad naman akong tumayo para tingnan kung anong balak nya sa aking anak.

"Ang syang itinakda lamang ang nakakaalam kung gayon ay kailangan nating pumasok sa kanyang isipan upang makita rin natin kung nasan ang bukod tanging bulaklak." Saad ng maestro habang hawak nya sa magkabilang sintido si Hestia.

"Ngunit maestro sya ay wala ng buhay kaya paanong makakapasok pa tayo sa kanya isipan kung hindi na naman sya nakakapagisip?." Takang tanong ko.

"Oo nga't patay syang pisikal pero sa kanyang mentalidad ay buhay sya kaya maaari tayong pumasok. Humawak ka saakin at tayo'y magsisimula na." Humawak ako sa balikat ni maestro. Biglang lumiwanag ang buong paligid. Nasilaw ako kaya napapikit na lamang ako.

"Lily nakita mo ba sila papa?." Rinig kong saad ni Hestia sa kausap nyang bulaklak. Lalapit na sana ako sa kanya ng agad akong pigilan ni maestro.

"Hindi nya tayo nakikita. Sa mga oras na 'to mag-isa lang sya at tanging ang bulaklak ng buhay lamang ang kasama nya." Paglilinaw ni maestro kaya hindi ko na itinuloy ang paglapit sa aking anak.

Inilibot ko ang aking paningin at napagtanto ko na malapit lang pala saamin ang bulaklak ngunit hindi namin napapansin.

"Ngayon ay nakita na natin kung saan ito matatagpuan kaya maaari na tayong umalis." Saad ni maestro bago kami higupin ng isang malaking butas at tumalsik kaming dalawa ni maestro ng makabalik kami sa realidad.

Napahiga na lang ako sa sahig at ganoon rin si maestro. Agad akong tumayo at inalalayang tumayo ang matanda.

May kung ano namang kulay berdeng liwanag ang nakita namin sa sulok ng kweba. Sa pagkakaalam ko ay doon nakapwesto si Mitis kanina pa.

The Vampire's DaughterWhere stories live. Discover now