\CHAPTER 9/

110 6 0
                                    

Vladimir's POV

Ilang araw ng wala ang aking anak at pamangkin na si Felix. Nagpadala ako ng isang paniki para tanungin si Mitis kung nakarating na ang aking anak sa bundok kung saan sya nakatira.

Kani-kanina lang ito bumalik at ibinalitang hindi pa raw sila nakakarating sa bundok Haleria. Dapat ay nagsisimula na syang mag-sanay dahil hindi namin alam kung kailan sya maaaring kalabanin ng kalahi naming mga bampira at mangkukulam, isama mo pa ang iba pang nilalang na naninirahan dito sa mundong 'to.

Habang tahimik akong umiinom ng dugo na nakalagay sa wine glass ay nakarinig ako ng doorbell galing sa pinto ng mansion. Sino naman kaya ang magaabalang bisitahin ako?.

Ibinaba ko sa lamesa ang iniinom ko at nagpalit ng anyo bilang uugod ugod na matanda. Walang dapat na makaalam na nagising na ako sa aking pagkakahimbing. Lumapit ako sa pintuan at binuksan iyon.

"Sino sila?." Tanong ko sa dumalaw. Laking gulat ko ng makita ko ang aking ina na mukhang bata pa rin kagaya ng dati. Nakatuon lang sakin ang mataray nyang tingin.

"Nagising na ba si Vladimir?, ramdam ko ang kanyang presensya mula sa malayo." Napalunok ako dahil sa narinig. Mukhang alam na nya na nagising na ako. Kailangan kong pagtakpan ang sarili ko.

"Hindi pa po sya nagigising magandang ginang." Hindi pa rin nya inaalis ang tingin sakin. Pinilit kong wag magpahalata na kinakabahan ako dahil baka isipin nya na nag-ibang anyo lang ako. Inalis nya ang tingin sakin at inilibot ang tingin sa bakuran na punong puno ng pulang rosas, kitang kita yon dahil sa liwanag ng buwan.

"Ikaw ba ang nangangalaga sa mga bulaklak na ito?." Tanong nya at tumango lang ako. "Sumama ka sakin at nais ko rin ang ganitong kagandang hardin." Patay!. Nag-isip ako kaagad ng pwedeng palusot sa kanya.

"Masyado na po akong matanda para magtanim pa, sigurado po akong mananakit lang ang aking balakang." Pagpapalusot ko at tumama na namam sakin ang mataray nyang tingin. Pumasok sya sa loob ng mansion at nagmasid sa buong paligid. Fvck. yung ininuman ko, hindi ko nalinis.

Dahan dahan akong pumunta roon ng hindi napapansin ni ina pero agad nya akong tiningnan at nakita nya ang pinag-inuman ko.

"Sinong uminom dyan?" Pag-uusisa nito, bigla naman akong pinagpawisan.

"A-Ako lang po, nauhaw po kasi ako." Hindi sya sumagot at matalim lang na tumitig sakin. Pupunta na sya sa ataul na hinigaan ko. Sigurado akong bubuksan nya yon kaya agad ko naman syang pinigilan.

"Hindi nyo po maaaring buksan iyan dahil sabi ni master Vladimir sakin wag na wag ko daw pong hayaang may magbukas ng ataul habang syang natutulog." Saad ko. Nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi na nya ituloy ang balak na pagbukas sa ataul.

Umakyat naman sya sa hagdanan ng mansion papunta sa ikalawang palapag kaya agad akong sumunod.
Napansin kong sa kwarto ko sya unang pumunta, sinilip nya muna yon bago tuluyang pumasok. Bakas sa kanyang mukha ang pagkamangha sa kwarto ko, gusto nya palagi na malinis iyon at walang kahit anong kalat at alikabok.

"Salamat sa paglilinis mo sa kwarto ng anak ko." Nakangiti sya ng tingnan nya ako. Hindi agad ako nakasagot dahil sa loob ng mahabang panahon ay ngumiti na muli si ina.

"Walang anuman po." Sagot ko.

"Ngayon ko na lang ulit sya nadalaw dito simula ng umalis sya sa bahay. Aaminin ko labis akong nalungkot nung gabing umalis sya na may galit samin ng ama nya dahil sa ginawa namin sa mahal nya na si Elvira." Napakuyom ang mga kamay ko dahil sa pinaalala nya.

Sila naman talaga ang dahilan kung bakit nagawa kong lumayas sa bahay at mamuhay mag-isa. Sila ang dahilan kung bakit nawala sa piling ko si Elvira at ang anak namin.

The Vampire's DaughterWhere stories live. Discover now