\CHAPTER 13/

82 5 0
                                    

Mitis POV

Kaagad kong dinala si Hestia sa loob ng bigla syang mawalan ng malay, masyadong napadami ang paggamit nya ng elemental power kaya naubos ang lakas nya. Hindi pa nga nya kayang kontrolin ang paggamit ng elemental powers pero pinagsabay sabay nya na agad sa isang labanan lang.

Kaagad kong tinawag ang kanyang ama upang tulungan ako na mapabilis ang pagpapalakas nya. Habang binabantayan ko si Hestia sa kanyang pagpapagaling, isang itim na usok ang lumapit sa kanya at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito umaaalis. Simula ng lumapit ang itim na usok kay Hestia ay tumigil na ang paghinga at pagtibok ng puso nito kaya agad akong nabahala dahil hindi iyon maaaring mangyari sa kanya ng matagal.

Tinawag ko si Vladimir upang halinhan ako sa pagbabantay sa kanyang anak dahil kailangan kong malaman kung ano ang kulay itim na usok na yon at kung bakit nito binabantayan si Hestia. Pumunta ako sa aking silid aklatan at kaagad hinanap ang libro ng tungkol sa kamatayan. Sa ilang beses na pagbuklat ko sa pahina ng libro, nakita ko na ang aking pakay.
Sinimulan ko ng basahin ang nakasulaat sa pahina. Ang itim na usok na nakapalibot sa isang katawan ay ang kaluluwa ng nagbabantay sa kaluluwa ng katawang binabantayan. Ang kaluluwa ng katawan ay daraan sa isang paglilitis, kung ang kapalaran talaga ng naturang kaluluwa ay ang mamatay sa naitakdang araw, ito ay may pipirmahan na nagpapatunay na sya ay patay na.

Natigil ako sa pagbabasa dahil sa takot na naramdaman. Hindi pa ngayon ang takdang araw ng pagkamatay ni Hestia kaya bakit sya binabantayan ng itim na usok?. Hindi kaya kinuha ng Queen of the sea ang buhay nya?, hindi, mali ang aking naiisip. Hindi iyon ang nakita ko sa kanyang kapalaran kamakailan lang. Imposibleng ganon kabilis ang pagbabago ng kanyang kapalaran!.

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa aking binabasa. Ang kaluluwa ay wala na sa katawan nito at napunta na sa kawalan kung saan hindi sya makakalabas sa habang panahon. Wala silang maaalala kung bakit sila namatay, walang kahit sinuman ang magsasabi sa kanila ng nangyari. Ngunit may isa pang paraan upang makalabas sa lugar na iyon, ang maging isang tagapagbantay sa may mga buhay at ang mag-abang na sila ay mamatay. Makakalabas sila pero wala silang ibang gagawin kundi ang sumundo sa mga kaluluwang mga namatay. Chàros ang tawag sa mga ito.

Napatakip na lang ako sa aking bibig dahil sa mga nabasa. Paanong nangyare ang bagay na ito?, hindi ko ito inaasahan. Kung hindi ko lang sana sya hinayaang gamitin ang epidexiótita na iyon. Narinig ko na lang ang pagbukas ng pinto at iniluwa noon si Felix na siguro ay ngayon pa lang nakabalik.

“Ano pong nangyare kay Hestia?!.” Tanong agad nito. Napansin ko naman ang pagkuyom ng kanyang mga kamay. “Wag kang magalala, sigurado akong makakabalik rin sya kaagad.” Pagpapagaan ko sa loob nya kahit na hindi ko mapagaan ang akin dahil sa sobrang pag-aalala. Hindi ko rin talaga alam kung makakabalik pa sya o hindi.

“Kamusta nga pala ang iyong page-ensayo?.” Pag-iiba ko sa usapan. Umupo sya sa isa sa mga upuan sa loob ng silid. Halatang nagmadali syang maabalik rito dahil hingal na hingal pa sya.

“Nagpaalam muna ako na babalik rito dahil nabalitaan ko ang nangyare kay Hestia sa pamamagitan ng ibong ipinadala ko para bantayan sya.” Napangiti naman ako sa nalaman. Kaya pala may kulay asul na ibon ang nanonood samin ni Hestia nung araw na kami ay nagsasanay.

Si Felix pala ang may kagagawan non. Hindi nya talaga hahayaang may mangyaring masama kay Hestia.

“Tapatin mo nga ako Felix, may gusto ka ba kay Hestia?.” Bigla naman syang natahimik at namula dahil sa tinanong ko. Hindi nya mawarian kung sasagot ba sya o hindi, kung totoo ba ang sasabihin nya o magsisinungaling sya. Alam kong kaya yang basahin ang isip ng iba pero ang isip ko hindi nya kayang basahin.

“Alam kong hindi kami pwede dahil magkadugo kami kaya pinipilit kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya.” Malungkot na kwento nito sabay napakagat sa kanyang labi. Kung alam lang sana nila ang mga nangyayare siguro maiintindihan din nila.

The Vampire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon