Prologue

322 63 32
                                    

Inayos ko ang hinahangin kong buhok na tumatakip sa mukha ko. Mukhang uulan ata? Medyo madilim kasi ang langit mula pa kaninang tanghali at ngayong maghahapon na ay ganon parin ang itsura nito.



"You bitch!"



Binaba ko ang tingin ko mula sa madilim na kalangitan at tinignan ang babaeng nasa harap ko na mukhang nanggagalaiti sa galit. Hawak hawak siya sa braso ng dalawa niyang kaibigan at pinipigilan siya mula sa pagsugod sakin. Sinara ko ang hawak kong libro at nilapag sa tabi ko at tumayo.



"Yes?"



Walang gana kong tanong sakanya at tinitigan siyang mabuti. Alam ko naman talaga kung bakit siya nandito at kung bakit ganyan siya ngayon kagalit. Gusto ko lang inisin siya lalo dahil nakakatuwa ang itsura niya ngayon.



"Walang hiya ka talagang babae ka! Alam mo ang pinunta ko rito! Kakalbuhin kita!" Singhal niya sa akin. Akmang susugod siya palapit sakin pero hindi magawa dahil mas lalo siyang hinawakan ng dalawa niyang kaibigan.




I crossed my arms and took a step forward. Huminto ako malapit sakanya. Nginitian ko siya ng matamis while looking intently into her eyes.




"Hindi ko kasalanan kung sawa na sayo ang boyfriend mo at gusto ka ng iwan. I mean, look at you? You look really pathetic right now." I shrugged my shoulders after I said that to her.




Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya. Kaya mas lalo akong napangiti.




"Wag kang mag alala, hindi ko siya kukunin sayo. Bukod sa hindi ko siya gusto ay mukhang pinagsawaan ka na niya at ayokong tumanggap ng left ov—-"



She slapped me really hard before I finished my sentence.




Uminit agad ang dugo ko at pakiramdam ko ay umakyat ito sa ulo ko agad agad. Hahablutin niya na sana ang buhok ko ng pigilan ko ang kamay niya at tinulak palapit sa mukha niya. Napaatras siya kasama ng mga kaibigan niya dahil sa lakas ng pagtulak ko sakanya.




She glared at me. Hindi na siya napigilan ng mga kaibigan niya ng lumapit siya sakin kaya sinalubong ko rin siya. Inunahan kong hablutin ang buhok niya at hinila ito pababa, itinaas niya rin ang kamay niya kaya naabot niya ang buhok bago ko po siya maibaba sa lupa.




Shit!




Ramdam ko ang sakit ng pagkakahila niya sa buhok ko kaya mas lalo ko pang idiniin ang kamay ko sa buhok niya at tinutulak siya pababa sa lupa.




"Bitiwan mo akong malandi ka! Ikaw ang may kasalanan kaya nagkakandaleche leche yung buhay ko! Aray!" Sigaw niya ng mas ibaba ko pa ang ulo niya sa lupa. Halos halikan niya na ito at mahigpit parin ang hawak niya sa buhok ko kaya napababa rin ang ulo ko.




"Ako ang bitiwan mo! Buti nga sayo at pinagsawaan ka rin ng kapatid ko. Paniguradong diring diri na siya sayo kaya iniwan ka niya!"




Tinulak ko ang ulo niya kaya napahiwalay siya sa akin. Tumayo siya agad at sumugod ulit kaya ng lumapit siya ay sinampal ko ka agad siya pero sumugod lang siya ulit at tinulak ang balikat ko ng malakas hanggang parehas na kaming naka higa sa lupa.




Sabunot at kalmot habang ngasisigawan kaming dalawa. Kung akala niya ay uurungan ko siya pwes nagkakamali siya!



Alam kong mali itong ginagawa ko dahil paniguradong grounded nanaman ako sa mga magulang ko. Pero anong magagawa ko kung naginit ang ulo ko sa punyetang babaeng to?




"Violet! What the fuck."



Naramdaman ko ang pagkakahila sa akin ng kapatid kong si Beige sa katawan ko mula sa pagkakahiga sa lupa. Agad niyang pinulupot ang mga braso niya sa bewang ko dahil susugod ulit ako sa babaeng nasa harapan ko na parehas ang itsura ngayon sakin panigurado ko.




Puno ng kalmot at magulo ang buhok.




"Bitch ka! Sobrang sama ng ugali mo!" sigaw ni Andrea, ang babaeng galit na galit ngayon sa harapan ko at nagpupumiglas sa lalaking pinipigilan din siya sa pagsugod sakin.



"You slut! Bagay lang sayo yan! Kulang pa nga yan e! Dapat sayo sirain ang mukha!" Sigaw ko rin pabalik sakanya. Ramdam na ramdam ko ang hapdi ng mga kalmot niya sa pisngi at leeg ko.




"Violet stop it! Calm down!" Mas lalo pang hinigpitan ng kapatid ko ang hawak niya sa bewang ko dahil mas lalo akong nagpumiglas.




"What happened here? What the hell Violet?!"




Naramdaman kong lumapit agad sakin ang isa ko pang kapatid na si Gray dahil sa gulat na ako ang nakikipagaway.



Well sanay siyang nakikita akong nakikipag away pero gulat dahil ang ex niya ang kaaway ko ngayon.




"Tignan mo ang ugali ng kapatid mong yan Gray?! I told you a hundred times na sinisiraan niya lang ako sayo dati at ngayon sinira niya naman kami ng boyfriend ko! Your sister is crazy!" Sobrang lakas ng sigaw niya kaya mas lalong namula ang mukha niya at mukha na siya iiyak.



Hinawi ko ang buhok ko na humarang sa mukha ko.



"Girl sirang sira kana talaga bago pa kita siraan sa kahit na sino!"



"Violet stop it!" Binalingan ako ng kapatid ko na si Gray at kita na ang irita sa mukha niya. Wala akong pakialam.



Nagpumiglas pa ako lalo. Ramdam ko rin ang irita ni Beige dahil sa pagpupumiglas ko. Umangat ang katawan ko at binuhat niya ako. Nagulat pa ako ng biglang may pumulupot ulit na kamay sa mga baywang ko at agad akong binitawan ni Beige para ipasa sa kung sino.



"Dalhin mo muna sa malayo yan at baka makapanakit pa lalo."



Nagpupumiglas parin ako sa bagong lalaki na bumubuhat sakin palayo. Kita ko sila Kuya na lumalapit na kay Andrea. Nasa tabi na nito ngayon ang boyfriend niya.



Ano mag sorry sila for me? Wow! Hindi ko kasalanan kong habol ng habol ang boyfriend niya sakin.




At siya ang unang nanampal!

See you, Violet [Color Series #1]Where stories live. Discover now