Twelve

103 14 17
                                    

"Ayoko."



"Violet naman! Please?" Pagmamakaawa ng kapatid kong si Beige.



Sinamaan ko siya ng tingin at padabog na nilapag ang mga gamit ko sa coffee table.


"Violet, be careful! Papagalitan tayo ni Mommy kapag nabasag yung table." Saway sa akin ni Kuya Gray na busy sa pagtipa sa harap ng laptop niya.


Kanina pa 'ko kinukulit ni Beige na sumama sakanya para payagan siyang gamitin ang sasakyan. Na ka banned kasi siya ngayong gumamit ng kahit na anong sasakyan dahil sa kalokohan niya noong nakaraang araw. Papayagan lang siyang gumamit kung ihahatid kaming mga kapatid niya o may importanteng gagawin.



"Huwag mo ng isama si Violet sa kalokohan mo, Beige." Sinulyapan kami saglit ulit ni Kuya Gray.


"Kuya, promise! Wala akong gagawing kalokohan, Vi will just stay in the car waiting for me then-"



"Ayoko ngang maghintay lang 'don!" Reklamo ko.




Makikipag lampungan lang siya sa ka-fling niya ngayon! Tapos pagaantayin lang ako sa sasakyan? Third wheel ganoon?



"Vi, please? Matagal kong hinintay ang date na'to with Riley." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko nagmamakaawa. "Tatanawin ko 'tong isang makaling utang na loob."



Wow. Mukhang seryoso siya sa babaeng 'yon huh?



Pabor sakin 'to dahil minsan lang magkautang na loob ang kapatid kong 'to. I smirk.


"Okay."



He looks at me for a sec and blink his eyes.



"Shit wag—"



"Opps! Wala ng bawian."



Aalis na sana siya ng hawakan ko ang kamay niya at hilahin palabas.



Nakamot nalang siya ng ulo. Nagpaalam muna akong may kukunin sa kwarto habang dumiretso na siya sa sasakyan. Kinuha ko ang sling bag ko at naglagay lang ng wallet, face powder, liptint at phone. Tinigna ko muna ang suot ko sa salamin. High wasted jeans and white tube top. Kumibit balikat ako dahil ayos na 'to.



Bumaba na ako sa parking at habang nasa labas pa ng sasakyan si Kuya at may kausap.



"Ano bro? Oo okay lang naman. Yeah, okay daanan ka namin." Binaba niya na ang tawag pagkatapos.



Pupunta na sana ako sa shotgun seat para 'don umupo ng pigilan ako ni Kuya.



"Sa backseat ka Violet. Si Ryke diyan." Turo niya sa akin at sumakay na sa driver seat.



Dali-dali akong pumasok sa backseat at lumapit sakanya.



"Ryke will come with us?" Gulat na tanong 'ko.



"Yeah. May kukunin daw siya sa pupuntahan natin. Na sa auto shop yung sasakyan niya." paliwanag niya at pinaandar na ang sasakyan.


"Kasama naman pala siya e! Iwan mo nalang ako!" I'm panicking right now.




How I can face him?



After that...that kiss again!




Tinawanan lang ako ng kapatid ko at pinagpatuloy lang ang pagmamaneho. Bumuntong hininga nalang ako at sumandal sa upuan ko.




See you, Violet [Color Series #1]Where stories live. Discover now