Seven

160 28 55
                                    

Nasa airport kami ngayon para ihatid si Ryke dahil babalik na ulit siya sa US.




Nakasimangot ako habang nakatingin sakanya at nagpapaalam na sakanya sila Kuya. Bakit kailangan kasama ako dito?




Bumaling siya sakin pagkatapos makipag high five kay Kuya Gray.




"Aalis ba akong nakikita ang nakasimangot mong mukha?" Lumapit siya sa akin at nilagay ang kamay sa taas ng ulo. Kagaya ng ginagawa niya noong bata pa ako. Tinabig ko yun.




"Hindi ko kasi alam kung bakit kailangan ko pang sumama sa paghatid sayo." Nakanguso kong sabi sakanya.



"Alam mo naman yang si Violet, nagiging emosyunal kapag aalis ka baka biglang maiyak 'yan." pangaasar ni Kuya Beige sakin.




I just glared at him. "Wala kong pake kung umalis ka na dito o hindi na babalik."





Tinawanan niya lang ako at kinurot ang pisngi ko. Tinabig ko lang ulit ang kamay niya.




Nagpaalam na siya ng tuluyan dahil boarding na.





Pasakay na kami sa sasakyan nila Kuya ng tumunog ang phone ko.





Kinuha ko yun sa bag ko at binasa pagkaupo ko sa backseat.





It was a text from Ryke.





"See you, Violet."




I just closed my phone and put it in my bag.






Malakas ang ulan sa labas at sinabayan pa ng malakas na hangin. Nakaupo ako sa couch habang nakatingin sa glass window at tinatanaw ang garden na hinahangin ang mga tanim.




"May bagyo ba?" Narinig kong tanong ni Gold.




"Oo ata e. Nakakainis nga! May lakad pa naman kami mamaya sa QC! Tsk!" sagot ni Kuya Beige na nakakunot ang noo at nakatitig sa phone niya.




"Bakit anong gagawin mo sa QC, Kuya?" tanong ni Mint sa kapatid namin. Lumapit siya sa sofa na inuupuan ni Kuya at tumabi rito. Pinipilit niya silipin ang screen ng phone ni Kuya Beige.




Binalingan siya ni Beige at inilayo ang phone niya para hindi makita ni Mint.




"Ikaw Minty nagiging chismosa kana. Masama yan nahahawa kana kay Violet." 




Napalingon na ako sakanila. Humagikgik si Mint at sinubo ang cookies na hawak.





"Bakit kapag bad attitude sakin lagi?" Irap kong tanong sakanya.





"Lah. E sino ba satin dito masama ugali?" Natatawang sagot ni Kuya. Binato ko lang siya ng unan.





"Nood tayong movie!" Napalingon kami kay Kuya Gray ng lumapit siya samin dito sa living room.





"Manonood ka nanaman ng massacre! Massacre! Kadiri!" Sigaw ni Mint kay kuya pero umupo parin sa carpet katabi ni Gold.





Natawa lang si Kuya Gray at binuksan ng T.V tsaka sinet-up ang movie na papanoorin namin.





Umayos ako ng upo sa couch para makapanood ng maayos. Tumabi sakin si Kuya Beige at humiga sa hita ko at handa naring manood. Umupo narin si Kuya Gray sa carpet katabi nila Mint at Gold.





See you, Violet [Color Series #1]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang