Eight

131 24 27
                                    

"Andi!" Sigaw ko sa kaibigan kong nakatingin sa phone niya habang naglalakad papasok ng campus.



Lumingon siya sa akin at nginitian ako. Patakbo siyang lumapit sa akin at nakipag beso. Sabay na kaming naglakad papuntang room namin.




"I'm so excited! Sana marami tayong bagong blockmates na gwapo." Humagikgik pa siya pagkasabi non.




Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at nginitian siya. "Don't get too excited. Mamaya makahanap ka nanaman ng paasahin ka. Ayoko ng Kirk 2.0."




Lumabi siya at tumikhim.




"Nagmessage siya sa akin kagabi."




Napatingin ako sakanya.




"What did he said?" I raised an eyebrow at her.




"Kung pwede daw kaming magkita mamaya after class." She said in a small voice na parang nahihiya.




"At makikipagkita ka sakanya?" Kunot noong tanong ko.




"I don't know, V! What should I do?" Huminto siya sa harap ko at mukhang hindi nga alam ang gagawin.



"Makipagkita ka sakanya kung yun ang gusto mo. Pero wag lang paladala agad sakanya, okay? At tsaka sisiguraduhin kong malalagot siya sa akin kapag pinaasa ka nanaman niya." Seryoso kong sabi at nagsimula nanamang maglakad ulit. Sumunod din siya.




Bumuntong hininga siya. "You know that I really like him right? I mean a lot."




"Oo at ang tanga tanga mo sa parte na yun." Walang preno kong sabi.




"I just... I don't know! Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko." She pouted.




"Kung ako lang ang masusunod. Hindi na kita papabayaan na lumapit pa ulit sakanya. But It's still your choice at mas naisip ko lang na mas magandang basagin ang mukha niya kapag may ginawa siya sayo." Tumawa ako sa naiisip ko. Talagang babasagin ko ang mukha niya sa kalmot.




"Violet!" Saway niya sa akin.





"What? It's funny lalo na kung babasagin ko rin ang sports car niya."




"Ang hilig mong manira ng sasakyan! Mamaya pagbayarin ka nila sige ka!"




"I don't care." Kibit balikat kong sagot. "But seriously, Ands. Sisiguraduhin kong maghihirapan muna siya bago ka niya makuha." Kindat ko sakanya at hinila siya para makaupo na ng makarating kami sa classroom.




Nakipagusap kaming dalawa ni Andi sa mga ka blockmates namin na kasama namin last sem at sa iibang bagong kakilala na nakikisali sa usapan namin. Wala pa naman ang prof at paniguradong orientation muna ang mangyayari.





"I'm so glad that I have friends na, kinakabahan ako kanina kasi nahiwalay ako ng class sa mga kakilala ko last sem!" maarteng sabi ni Jessica.




Sobrang tinis ng boses niya at nasasakitan ang tenga ko kaya tinuon ko nalang ang pansin ko sa phone ko at nagscroll. Nawala narin ako ng gana makipagusap.




Naririnig ko parin ang usapan nila kahit ayoko dahil ang tining talaga ng boses ni Jessica. They are talking about one of our new block mate that has rumors to be a prostitute.



"My friend saw her na pumasok daw sa isang motel. Sobrang nakakahiya na matanda pa yung kasama niya." Bulong niya sa mga kasama namin habang nakapalibot sila.



See you, Violet [Color Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon