One

243 65 40
                                    

"War... freak."

Sabi ng lalaking may buhat sakin at agad akong ibinaba ng may nakita siyang lamesa. Iniupo niya ako roon. Saka ko lang nakita ang mukha niya ng maibaba niya ako.



"Punyeta naman, Ryke! Bat niyo ba ko inalis doon!" Sigaw ko sa lalaking nakangisi ngayon sa akin at tintignan ang irita kong mukha.



Pinigilan niya agad ako ng akmang baba ako sa lamesa. Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa gilid ko kaya nakakulong ako ngayon sa pagitan niya.



"You move and I'll kiss you." Linapit niya ang mukha niya sa akin and he chuckled.



"Fuck you!" Wala akong pakialam kung gaano siya kalapit. Sinubukan kong itulak ang dibdib niya pero masyado siya malaki sakin.



Inis akong umirap at hinarap siya.



"I'll tell Kuya Gray that you want to have sex with me pag hindi mo ko pinaalis dito." masama kong siyang tinignan.



"Go ahead, samahan pa kita."



Nagbuga ako ng malakas na hangin at pinatama sa mukha niya. Nilabas ko lahat ng inis ko. Damn this guy! Alam niyang hindi ako paniniwalaan ni Kuya pag dating sa sasabihin ko about his bestfriend.



Napangiti lang siya sa ginawa ko. Tinanggal niya ang kamay niya sa dalawang gilid ko pero nalapit niya naman ang katawan niya sakin para ikulong parin ako dun at binaba niya ang bag sa lap ko. Ano para hindi ako makaaalis? Binuksan niya yon at may hinanap.




"Don't try to move and escape. Chill kalang dyan." Sabi niya habang may kinuha na sa bag niya. Agad niyang inalis ang bag sa lap ko ng nakuha niya ang Isang maliit na pouch. Binuksan niya ito at napataas ang kilay ko ng may nilabas siyang cotton ang panggamot sa sugat.



"What the hell? You gay dude? Med kit in your bag? Ew."  Made a face while saying that words to him.



But he ignored me. Nilagyan niya lang ng gamot ang bulak at agad nilagay sa pisngi ko. Napangiwi ako sa hapdi. Tinampal ko ang kamay niya.



"Aray ang sakit."



Binalik niya lang agad sa pisngi ko yun ulit. Dinahan dahan niya ang pagdampi nun sa mga kalmot ko sa pisngi at leeg. Tinitigan ko lang siya habang ginagawa niya yun.




Best friend ng kapatid kong si Gray si Ryke. Mula pa gradeschool hanggang ngayong college na sila ay malapit parin sila sa isat isa. Kahit na sa US na nakatira si Ryke at nagbabakasyon lang paminsan dito sa Pilipinas.




"Why are you here?" Nakanguso kong tanong sakanya. Kinuha naman niya ang ointment sa pouch o med kit niya at naglagay sa daliri niya.



"Just visiting." he said that while putting ointment on my cheeks. Bumaba ang mga daliri niya sa leeg ko at nilagyan din ng ointment iyon. Ramdam ko ang init ng mga daliri niya sa leeg ko. Parang haplos ang ginagawa niya kaya hindi masyadong masakit ang mga kalmot ko habang dinadampian ito ng daliri niya.



"Sana ay hindi niyo nalang ako pinakialaman para nasira ko ang mukha ng babaeng yon." nakatingin ako sa kaliwang gilid dahil nilalagyan niya ang kabilang side ng leeg ko.



"Edi nakadala ka pa ng isang tao sa ospital? You really love to brawl with whoever pisses you off, don't you?"



"'La kang pake!" I stuck my tongue at him.



Tumawa lang siya at niligpit na ang gamit niya at binalik sa backpack niya.



Napaangat ako ng tingin ng papalpit na ang dalawa kong kapatid sa akin. Nakakunot ang noo ni Kuya Gray. Nasa likod niya si Kuya Beige na nakangisi at sumesenyas na lagot ako.




Pagkalapit ni Kuya ay inilahad niya ang kamay niya sa akin. Ngayong malapit na siya ay mas kita ko ang mata niya iritang irita dahil sa ginawa ko.



I sighed and rolled my eyes.



Nilagay ko ang kamay ko sa bulsa ng skirt ko at kinuha ang phone ko doon. Nilapag ko sa nakalahad niyang kamay.



"Your bag?" Taas kilay na tanong niya sa akin.



"Locker." Maikli kong sagot at bumaba sa lamesa na inuupuan ko.



Umaray ako ng biglang pitikin niya ang noo ko.
Marahan kong hinimas himas yon. Nakasimangot ko siyang tinitigan.




"Give me your cards later. I'm not telling this to Dad and Mom but you'll be suspended for using this." tinaas niya ang phone ko. "and your cards. No partying also."




Kumunot ang noo ko. "So what's the difference of you not telling dad and mom?" tanong ko sakanya dahil 'di ko gets na halos wala naman akong magagamit para sa mga luho ko dahil hawak niya ang mga credit cards ko.



"You can still go outside with your friends? Coffee?" Kibit balikat niya sakin.



Narinig ko ang mahina at nakakaasar na tawa ni Kuya Beige, hinarap ko siya. "Damn, Violet. Stop being crazy already, nung nakaraang linggo lang kakabalik ng mga kinuha sayo ngayon kukunin ulit?" Pangaasar sakin ni Beige.



Well, totoo naman yung sinabi niya na kakabalik lang ng phone at cards ko sakin. Pinatawag kasi si Mommy sa Office dahil binuhusan ko ng tubig yung isa kong ka blockmate.


Napahagalpak ng tawa si Ryke sa gilid ko. Nilingon ko siya at tinitigan. Tumigil lang siya sa pagtawa at nginitan nalang ako.



" I think you need to listen to your brothers this time." sabi niya sa akin.



I just looked at him.


Napatingin kaming apat ng may tumawag sa pangalan nila ni Kuya Gray.


Mga babae nila. Lumapit ito sa amin at agad pumulupot ang mga kamay nila sa braso ng kapatid ko at ni Ryke.



Nilapitan ako ni Kuya Beige.



"Lets get you home." Ngumiti siya at inakbayan ako paalis sa harapan nila Gray at Ryke na ngayon ay nakatuon na ang atensyon sa mga nagtatawanan na babae na nakapulupot sakanila.



Flirts. Bulong ko sa sarili ko.

See you, Violet [Color Series #1]Where stories live. Discover now