Five

165 48 43
                                    

Kung mapaguusapan o tatanungin ako kung sino ang First Love ko ay laging unang pumapasok sa isip ko ay si Ryke.



Akala ko nga ay hindi totoo yung magkakagusto ka sa mga kaibigan ng kapatid mo dahil iisipin mo na parang nakakatandang kapatid mo rin sila. Pero hindi e, sa gwapong itsura ni Ryke at sa magandang ngiti at tindig baka laruan nalang ang hindi magka gusto sakanya.




Crush ko talaga siya mula bata pa lang ako pero syempre hindi ko sinasabi sa mga kapatid ko 'yun, hanggang sa lumalim ang pagtingin ko sakanya kaya pinigilan ko talagang mas lumaki pa iyon, dahil alam kong hindi niya naman ako magugustuhan.



Simula pa pagkabata ko ay nakikita ko na siyang madalas sa bahay dahil bestfriend siya ni Kuya Gray. Naalala ko pa ang amoy ng shampoo niya at pabango niya kapag nasa bahay siya. Gustong gusto ko ang amoy 'non.



Naalala ko noong bata pa ako na palagi niya 'rin akong binibilhan ng Ice cream kapag may nakikita kaming napapadaan na nagtitinda sa harap ng bahay namin.



"Oh, masarap yan bilis bago matunaw." Nakangiting abot niya sakin ng dirty ice cream sa apa.



Kumunot ang noo ko pero kinuha ko parin. "Ang sabi ni Kuya Gray bawal daw ako kumain nito dahil marumi."



Tumawa siya at hinawakan ang taas ng ulo ko. "Wag kang maniwala sa Kuya mo. Kumakain din siya nyan, trust me masarap yan." Kinindatan niya pa ako habang tinatapik ng mahina ang ulo ko.




"Aalis kana bukas?" Tanong ko sakanya dahil narinig ko na titira na raw sila sa US kasama ng Mom at Dad niya.



"Oo e, dun na kasi kami magaaral ng mga kapatid ko." Ngiting sagot niya sakin habang tintitigan ako.




"Hindi na tayo magkikita?" Tanong ko sakanya dahil siguro ito na ang huling pagkakataon ko na makakain ng dirty ice cream dahil aalis na siya.




"Magkikita pa tayo Violet. Wag kang mag alala." lumawak pa lalo ang ngiti niya sa akin.





Nakikita ko rin kung ilang babae ang humahabol sakanya. May iilang naging obsess sakanya at kung anong ano ang ginagawa para mapansin niya.





Kapag tinatanong ko kung bakit ang hilig nila ni Kuya sa mga babae nginingitan niya lang ako at tinatapik ang ulo ko, tinatrato niya akong parang nakababatang kapatid kaya alam ko na hindi siya magkakagusto sakin pero kahit ganon ay doble naman ang tibok ng puso ko tuwing pinagtutuunan niya ko ng pansin.




"MOMMY! SI VIOLET KINAGAT YUNG BRASO KO!" sigaw ni Kuya Beige ng bigla ko siya sinunggaban at kinagat dahil inaasar niya akong ang pangit ng gupit ng bangs ko.



Hahampasin ko pa sana siya sa mukha dahil nagsumbong siya kay Mommy ng hawakan ni Ryke ang braso ko at itinayo ako. Nakangiti siya sa akin at inaya akong lumabas.



"Violet, tara sama ka sa basketball namin sa labas?" Tumango ako at sumama sakanya. Humarap pa ako sa kapatid kong nakasimangot habang hawak ang controller niya. Binelatan ko siya.




"Pangit mo Kuya!" Pahabol ko na sabi sakanya at binelatan niya din ako.




Pinaupo ako ni Ryke sa maliit na bench sa open court na pinaglalaruan nila kuya.



"Dyan kalang ah, kainin mo to habang pinapanood kami." Inabot niya sakin ang strawberry flavor na buscuit at Juice tsaka niya ako tinapik sa ulo bago lumapit sa mga kasama niyang nasa court na.



See you, Violet [Color Series #1]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang