Chapter 24

7.3K 417 227
                                    

Chapter 24: SEA
Zanashi

"Anak? Busy ka ba?" tanong ni Papa pagkabukas niya sa pinto ng kwarto ko.

Mula sa isinusulat ko ay umangat ang tingin ko kay Papa. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Kumpara nitong mga nakaraang araw ay sobrang liwanag ng mukha niya ngayon. Nakangiti rin siya nang sobra kaya batid kong may nangyaring maganda sa kanya.

Masyado akong pagod ngayon dahil tinambakan na naman kami ng quizzes and homeworks kahit papalapit na ang exam. Hindi rin dumagdag ang kaguluhan sa school na nilikha ng grupo nila Sulivan kaya kahit ngayon man lang, gusto kong makarinig ng kwento kay Papa. Gusto kong marinig ang mga magandang nangyari sa kanya ngayong araw. Gusto kong malaman ang rason kung bakit siya ngumingiti.

Umiling ako at nilapag ang ballpen na hawak-hawak sa table. Lalo siyang ngumiti nang dahil doon at umupo sa kama ko. Hinarap ko ang bangko sa kanya at muling pinagmasdan ang nakangiting mukha ni Papa.

I really love seeing him smile like this. Mas madalas ko kasing makita ang galit, inis, at nalulungkot niyang mukha kaya ang mga pagkakataong tulad nito ay pinapahalagahan ko nang sobra.

"May ginagawa ka ata, anak. Sige lang, ipagpatuloy mo na 'yan. Hihintayin na lang kitang matapos," nakangiti pa rin niyang sabi.

Umiling-iling ako at nahawa na rin ng ngiti niya. "Ayos lang, Papa. Konti na lang din naman ang hindi ko pa natatapos."

Tumango-tango siya at tumingin sa akin. Mukhang hinihintay niya akong magtanong o magsalita pero sa mga oras na tulad nito, hindi ako nag-iinitiate ng usapan namin. Ayokong may mabanggit na makapagpapabago ng mood niya. Hangga't maaari ay gusto kong siya ang magbukas ng topic at susundan ko na lang ang usapan.

Nang mapansin niyang mukhang wala akong balak magsalita ay may kung ano siyang kinuha sa bulsa ng polo niya. Inilabas niya rito ang nakatuping papel. Iniabot niya ito sa akin kaya nagtataka ko itong binuksan. Halos manlaki ang mata ko nang makita ang mga nakasulat sa papel. Hindi ito tuluyang maproseso ng utak ko.

"What can you say, anak?"

Umawang ang labi ko. Tiningnan ko siya at siguro'y nahalata niyang gusto kong kumpirmahin ang nakasulat sa papel kaya tumango siya. Muling bumagsak ang tingin ko sa papel.

"Anger management training?" bulong ko, hindi pa rin makapaniwala.

"Yes, anak. Naisip kong makakatulong ito sa ating dalawa, lalong-lalo na sa iyo, anak. Ikaw ang pinaka-apektado kapag galit ako at ayokong mangyari pa ulit iyon. Kaya naman, naisip kong pumasok na lang sa klaseng 'yan. Ano sa tingin mo, anak?"

"O-okay naman Papa pero—"

"Kung iniisip mo ang gastusin, ako na ang bahala doon anak. Alam kong nahahalata mong wala akong kontrol sa sarili kapag dinadalaw ako ng matinding galit. At.. ayaw na ayaw ko na sayo ko nabubuntong ang lahat."

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang sabihin ito ni Papa. Gusto ko nang sabihin sa kanya noon pa man na humingi ng tulong sa mga propesyunal para makontrol ang sariling galit. Pinapangunahan lang ako ng takot ko. Natatakot akong magagalit siya sa kaisipang iniisip kong wala siyang kontrol sa sarili.

Huminga siya nang malalim at lumuhod sa harap ko. Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ito. Gano'n din ang ginawa niya sa mukha ko. Para bang tinitingnan niya kung may mga pasa pa rin bang natitira dito. Ngumiti ako para hindi na siya mag-alala pa. Matagal na ang huli niyang pagbubuhat ng kamay sa akin kaya naghilom na ang mga pasa sa katawan ko. Hindi na niya kailangang mag-alala pa.

Umiling-iling siya at ang matamis na ngiti kanina ay biglang nabura. Parang kinurot ang puso ko nang maglaho ang ngiting gustong-gusto kong manatili sa mukha niya.

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now