008

81 18 2
                                    

Just a blink of an eye, may pasok na naman.  We are currently in the room, listening to our prof's discussion about the stories of the bible.

Nakita ko pa nga si Kit na napapapikit na sa antok kaya agad ko naman siyang sinagi ng braso ko.

Nakakahiya! Baka mapansin o makita siya ni sir. Nasa unahan pa man pati kami.

Napatingin siya sa akin nang may pagtataka sa kanyang mukha kaya agad ko naman siyang pinandilatan ng mata.

Pwede naman siyang magpanggap na nakikinig man lang.

When the class is dismissed, we immediately stood up and started walking.

Sa wakas, it's lunchtime! Kanina pa ako gutom.

Nagpunta kami sa cafeteria at luminya na kami. Marami-rami na rin pati ang mga tao na naririto upang kumain. The line is quite long.

Agad akong nag-order ng pork cordon bleu when it's my turn. Naalala ko tuloy nang nagluto nito si Lay noong sabado. His cooking was impressive.

"Ven," tawag sa akin ni Kit.

"Oh. Sorry," I said as I started walking.

Pumwesto kami ni Kit sa may electric fan lalo pa't napakainit ngayong araw. Grumagrabe na talaga ang global warming. Ramdam ko na rin nga ang pawis sa noo ko.

Nagsimula na kaming kumain ni Kit nang may naramdaman akong malagkit sa katawan ko.

"Oops. Sorry." By the sound of it, alam ko na agad kung kanino nanggaling ang boses na iyon. I know that she intentionally poured the sauce of her food to me.

Napapikit na lamang ako upang ikalma ang sarili ko.

"What do you think you're doing?" mariing tanong ni Kit kay Katrina at alam kong nagpipigil na rin siya ng galit.

"Oh. Nandito pala ang dakilang best friend slash knight in shining armor ng prinsesa," sarkastikong sipi ni Katrina nang maibaling niya ang atensyon kay Kit.

"Masyado naman mahina ang prinsesa at kailangan niya pa ng tagapagtanggol lagi," dagdag niya pa.

Patience, Venice. Please. Just a little more patience.

Ayokong mag-eskandalo. At ayoko rin ng away.

"Y-yves," nangangatal ang boses ni Katrina nang banggitin niya ang pangalang iyon dahilan upang lingunin ko siya at nakita ko roon si Lay na mahigpit ang hawak sa kaliwang braso ni Katrina.

"Who do you think you are to do such foolish act?" mariin din ang boses ni Lay nang banggitin niya ang mga katagang iyon.

"H-hindi ko naman sinasadya."

"Really?" Lay smirked. "That's not what my eyes saw, lady.

"Sa susunod, huwag mo na itong gagawin lalo na sa mga taong sobrang bait para patulan pa ang pambata mong taktika," mariing wika ni Lay at marahas na binitawan ang braso ni Katrina. Kita ko ang inis na ikinukubli ni Katrina. Hindi na niya kami muling tiningnan at agad siyang naglakad paalis.

"Ayos ka lang?" mahinang tanong sa akin ni Kit na agad ko namang tinanguan.

Nilingon ko ulit si Lay upang makapagpasalamat pero nakita ko na lamang siyang naglalakad na palayo. Hindi pa naman siya nakakalayo kaya sa tingin ko ay baka marinig niya pa ako.

"Salamat, Yves," wika ko at itinaas na lamang niya ang kanang kamay na hindi man lang nag-abalang lumingon.

Kit is looking at me unbelievably.

"Bakit ganoon umasta si Yves? Kilala siya bilang walang pakialam sa paligid niya."

"We can't just simply judge a person on what others perceive of him. At saka ay baka nagkaroon lamang siya nang kaonting pagmamalasakit sa akin lalo pa't magka-partner kami sa PE," paliwanag ko sa kanya. Tinanguan naman niya ako at nagpatuloy kami sa pagkain.

Don't GoOnde histórias criam vida. Descubra agora