022

64 16 5
                                    

My phone keeps ringing from yesterday. Pero tulad ng ipinangako ko kay Paris, iiwasan ko na nang tuluyan si Kit.

Nalulungkot ako dahil kailangan pang umabot sa ganito ang pagkakaibigan namin. I value friendship so much yet there's nothing I value more than my family.

Ever since, I had never been selfish. Kahit na ng mga bata pa kami at may dala si mommy na pasalubong, ang hindi nagustuhan ni Paris ang napupunta sa akin. I never did complain though. Masaya na ako na masaya rin ang kapatid ko.

Si Paris ang lagi kong inuuna kaysa sa sarili ko. I tried my best na maging mabuting kapatid sa kanya at ang makita siyang nakaluhod at magmakaawa sa akin ang isa sa pinakamasakit na masilayan ko. She's very precious and I don't want her to be like this. I don't want sadness and pain to take up all her entirety. Sapat na ako lang ang nasasaktan. Sapat na ako lang ang nahihirapan. Huwag lang si Paris. Huwag lang ang kapatid ko.

Kung totoo man ang sinabi ni Paris na mahal ako ni Kit, mas mabuti nga sigurong layuan ko na muna siya. I guess this is for the best on all of us. I shouldn't entertain his feelings.

This is the danger of having a friend from the opposite sex. Maybe he's really not meant to be my friend forever because his future is way greater than that and I will gladly accept it even if it means that I am not by his side when that time comes.

Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pag-aaral dahil bukas ay ang unang araw ng midterms. I have nothing to do anyway but to study. Maybe that was the only thing I'm good at and I don't want to feel that I fall short this time.

The next day, I feel like a person breathing with no life at all. They say that life doesn't ends just because I'm hurting. But, how can I continue on living if everything's piling up to my plate right now?

Nawala ang regalo ni Lay.

Pinagbintangan ako ni mommy na pinagnakawan siya.

Kailangan kong layuan si Kit para kay Paris.

Hindi maaari na pati ang exams ay maibagsak ko. Kahit hirap man akong mag-concentrate sa pag-aaral ay ginawa ko pa rin. This is the only thing I can save. I can't lose this also. I can't fail on this.

"Ven," tawag sa akin ni Kit nang makaupo na ako sa designated kong upuan.

Good thing he's far from where I am seated.

I looked up to him, trying so hard not to convey any emotion at all.

Hindi siya nagsalita at patuloy lang siyang nakatingin sa akin. Sa tingin ko ay may hinuha na siya na alam ko na ang naging pag-uusap nila ni Paris.

He just continue to look at me.

"Excuse me," wika ni Lay kay Kit dahilan upang umusog si Kit. Ang katabing silya ko kasi ang designated seat ni Lay.

"I'm sorry," mahinang wika ni Kit pero sapat lang upang marinig ko iyon. Then he went back to his seat at the back part.

I don't know why he's asking for forgiveness.

Dahil ba sa sinaktan niya si Paris?

O dahil unti-unti nang nasisira ang pagkakaibigan namin?

O baka naman totoo nga na tuluyan na siyang nahulog sa akin?

I don't know and I don't want to think about it right now. My mind must be on our exams. I must focus. Please, Venice. Focus.

Ramdam ko rin ang mariing tingin sa akin ni Lay pero pinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Mabuti na lang at hindi naman siya ang tipo ng tao na mahilig manghimasok sa buhay ng ibang tao thus he just keep his mouth shut.

Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon