024

55 17 2
                                    


"Bakit hindi ka makapagsalita? Where did you get this phone?" mariin kong tanong sa kanya habang nakataas ang aking kanang kamay na hawak ang phone niya. She immediately grab it away from me.

"Sa manliligaw ko. Bakit? Inggit ka dahil walang nagtatangkang manligaw sa iyo, 'no?" nakataas na ang kilay niyang wika.

"Hindi ako naniniwala."

"Eh di huwag kang maniwala. Hindi naman kita pinipilit," wika niya at nakuha pa akong irapan.

Binalingan niya ang mga kaibigan niya. "Halika na nga at may masamang elemento ang napadpad dito," yaya niya sa mga kaibigan at linisan na nila ang lugar.

Still. I don't want to think bad on her yet I can't help it.

She's ambitious and I would say greedy as well. Baka nakagawa siya ng kasalanan upang makuha niya lang ang gusto niya. Hanggang saan nga ba ang kayang gawin ng isang taong uhaw sa karangyaan?

Maybe galing nga sa manliligaw niya iyon. Pero sino namang manliligaw?

Hanggang sa kotse ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga posibilidad.

"Ate, thank you talaga ah. Sa tingin ko ay unti-unti na kaming nagkakalapit ni Kit."

Napalingon ako sa back seat at nakita kong nakangiti si Paris. I smiled at her as a response before I bring back my gaze to the front. At least my sacrifice is paying off.

"Bakit? Anong nangyari?" tanong ni daddy at nakita ko naman sa salamin na pumula ang pisngi ni Paris. In love nga talaga ang kapatid ko sa kaibigan ko. Wait. I guess I am not entitled to call him that now.

If only Kit falls in love with my sister and not me, they may be happily together by right now. Too bad, Kit falls in love with his best friend who wouldn't take a risk to fall in love with him also.

"Wala po, daddy."

"Sure?"

"Yes po."

Tumango naman si daddy at hindi na nag-usisa pa. Ibinaling naman niya sa akin maya-maya ang kanyang tingin.

"Ikaw, Venice? Ayos ka lang ba?"

I faked a smile. It is like, I mastered to do it through the years that have gone by. "Opo. Bakit naman po ako hindi magiging maayos?"

"Venice," mahina niyang banggit sa pangalan ko na punong-puno ng pag-aalala.

I tried my best to show him my smile. "I'm fine. Really. Don't worry about me."

Tumango rin siya bilang ganti sa akin.

"By the way, anak. Ayos lang ba na magsimula ka na sa sabado para sa driving lesson mo?"

I smiled at him genuinely this time. "Yes po."

"Good."

Hindi naman na ako nagsalita pa. Si Paris na dating napakaraming kwento ay tahimik din.

I tried so hard not to think of what happened earlier but I am not succeeding. There are many questions flooding my head about Katrina, her new phone, my lost watch and mom's stolen money. Are they all connected? If yes, si Katrina ba talaga ang may pakana ng lahat ng ito?

I don't want to point fingers at anyone. Kung wala nga talaga siyang kinalaman, then I must admit that I made a mistake on accusing her and apologize. Pero... what if she really does know the truth? What if she's really the thief? Malilinis ko na ba ang pangalan ko?

I hope so. Ang kailangan ko na lang gawin ay mag-imbistiga at maghanap ng evidence. Kaya naman nang makarating sa bahay ay agad kong pinuntahan si manang Irma upang tanungin.

Don't GoWhere stories live. Discover now