023

58 16 3
                                    

Pagpasok ko pa lamang sa room ay nagkasalubong ang mga mata namin ni Kit. Ako ang unang nag-iwas. I couldn't bring myself to look at him any longer.

Instead of sitting on my supposed seat, sa upuan ako ni Lay umupo. Nakiusap ako kay Lay na kung maari ay siya na lang ang tumabi kay Kit hanggang sa matapos ang buong semester and in my relief, he agreed.

Tiningnan ako ni Kit, maaring nagtataka siya kung bakit hindi ako sa tabi niya umupo. Pero hindi naman na siya sumubok na magtanong.

After a while, tinanggal na niya ang mga matang nakatingin sa akin at sakto naman ang pagdating ni Lay at umupo sa pagitan namin ni Kit. Hindi rin naman sila nagsalita.

When our first vacant arrived, I decided to went to the library. Hindi na rin naman nagpupunta rito si Kit. Maaring alam niya na dito ang tungo ko madalas.

I am busy reading a book when someone sits in front of me.

"Girl, magkaaway ba kayo ng best friend mo? Ng midterms ko pa talaga kayo napapansin pero ngayon ay mukhang totoo nga ang hinala ko. You even managed to exhange seats with Yves," wika ni Faye.

Instead of answering her, my gaze just remains on her.

"I'm sorry kung sa tingin mo ay chismosa ako. Na-curious lang talaga ako."

I nodded at her. "Ayos lang. But I don't think I should tell you about it. It is a personal matter."

"Pasensya ka na talaga. Naiintindihan ko naman." Napatingin siya sa lumapit sa amin.

She brings back her gaze on me. "Sige, Venice ah. Mauna na ko," paalam niya at umalis na.

Hindi niya rin naman ako tinukso tulad nang ginagawa niya noon kapag nagkakalapit kami ni Lay. I'm glad she really understands the situation.

Umupo naman si Lay sa inalisang upuan ni Faye. Hindi na siya nagtanong in which I appreciate a lot. Ibinalik ko na rin lang ang atensyon ko sa pagbabasa at ganoon din naman siya. He started reading the same book as I.

Lunch time came. Hindi katulad dati na si Kit ang dati kong kasamang kumain sapagka't si Lay na ngayon iyon. I'm happy we're getting closer than before yet lonely at the same time dahil kailangan muna naming magkahiwalay ng landas ni Kit para unti-unting bumalik ang dating relasyon ko kay Lay.

Pagdating namin sa cafeteria, I immediately saw him dining with my sister. I smiled sadly while looking at them. I remember those times na kami ang magkasalong kumain ni Kit kapag lunch time. But at the same time, I don't want to erase that beautiful smile of Paris while looking at my best friend. Kahit walang mababakas na emosyon sa mukha ni Kit ay mukhang ayos lang naman kay Paris as long as they are together.

Baka nga panggulo lang naman ako sa kanila. Baka nga sila ang endgame at ako ang daan para sa masayang epilogue nila.

"Mira, let's go," saad ni Lay kaya nama'y napatingin ako sa kanya at tumango.

We bought our food and decided to sat at the table farthest from them.

I'm just stirring the straw from my lemonade. Wala pa akong ganang kumain but I know after a few seconds or minutes, I needed to eat.

"I think I know what's going on."

Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Lay na seryosong kumakain.

My heart clenched thinking he already knew.

Ayokong pag-usapan pero siguro nga ay mainam na mailabas ko rin ang saloobin ko.

He brought his eyes up to looked at me. "Mahal ng kapatid mo ang best friend mo, di ba?"

"Oo. Akala ko dati ay simpleng paghanga lang ang nararamdaman ni Paris para kay Kit. I never thought it would go beyond that."

Don't GoDove le storie prendono vita. Scoprilo ora