014

69 16 2
                                    

When I realized what my position is, I immediately stood up. I felt the intense stares of our classmates on me. Para bang may nagawa akong malaking kasalanan sa paraan nang pagtitig nila.

Nagtungo ako sa aking upuan at nilapitan naman agad ako ni Kit na nakakunot ang noo. I couldn't even bring myself to look at anyone.

Nakakahiya!

"What was that?" mariing tanong ni Kit sa akin.

"Don't overreact. Wala naman iyon. May nakabangga lang ako dahilan upang matumba ako kay L—Yves," paliwanag ko pero hindi ko na siya narinig pang nagsalita.

Hindi pa rin naalis ang kunot sa kanyang noo. Kapag ganito siya ay alam kong may nagawa talaga akong mali. Kahit hindi ko naman iyon ginusto, hindi naman nila nakikita iyon. All I could do is for me not to mind their stares pero si Kit...ayokong magalit siya sa akin.

I poked at his right arm. "Hoy. Galit ka ba sa akin? Hindi ko naman alam na mangyayari iyon eh."

"Hindi ako galit sa'yo," anito na hindi nakatingin sa akin.

"Bakit pakiramdam ko ay galit ka?" mahina at malungkot kong saad.

Tiningnan niya ako sa pagkakataong ito. "Hindi ako galit sa'yo. Naiinis lang ako sa naabutan ko kanina."

Napatungo ako. "I'm sorry."

"You don't have to. Hindi mo naman kasalanan iyon. It was just an accident."

Halos parehas ang thought nang sinabi nila ni Lay kanina.

I just feel like saying sorry for someone else's actions or things I cannot control of.  I don't like them feeling upset especially if it has something to do with me even though it wasn't my fault for them to act that way. I hate to hurt other people feelings that's why I don't want anyone to have a grudge on me especially if that someone is important to me.

Natapos ang dalawa pa naming subject na hindi ako masyadong kinakausap ni Kit. Kahit nalulungkot ako dahil doon ay hinayaan ko na lamang. Mukhang naiinis pa rin siya sa naabutan niyang scene kanina.

Even my cheeks heat up when I remembered that scene.

Nagtungo muna si Kit sa CC dahil may practice pa sila ng basketball. I just hope so na totohanin ni Kit na mas uunahin niya ang pag-aral. Naniniwala naman akong gagawin niya iyon dahil sa responsable siyang klase ng tao pero hindi naman siguro mawawala sa isang kaibigan na tulad ko ang mag-alala.

"Kinilig ako kanina sa inyong dalawa ni Yves ah," nakangiting sipi ni Faye sa akin nang makasalubong ko siya sa hallway.

"Ah...nakakahiya nga at nangyari pa iyon. Kung pwede lang sanang lumubog ako sa lupa dahil sa kahihiyan."

"Ano ka ba! Okay lang iyon. At least my ship is sailing," nakangiti niya pa ring tugon sa akin na nagpakunot sa noo ko.

"Huh?"

"Simula kasi nang sumayaw kayo ni Yves ng cariñosa ay i-shi-nip ko na kayo. You look so cute together. Parehas pang matalino at maganda ang lahi. Siguro kapag nagkaanak kayo ay extreme rin," kinikilig niyang wika.

Ang lawak naman masyado ng imagination niya. Kung saan-saan ba siya napadpad. Ako nga ay wala pa sa isip ko ang pakikipagrelasyon tapos siya nasa magiging pamilya ko na agad!

"Ang mga masasamang tingin at sasabihin ng ibang babae sa'yo ay huwag mo na lang pansinin. Inggit lang sila dahil hindi sila mapansin-pansin ng crush nila,"pahabol pa niya.

"Sige. Mauna na ako," aniya at nang tumango ako ay umalis na siya.

Ang daldal talaga niya. Kaya naman minsan ay napapagalitan pa siya ng prof dahil sa ingay niya. Naiintindihan ko naman sila dahil kahit ako siguro ang magtuturo at may estudyante akong ubod ng daldal ay talagang ma-di-distract ako.

Don't GoWhere stories live. Discover now