010

73 15 5
                                    

Nang makarating kami sa CC ay halos lahat ng ka-klase namin ay napatingin sa amin ni Lay. It's like they are not expecting our arrival.

"Naks naman, Venice. Kaya ka pala late," nakangiting saad ni Faye nang makalapit kami sa kanila.

Unlike me and Lay, they are wearing our PE uniform.

"Dahil kararating niyo lang, mabuti na kayo na ang mag-perform," nakangiting saad ni ma'am Glenda.

Anxiety runs in my whole body. Napatingin ako kay Lay at tinanguan niya ako. He even managed to mouthed 'relax' to me.

I took a deep breath before smiling.

Just pretend that you all have it under control, Venice. Don't let anxiety controls you right now.

"Sure po," I said with my voice full of confidence.

Akala mo naman ay kay galing sumayaw. Pero tulad nga nang sinabi ni Lay, I should be confident in order to deliver my dance well.

Pumwesto na kami sa unahan ni Lay. When the music began playing, we also started on dancing.

Hawak-hawak ko lamang ang aking saya habang sumasayaw. I plastered a smile on my face while doing it. Maya-maya pa ay kinuha ko ang nakasabit kong pamaypay sa aking saya habang sumasayaw. Just like before, ay marami ring ikot na steps ang sinayaw namin.

Hanggang sa ilabas na rin niya ang kanyang puting panyo upang maging props namin. Then, he handed it to me at nag-umpisa na akong sumayaw palayo sa kanya habang winawagayway ko ang panyo. Siya naman ay nakasunod lamang sa akin.

Mga ilang steps na lamang pagkatapos ay natapos na rin kami. Hawak-hawak ko ang aking saya habang si Lay naman ang kanyang kanang kamay ay nasa kanyang dibdib at kami ay sabay na nag-bow sa kanila.

We heard a loud applause from them. Kahit nang tingnan ko si ma'am ay malapad din ang ngiti niyang nakatingin sa amin.

I feel so overwhelmed right now. I looked at Lay and he slightly nod his head to me before I bring my gaze back to our classmates.

Umupo ako katabi ni Kit at pagkatapos ay nagpatuloy ang presentation.

"Hindi halata na parehas kaliwa ang paa mo kanina ah," ani Kit na may nakakalokong tinig.

Binalingan ko siya na nakataas ang kilay pero dahil sa masaya ako sa kinalabasan ng performance namin ay hindi ko naman iyon napanindigan.

"Loko ka talaga," saad ko at tumawa lang siya.

"Nag-perform na ba kayo ni Faye?"

"Akalain mo iyon. Buena mano kami. Kami pa ang unang nag-perform," naiiling na wika niya. Napatawa naman ako sa naging rection niya.

Ibinalik namin ang atensyon sa unahan upang panoorin ang nag-pe-perform doon.

Pagkatapos ng PE ay nagdesisyon na kaming umuwi ni Kit. Nagpalit lang ako sandali ng suot bago kami nagpunta sa parking lot.

We talked a lot of random things while we are on our way home. Hindi pa rin nagbabago ang relationship namin and I want it to stay just like that. I am comfortable when I am with him and I can say that he is like that to me also. Dahil sa closeness ay kahit hindi kami nawawalan ng topic lalo na't magaling siyang magdala ng conversation.

Nang makarating kami sa bahay ay agad kong inanyayahan si Kit na pumasok sa loob. Pumayag naman agad siya dahil wala naman kaming masyadong gagawin at assignments para bukas.

Simula nang malaman ko na may gusto si Paris kay Kit ay naging shipper na talaga nila ako. Para kasing ang cute nila eh. Their personality also click.

Don't GoWhere stories live. Discover now