Season 1 Chapter 2: Moerani's 16th Birthday

54 30 16
                                    

Moerani's Point Of View

THAT voice was from me.

I grabbed my chest as I chase my breath.

It was all a dream. I hope. Sana panaginip lang lahat nang narinig ko. Hindi ko nga rin alam kung sa papaanong paraan ako nakatulog.

Nagising ako sa pagdila ni Dobi sa akin. Puro tuloy laway ang mukha ko. I just woke up at my room and I don't know why.

“Dobi. Narinig mo rin ba iyong kagabi? Kaboses ko iyong babae. O baka ako lang talaga iyon?” ang sabi ko at saka hinawakan ang ulo ni Dobi. Dinilaan na naman niya ako at puro laway na naman ang kamay ko. As always.

Tama nga si Mommy. Makikipag-usap na ako sa mga tao baka kung ano na naman ang marinig ko. But, how? Si Dovi lang ang nakakausap ko.

“Hindi kaya kulang lang talaga ako sa tulog kagabi?”

O baka kulang lang sa pakikipag-usap sa ibang tao.

Naaalimpungatan pa lang ako ay lumabas na ako ng kwarto ko. I don't care how I look. Wala akong pakialam kung gulo-gulo ang maikli kong buhok, may muta muta pa, at hindi pa ako nag-to-toothbrush o kaya ay naliligo. Si Mommy lang naman ang kasama ko, kaya no worries.

Naghihikab akong bumaba ng hagdanan. Hindi ko pa rin alam kung nakatulog ba ako ng maayos o hindi.

Nadatnan ko si Mommy sa may kusina. Ang dami niyang ginagawa, madami siyang niluluto. Ano bang mayroon?

“Good morning, Mommy.” ang sabi ko at saka umupo sa may dining table. Nakapangalumbaba ako at tila inaantok antok pa.

“The birthday girl is awake.” ang sabi ni Mommy sa masayang tono. Nararamdaman kong ngiting-ngiti siya kahit na hindi ko nakikita ang mukha niya.

Right. It's my birthday. What's new?

“I'm sorry about last night, Mommy. Nagpadalos-dalos ako sa tinatanong ko. I'm sorry, Mommy.” halos pabulong nalang kung sabihin ko iyon. I'm just really sorry about what I did.

“Last night is last night, Rani. Forget about it. Just smile because today is your birthday!” ang sabi ni Mommy. Napabuntong-hininga na lamang ako sa pagsabi ni Mommy sa salitang 'birthday'.

I don't like birthdays. I don't like the day that I was born. Ni hindi ko man lang nakilala si Daddy noong araw na iyon.

“Ano bang bago, Mommy? Bakit kailangang i-celebrate 'yung araw na ipinanganak tayo?” ang sabi ko. I just don't feel well.

“You did really curse the day you was born?” ang sabi ni Mommy na matawa tawa pa. Pagkatapos ay inilagay niya ang ginawa niyang pancake sa harapan ko.

“Ayokong pag-usapan si Daddy, Mommy.” nawala ang ngiti sa labi ni Mommy nang banggitin ko ang salitang iyon. Alam kong ayaw niya ring pag-usapan ang tungkol kay Daddy.

“Eat your pancake, Rani. May pupuntahan tayo dahil this is your day.” ang sabi niya. Taon-taon na kaming napunta doon sa lugar na iyon. Sa tuwing birthday ko, nakakasawa na.

“Yey!” walang gana kong kinain ang pancake na niluto ni Mommy. It's delicious, but not all day. Everything is tiring here.

Hindi na ako pumili pa ng susuotin. Isang pink hoodie lang at naka-high waist black shorts lang ako. It's nothing special today.



“MAGCA-CAMPING ba tayo, Mommy?” ang sabi ko nang mabalingan ko ng tingin ang camping set na nilagay ni Mommy sa may tarangkahan ng van.

“You bet, Rani.” ang sabi niya at saka ngumiti.

When Midnight Falls Where stories live. Discover now