Season 1 Chapter 20: People Who Sinned

21 9 0
                                    

Moerani's Point Of View

“MOM?” bungad ko nang makapasok sa bahay namin. Kaagad kong binuksan ang ilaw ngunit hindi ito gumagana. Wala bang kuryente?

“What? Mom!” sigaw ko. Kaagad kong ipinatong ang bag na dala dala ko sa may sofa. Ngayon lang din ako nakauwi kasi sinamahan ko pa 'yung Vale. Hindi ko rin kasi alam kung magtitiwala ako sa kaniya pagdating kay Thara.

He actually dropped me by our neighborhood. Ilang oras na rin kasi akong naghihintay doon sa may waiting shed pero hindi dumadating si Mommy. Hindi rin siya sumasagot sa tawag ko.

“Mom?! Dobi?!” paulit ulit ko silang tinawag pero hindi sila sumasagot.

“Mom?!” pumanhik na ako sa may itaas ngunit hindi ko pa rin sila mahanap. Hindi naman na umaalis ng bahay si Mommy kapag hindi niya sinasabi sa akin. This is really weird.

“Moerani.” kaagad akong napabaling sa may bodega namin nang makarinig ako ng isang babae na nagsasalita. I'm sure it was my Mom.

“Mom? Why are you there? Where's Dobi?” ang sabi ko nang paunti-unti ay makalapit sa may pintuan. Bubungad kasi sa akin ang walang hanggang kadiliman na sa tingin ko ay hindi na matatapos. Pilit ko mang labanan ang kadiliman na iyon, sigurado akong hindi ko kakayanin.

“He's just right there.” mas inilapit ko pa ang katawan ko doon na parang pumapasok na rin ako. Hindi ko talaga marinig ang boses ni Mommy.

“Where Mom?” dala sa kuryosidad ko ay nilamon na ako ng kadiliman na iyon. Hindi ako makahinga, wala rin akong makita, wala rin akong maramdaman maliban na lamang sa pagtibok ng puso ko.

“He's right there, Moerani. Hanging in one of those tree branches.” kaagad akong napatakip sa bibig ko nang marinig ang mga sinabi ni Mommy. Mabilis akong tumakbo pabalik sa daang aking tinahak, wala na akong mabalikan.

Wala na akong makita kung hindi ang purong kadiliman sa paligid.

“Mom!!” ilang beses akong nagsisisigaw sa gitna ng kadiliman ngunit walang nanay na sumagot sa akin.

Kaagad kong nayakap ang sarili ko nang makaramdam ng napakalamig na hangin na dumampi sa aking balat. Hindi ko mawari kung ano ang bagay na iyon.

“I'm scared.” natatakot ako. Natatakot ako na baka sakaling hindi na bumalik ang dati, wala na akong mabalikan na ina. I'm so scared.

“Moerani.” kaagad akong nagtaas ng tingin nang biglang may magsalita sa harapan ko. Hindi ito pamilyar para sa akin kaya kaagad na kumunot ang noo ko. Everything here is really confusing.

“Who are you?!” sigaw ko. Nag-echo ang boses ko sa buong paligid sanhi para malaman ko na ako lang pala talaga ang mag-isa.

“I'm you.” kaagad na nagtaasan ang balahibo ko nang makaramdam ng presensya ng tao sa paligid ko. Hindi ko man makita iyon ay sigurado akong hindi lamang ako ang nag-iisa dito.

“Stop.” madali kong tinakpan ang tainga ko nang marinig ko ang nakabibingi niyang mala-demonyong tawa.

“This is all because of you!” iniangat ko ang tingin ko nang marinig ang boses ng isang hindi pamilyar na lalaki. He's wearing his red coat and his fingers is pointing at me like I did something wrong to him.

“Your sins cannot be forgiven.” paulit ulit na sinabi niya ang mga salitang iyon. Sobrang nakasasakit sa ulo, parang hinihila ng malakas ang anit ko.








“MOERANI? Where do you live?” kaagad akong napahawak sa dibdib ko nang marinig ang boses ni Vale na nagsasalita lamang sa tabi ko. Diretso ang tingin niya sa daan ngunit bakas sa boses niya ang pag-aalala sa akin.

When Midnight Falls Where stories live. Discover now