Season 1 Chapter 15: It's A Very Long Night (Pt.1)

19 12 5
                                    

Moerani's Point Of View

IT'S STILL a mystery for me kung sinong peste ang nagbigay noon kay Braighd. Mas lalo tuloy siyang nagalit sa akin.

“Hindi ako naniniwalang ikaw ang nagbigay noon, Rani.” halata ang pag-aalala ni Dovi sa boses niya.

“Hindi naman talaga ako ang nagbigay noon, Dovi.” ini-loud speaker ko ang phone ko. Nag-gawa din kasi ako ng bago kong artwork. Ngayon nalang din kasi ako nakapag-relax ng ganito.

“Then, who?” napangiwi ako sa pagkakarinig ko sa sinabi ni Dovi.

“I don't know. Malay mo, nag-kontiyabahan pala sila doon. Malay mo, alam pala ni Braighd na may ipis doon sa box.” walang gana kong sabi. Wala naman kasi talaga akong dapat na patunayan, wala akong ginagawang masama.

“Don't trust them, Rani. Lalong lalo na iyang si Lhej na iyan. Hindi ko pa siya nakikita pero naiinis na kaagad ako sa kaniya.” natawa na lamang ako sa saad niya.

“Ikaw ba iyong doppelganger na Dovi? Kung saka-sakali kasi na ikaw, e pwede ko na bang ibaba ang tawag? He's so creepy, you know?” ang sabi ko. Natawa nalang din siya dahil naalala ko na naman iyong araw na iyon. It's really creepy though, lalong lalo na alam ko na ngayon na hindi siya iyon.




“RANI! Pakitignan nga iyong bodega!” dali-dali akong pumunta doon sa may bodega namin kahit na medyo natatakot ako doon. Nandodoon kasi iyong manika, I hate dolls, okay?

Nagdala na rin ako ng flashlight dahil ayokong mangapa sa dilim. Wala pa rin kasing ilaw dito kahit na ilang beses ko na ring sinasabi kay Mommy na palagyan.

“Stack of boxes, where are you?” Mom told me na ibaba ko daw iyong mga patong-patong na kahon. Napakadaming kahon dito at hindi ko alam kung nasaan dito ang sinasabi niya.

“Moerani.”

Unti-unting nanlambot ang tuhod ko nang makarinig ng boses na tumatawag sa akin. Sigurado akong nanggagaling ito sa lugar na kinaroroonan ko. I can hear her voice around me.

Inilibot ko ang flashlight ko sa paligid. Wala naman akong nakita na kahit na ano maliban na lamang sa manika na nakapatong sa may isang lumang upuan hindi kalayuan sa may baul.

“Moerani.” my gaze is locked up on that doll. Wala naman itong kahit na anong ginagawa pero naririnig ko pa rin ang boses na iyon na tumatawag sa akin.

Naitapon ko ang flashlight ko at muntik ko nang mahulog at mabunggo ang mga box, nang bigla na lamang na pumihit ang ulo noong manika. She is staring at me with her wide dark eyes.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang mapansing bigla na lamang na nawala sa upuan iyong manika. “What the…” ang sabi ko.





“KILALA NIYO ba kung sino ang may-ari noong manika na nasa may bodega?” kumunot ang noo ni Mommy sa sinabi ko. Nagtataka rin ako kung bakit ko tinatanong ito.

“What doll?” nakita ko iyong mga diyaryo na nasa may lamesa namin. Nagge-general cleaning ata si Mommy nang hindi ko alam.

“Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako, pero para talagang gumalaw iyong ulo noong manika, Mom.” sa tingin ko ay pinipigilan lamang ni Mommy na matawa sa sinasabi ko.

“Mom, I'm serious. By the way, nagge-general cleaning ba kayo ulit?” ang sabi ko at saka ipinakita sa kaniya iyong mga diyaryo.

“Wala akong nakikitang manika sa may bodega, Rani. Kakagaling ko lang doon kaninang umaga, nakita ko iyang mga diyaryo na iyan. Tignan mo nga.” what did she mean she didn't saw that doll?

When Midnight Falls Where stories live. Discover now