Season 1 Chapter 3: The Devillion's Land

49 26 15
                                    

Moerani's Point Of View

"RANI."

"Rani."

"Rani."

"Rani."

"Rani. Wake up." nagising na lamang ako sa pagkakayugyog sa akin ni Mommy. Palagi nalang akong naaalimpungatan ng ganito.

Napatayo tuloy ako ng wala sa oras at saka nag-unat unat. Hindi lang alam ni Mommy kung gaano niya nasira ang napakaganda kong tulog.

"Quick. Ayusin mo na ang mga gamit mo." natauhan ako sa sinabi ni Mommy.

"What? Why?"

"Matagal ko nang ibinebenta ang bahay na ito, Rani. Lilipat na tayo, kaya bilisan mo nang ayusin ang gamit mo. Any time ay baka dumating na 'yung mga bumili ng bahay. Please hurry, Rani." ang sabi ni Mommy at saka lumabas ng kwarto ko.

I'm still in shocked sa sinabi niya. Wala siyang sinasabi sa akin na ibinebenta na niya ang bahay. This is where I grew up. I can't believe she's doing this. Pagkatapos doon sa nangyari sa birthday ko noong nakaraan, heto naman?

"What's going on, Dobi?" ang sabi ko at saka hinawakan ang mukha ni Dobi. Ang cute niya talaga, kamukha niya si Dovi.

I don't know where the hell are we going.

Pinagmasdan ko ang tiles ng sahig namin sa may c.r. Kanina ko pa iniisip kung bakit ibebenta ni Mommy ang bahay. Maybe, something happened.

"Rani."

Nagtaasan na naman ang balahibo ko sa katawan nang makarinig ng nagsasalita. It's a voice of a man.

"What the hell." ang sabi ko at saka nagmadali nang maligo. Hindi ko na naman alam kung sino ba iyong tumatawag sa akin.



"MOM. Can I ask a question?" ang sabi ko habang tumutulong kay Mommy sa pag-aayos ng mga gamit namin na ilalagay sa mga box.

"Kung ang itatanong mo ay tungkol sa paglipat natin ng bahay o kaya ang tungkol sa Daddy mo. Please, just help me and don't ask any questions, Rani." napaka-advance na mag-isip ni Mommy.

Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya.

"I will just ask if I go outside last week. 'yung bago mag-hatinggabi at kinabukasan 'yung birthday ko?" ang sabi ko. Napakunot ang noo ni Mommy.

"Hindi kita nakitang bumababa ng hagdanan, Rani. At kung lumabas ka man siguradong gagawa iyon ng ingay ng pinto." naguluhan ako sa sinabi ni Mommy. But, I go outside that night.

"Pero. M-mommy. Sigurado ka bang hindi talaga ako lumabas? Like, iyong lumabas lang saglit, ganoon?" ang sabi ko at mas lalong kumunot ang noo niya sanhi para mapatigil siya sa pag-aayos ng mga gamit namin.

"Hindi ka lumabas, Rani. Doon lang ako nag-stay sa may sala hanggang alas-tres pero wala akong nakikita ni anino mo." ang sabi niya at saka nagpatuloy sa pag-aayos ng mag gamit.

It's really weird.

Napaisip tuloy ako kung narinig ko ba talaga ang mga iyon. O baka guni-guni ko lang talaga?

"Rani."

Napatigil ako sa pagtulong kay Mommy nang marinig ko na naman ang boses na iyon. This time, boses naman ng babae at hindi na ng lalaki.

Inilibot ko ang paningin ko para hanapin kung sino iyon pero wala namang kahit sinong tao. It's just me and Mommy. Tinignan ko rin iyong bahay nila Dovi pero wala naman siya sa labas at sigurado akong hindi niya ako tatakutin ng ganoon. Mas matatakutin iyon eh.

When Midnight Falls Kde žijí příběhy. Začni objevovat