Season 1 Chapter 9: It's Because Of Dobi

28 15 7
                                    

Moerani's Point Of View

NANLAMIG ang mga kamay ko nang matanggap ang huling message ni Dovi. Kung hindi siya makakalabas dahil grounded siya, sino iyong kasama ko kanina at sino itong kumakatok sa may pinto?

I just stared at it until I heard Dobi's bark. I'm really feeling goosebumps here. I will start to call Mom if he will not stop.

Kaagad kong di-nial ang phone number ni Mommy. Nang hindi siya sumasagot ay kaagad kong itinabi sa bulsa ng shorts ko ang phone ko. He's still knocking at our door.

"Moerani! Let me in!"

Ilang beses siyang kumakatok dito na sa tingin ko ay sinusuntok na niya ito sa dahilang gustong-gusto na niyang makapasok sa bahay namin.

"No. Stop." halos bumulong na lamang ako habang hinihintay ko siyang tumigil.

"Dobi!" ang tawag ko kay Dobi nang mapansin kong nawala siya sa tabi ko. Pinilit ko siyang hanapin sa paligid kaya lang hindi ko makita kaya napagdesisyunan kong tumayo para hanapin siya. I'm not a coward. Am I?

"Dobi!" mas lalo namang lumakas ang pagkatok noong lalaki sa may pinto. What if he breaks it? What am I gonna do?

Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na pinagmamasdan ang pintuan sa may pinakadulo ng hallway ng second floor, it serves as our attic. Sabi ni Mommy huwag ko daw papasukin ang lugar na iyon. But, Dobi went to it and I don't know how. It was always locked.

"Dobi! Come outside. Dobi." I said without even taking a step forward. Mas lalo akong napaatras nang biglang bumukas ang pintuan na iyon.

"Dobi?" napalunok ako nang marinig ang tahol ni Dobi na nanggagaling sa loob noon. Hindi ko siya makita dahil masyadong madilim, I'm starting to hate darkness.

I can hear some footsteps coming from that darkness. It was not from Dobi's. Lumakas ang kabog ng dibdib ko habang paatras ako ng paatras.

"Dobi! Come outside! Please!" ang sabi ko at saka bumaba na ng hagdanan. Hindi ko na naisarado iyong pintuan dahil baka hindi makalabas si Dobi.

Kaagad akong dumiretso sa may kusina namin para uminom ng tubig. Masyado akong kinakabahan at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Halos maitapon ko naman iyong baso nang makita ko si Dobi na bumaba sa may taas. Dire-diretso lang siyang tumakbo palabas ng pintuan, dog door.

"Dobi!" ang sigaw ko. Hindi niya ata ako narinig dahil lumabas pa rin siya sa mismong pintuan kung nasaan si iyong isa pang Dovi.

Hindi ko na siya naririnig na kumakatok pero nararamdaman kong nandododon pa rin siya. Baka kung ano nang ginawa niya kay Dobi.

Lumunok ulit ako at kumuha ng lakas ng loob. Something's outside our house, something is inside too. It's not just me in here. Someone is at the second floor.

I frozed when I heard someone's footsteps from the stairs. Ni hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.

Kaagad akong napahawak sa bulsa ko kung saan nakapa ko iyong phone ko. Bubuksan ko sana iyon kaso naramdaman kong palapit na siya sa akin. Bakit ba kasi ang tagal ni Mommy?

Bumungad sa akin ang madilim na langit. Walang katao-tao sa may labas, I guess that other Dovi banished from somewhere. Ang kailangan ko nalang ay hanapin si Dobi. Peste namang aso na ito e, pinapalabas ako.

"Dobi?" ang sabi ko habang nakalagay ang kamay ko sa may bulsa ng hoodie ko. Kaagad kong ni-lock ang pintuan ng bahay. Nag-message na rin ako kay Mommy na kung saka-sakaling umuwi siya ay lumabas lang ako saglit.

When Midnight Falls Where stories live. Discover now