Season 1 Chapter 22: The Boy With The Golden Eyes

23 9 0
                                    

Moerani's Point Of View

"IT'S THE ANBERGE'S Fault?" gulong-gulo na talaga ako. Wala na akong maintindihan. Bakit ba, dumagdag pa si Dovi?

Tahimik lamang akong naglalakad sa may hallway ng school. Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil dito. Ano ba talaga ang totoo?

"Sinong isasama ko?" tanong ko sa sarili ko nang maalala ko ang mga huling sinabi ni Sir Radley sa akin na magsama daw ako kapag pumunta ako doon sa lugar na sinabi niya.

"What is the payment? May sinabi ba siya sa akin?" bakit kaya kulang kulang ang mga impormasyon na sinabi sa akin ni Sir?

Pabalik balik lamang akong naglalakad sa may hallway na malapit sa may waiting shed ng school. Napapagod na rin ako at hindi ko pa rin alam kung papaano ko mapipigilan ang sumpa na ito.

Kaagad kong iniangat ang tingin ko nang marinig ko ang busina ng van namin. Seryoso lamang ang ekspresyon ni Mommy kaya bahagya akong nagtaka. Mabilis nalang akong nagtatatakbo papunta doon at sumakay na.

"Mom?" hindi man lang ako binalingan ni Mommy ng tingin.

"What is the sins of our ancestors?" nakita ko ang pagkunot ng noo ni Mommy at ang marahas niyang paglunok. Alam kong wala sa oras ang tanong ko dahil sa mga nangyayari ngunit kailangan ko lang talagang malaman ang totoo.

"Nalaman ng mga Anberge ang katotohanan tungkol sa mga Chravis, Moerani. Dahil doon pinarusahan sila at pinatay sila. Tanging ang mga magiging anak lang ng bagong henerasyon ang makapagbabayad ng kasalanan nila at isa ka doon." natahimik ako sa sinabi ni Mommy.

Sino ang mga Chravis?

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Mommy. Tsaka ko nalang nalaman na tumutulo na pala ang luha niya. This is really hard for her.

"I'm really scared, Rani. Ayokong mawala ka sa akin pero iyon ang nakatadhana para sa iyo." hindi na napigilan ni Mommy ang paghagulgol niya habang nagmamaneho siya. Unti-unti na ring pumatak ang mga luha na galing sa mga mata ko.

"I'm scared too, Mom." bigla kong naalala ang mga bagay na sinabi sa akin ni Sir Radley.

"But, what if I can stop this curse? Sigurado akong walang mangyayaring masama sa atin o kaya sa mga nakapaligid sa atin, Mom." nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"How?" mamula mula na ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Si Sir Radley, Mom. May sinabi siya sa akin na lugar kung saan pwede kong malaman ang lahat. Sigurado ako na malalaman ko kung papaano matigil ang sumpa na ito, Mom." gulong gulo ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Alam kong wala na ring maintindihan si Mommy.

"No, Moerani. You'll not go there." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mommy.

"Mom? Maybe this is the answer that I've been searching for!" matalim lamang ang titig niya sa akin na para bang kaunting galaw ko lang ay may masama siyang gawin sa akin.

"No! You will not go anywhere, Rani! The outside world is cruel so stay by my side!" magsasalita pa sana ako kaso hindi ko kayang makipagtalo kay Mommy. She's right, maybe this is my destiny. I'm destined to die and to pay for my ancestors sins.

Napabuntong-hininga na lamang ako at saka ipinatong sa bag ko ang braso ko. Pinagmasdan ko na lamang ang kalangitan sa labas. Ilang araw na rin nang hindi nasisilayan ang kagandahan ng tanawin na ito.

Napakaraming nangyari ngayong araw at ni hindi ko alam kung saan ako magsisimula kung saka-sakaling magtanong si Dovi. Gusto kong siya ang pangalawang tao makakaalam sa mga bagay na sinabi sa akin ni Sir Radley.

When Midnight Falls Where stories live. Discover now