Season 1 Chapter 11: The Devillion's Gathering

28 14 8
                                    

Moerani's Point Of View

"GREETINGS! You are invited to the Devillion's Masquerade Party. Please bring your own gowns and your masks. The party will start at 10 in the evening and ends in 2 in the morning at the Devillion's Gathering Area. Thank You!"

Kanina ko pang pinagmamasdan ang invitation letter na ibinigay sa amin noong President ng subdivision na ito. Masquerade Party?

"A-attend ba tayo, Mommy?" ang sabi ko. Wala naman kasi kaming mga gown at mas lalong ayokong makikisiksik sa mga matataong lugar. It's just suffocating.

"Definitely."

Napatingin ako kay Mommy dahil sa sinabi niya.

"Really?"

"Yeah. Mayroon na tayong susuotin. Tayo nalang ang kulang, Rani." ang sabi ni Mommy at saka ngumiti sa akin.

Really?

"Nga pala. May dadating tayong bisita ngayon, Rani. Sigurado akong magugustuhan mo kung sino iyon." ang sabi ni Mommy at saka humigop sa kape niya. It's Saturday today kaya wala kaming pasok. Sa isang linggo pa naman iyong Party kaya makakapaghanda pa kami.

"Who?"

"Just wait for them, Rani." she said and then smirks.

Napahalukipkip na lamang ako sa may sofa namin nang hindi ako makakuha ng magandang sagot na galing kay Mommy. Ewan ko ba kung bakit siya ganiyan.

Ilang oras din akong tumunganga sa may sofa. Tinungangaan ko lang si Dobi habang hawak-hawak ko pa rin iyong necklace na nakita ko sa may bodega.

"Ano bang magandang gawin? I'm so bored." itinaas ko ang suot suot kong jogging pants hanggang sa tuhod ko. Ewan ko ba kung bakit lately ay init na init na naman ako sa lugar na ito.

"One. Two. Three." inumpisahan ko nang magbilang dahil wala rin naman akong matinong magawa dito sa bahay kung hindi ang tumunganga.

Napatigil ako nang marinig ko ang pagtunog ng phone ko na nasa kwarto ko. Masyadong tahimik dito sa bahay kaya rinig na rinig ang kahit na anong ingay, mahina man o malakas.

[Unknown: Hi!]

Napangiwi ako nang makita ang isang unknown number na nag-message sa akin.

[Rani: Excuse me, but who's this?]

[Unknown: Lhej Fierro. Save my number, Rani.]

How the hell did he get my number?

[Rani: Kanino mo nakuha ang number ko?]

[Lhej: Miss Done.]

Yeah. Miss Flederine. Ibinigay ko nga pala ang contact number ko sa kaniya. You're witty, Lhej.

[Lhej: Are you going to the acquaintance party?]

Bigla kong naalala ang in-announce sa amin ni Miss Done tungkol sa acquaintance party. Next next week pa naman iyon pero mukhang atat na ata si Lhej para doon.

[Rani: I don't know. Let's just talk later, Lhej. Btw, Braighd will definitely get angry once she sees this.]

Kaagad kong itinago ang phone ko sa may bag ko nang marinig ko si Mommy na tinatawag ako sa may ibaba. Maybe, our visitor is here.

"Hey, Rani." he smiles at me as if ilang taon kaming nagkita. Ilang buwan palang naman kami na nandidito pero halata ko sa mukha niya ang pagka-miss niya sa akin.

When Midnight Falls Where stories live. Discover now