Season 1 Chapter 6: Hue Ardens

33 18 25
                                    

Moerani's Point Of View

“RANI. Wake up. It's just a nightmare.”

“It's just a nightmare.”

“Wake up.”

I chased my breathe as I woke up. Hindi ko alam kung nangyari ba talaga iyon.

“Nakatulog ka sa may sahig, Rani. Hindi mo pa ni-lock iyong mga pinto dito sa bahay. Mabuti walang nangyaring masama.” ang sabi ni Mommy, she stretched out her arm and gave me a glass of water.

Kaagad ko iyong ininom at saka ko hinalungkat ang mga nakakalat ko pa ring gamit sa may center table. Mabilis kong hinanap iyong portrait ng kwarto ko.

“How the hell?” ang sabi ko nang mahanap ito. There was nothing in it. No blood stains all over the place. The hands under my bed, my body showering with my own blood and that creepy shadow. They're all gone. This is now just a normal portrait of my room.

Nakita ko rin ang phone ko na nasa may table din. Dali-dali ko iyong binuksan at nakita ko ang huling message ni Dovi.

[Dovi: What did he saw?]

[Dovi: I bet your seeing it too, Rani.]

It's still 10 in the morning. Sigurado akong ilang minuto lang akong nagkaganoon.

“What day is today, Mom?” ang tanong ko. Ikinakunot naman iyon ng noo niya.

“It's Tuesday, Rani. Kahapon pa ako umalis at kakadating ko lang kaninang umaga.”

So, everything's real?

It's real?

Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa phone ko at hindi sumagot kay Mommy. Dovi's message is still not sinking on me. What the hell did he mean I'm seeing it too?

“Everything's real?” ang bulong ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung nangyari ba talaga iyon o guni-guni ko lang.

“Ilalabas ko lang iyong mga basura, Mommy.” ang paalam ko kay Mommy at saka kinuha na ang black bag at dumaan sa may bakuran.




I'M JUST staring blankly at the big dark oak tree. Hindi ko pa rin alam kung bakit doon ko unang nakita si Beggar. He's still weird for me.

Napabuntong-hininga na lamang ako at tamad na inilagay sa may basurahan iyong black bag.  May napansin na naman akong kakaiba sa tabi nito. It was just a piece of broken glass.

Hindi ko alam kung bakit ko pinulot iyon pero ginawa ko nga. I can see the reflection of myself. Kaagad ko itong nabitawan nang mapansin kong may kakaibang anino na nasa likod ko.

He's staring at me.

Kaagad akong lumingon doon ngunit wala naman akong nakita na kahit sino. My mind is literally playing with me.

“Please don't scare me. I love darkness and we can be friends.” malumanay kong sabi habang lumalapit sa may malaking oak tree.

Sino bang kausap ko?

Tinatakot ko lang ang sarili ko. He's just a figure of my imagination. Don't need to be scared. Scared is not in my vocabulary.

Pinagmasdan ko ang mga tanim na halaman na nakapalibot sa buong bakuran. Halos malanta lanta na sila, sigurado akong matagal na talagang hindi tinitirhan itong bahay na ito. Sigurado ako.

Napatingin tuloy ako sa kabilang bahay namin. Halos hindi nagkakalayo ang mga halaman, lanta lanta na rin ang sa kanila.

Matagal kong pinagmasdan ang bakuran nila. Mukhang hindi talaga inaayos. Ang daming nakakalat na mga dahon at mga gamit sa mga damo nito. Kaagad na napadako ang tingin ko sa kung sinong sumitsit sa akin.

When Midnight Falls Where stories live. Discover now