7. The Grim Reapers

33.7K 2.1K 193
                                    

Hindi ko namalayan na ilang minuto ko na rin pa lang kausap si Lemon. And before I knew it, sinusundan ko na ang puting pusa sa kung saan.

Sinabi niya sa akin na sumama ako sa kaniya at dadalhin niya 'ko sa kwarto niya.

Meron daw akong pagkain na pwedeng kainin do'n. Dahil daw wala namang Dining area ang Academy dahil lahat ng kailangan namin ay nasa guild na.

I hesitated at first, but still, I'm hungry.

Inililibot ko ang tingin ko sa pasilyo habang naglalakad kami. Masasabi kong tipikal na paaralan lamang ang Lunar Academy kung hindi mga estudyante ang binabasihan. Just like what I've said when I first entered here, the atmosphere is different.

Pero hindi ko alam kung bakit, ilang oras pa lang akong nanatili rito, parang naging normal na ang tingin ko sa eskwelahan.

There are huge paintings in the walls and different kinds of expensive furniture in every corner.

Hindi rin nagtagal ang paglalakad namin nang huminto ang pusa sa tapat ng isang pinto. Mag-isa itong bumukas at bumungad sa akin ang babaeng nasa likod ng pagkontrol sa pusa.

A girl with a short blonde hair. She has a fair skin and freckles that enhances her doll like face.

Nakapikit ito habang nakaupo sa kama. I saw her blue eyes when she opened it. Sapat na 'yon para malaman kong foreigner siya.

"Wah! You're here!" masiglang bati niya sa akin sabay hila sa akin papasok sa loob ng kwarto.

Pinaupo ako ni Lemon sa upuan kung saan puno ng mga cupcakes at sweets ang nakahain sa lamesa. Doon ko lang napagmasdan mabuti ang kwarto niya. Punong-puno ito ng pink at mga palamuti. Hindi rin nawala ang mga iba't ibang klaseng laruan.

Like... a tea party event for kids.

"You're the new student, right?" aniya.

Hindi ko namalayan na nakaupo na pala siya sa tabi ko at kumakain ng cake.

"Feel free to eat it!"

Nilagyan niya ng iba't ibang klaseng pagkain ang platong nasa harap ko at inilapit niya pa ito sa akin. Nag-aalinlangan pa 'kong kumuha at napansin niya 'yon.

She chuckled. "Don't worry, it's not poisoned. I'm eating too!"

I felt uneasy. "T-Thank you," mahinang sambit ko. Kumuha ako ng isang cupcake.

Hindi ko mapigilang mailang dahil pinagmamasdan niya ako habang kumakain ako. Hindi ko tuloy magawang manguya ang cupcake nang maayos.

"Hm, nagpakilala na 'ko sa'yo, pero hindi ko pa rin alam ang pangalan mo."

Agad akong natauhan sa sinabi ni Lemon.

"A-Ah, I'm Scarlet!" pagpapakilala ko.

"Scarlet, huh?"

For a minute I felt her expression changed. Bigla na lamang akong napatingin sa kaniya. Nagpapatuloy pa rin siya sa pagkain habang hindi nawawala ang ngiti niya sa labi.

Was it just my imagination?

"So Scarlet, bakit mo naisipang pumasok dito? Siguro naman sinabi na nila sa'yo hindi ba? This is not the school for ordinary gifteds," sambit ni Lemon.

"I know. Kaya nga gusto ko pumasok dito."

Nag-iba ang pakiramdam ko nang tumingin sa akin si Lemon. Using her childish accent, together with her innocent look, she asked.

"Even if we're killers?"

Napalunok ako nang malalim. Hindi ko alam kung bakit. Pero kahit ilang beses ko ng narinig ang salitang iyon, iba ang naramdaman ko nang kay Lemon ito nanggaling. I sensed bloodlust behind her innocent look.

Lunar Academy: School For The HuntersWhere stories live. Discover now