61. A phoenix never dies

28.2K 1.5K 272
                                    

Parang nasusunog ang mga laman ko habang unti-unti kaming pumupunta nina Helena sa hinaharap.

"You're really freaking stupid!" Rinig kong sambit ni Helena habang patuloy pa rin sa pag-ikot ang orasan sa tinatapakan namin.

Hindi nagtagal nang maramdaman ko ang paggalaw ng lupa hudyat na nakarating na kami sa dapat naming puntahan.

Nawala ang orasan sa tinatapakan namin at inilibot ko ang tingin ko.

Napaawang ang bibig ko sa tanawin na bumungad sa akin. Tila parang tambakan na ng mga basura ang naging base namin. Walang kahit anong nabubuhay ang nandito, maliban sa amin.

"Ito na ang kalagayan ng lugar na pinanggalingan natin sa loob ng isang daang taon. Ito ang nangyari nang sumabog ang bomba ni Griko," pangunguna ni Helena.

"Nasisiraan ka na talaga ng bait, Helena!" biglaang sambit ni Papa.

Nanlilisik ang mga mata nito at nag-iigting ang panga. Hindi ito makapaniwala sa ginawa ng batang babaeng kasama ko.

Muling napaismid si Papa at inilabas ang bomba sa bulsa.

"Pero ang mahalaga ay sama-sama tayo!" nakangising sambit ng lalaking may hawak ng bomba.

Sa kabilang banda ay nagsimulang tumakbo papalayo si Sir Cael na agad na pinigilan ni Helena.

"Wala kayong magagawa! Mamatay tayong lahat!" natatawang sambit ni Papa.

Unti-unting bumibilis ang tunog ng bomba hudyat na malapit na itong sumabog.

Tila bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam ang gagawin.

Sumunod ako rito para siguraduhing hindi mapapahamak si Helena. Hindi ako pwedeng tumayo lang.

Without thinking twice, I took the bomb.

I felt my eyes changed. I changed my arms into wings and started flying up in the sky.

"What are you doing, Scarlet?!" naguguluhang sambit ni Helena.

Napunta ang tingin ko sa kaniya at kumurba ang labi ko.

"Don't worry. We're going back together," nakangiting sambit ko.

Hindi nakubinse si Helena sa sinabi ko at binalak niya 'kong pahintuin ngunit mabilis ko itong pinigilan.

"Helena! Ikaw na ang bahala kay Papa at Sir Cael! Babalik ako!" determinadong sambit ko.

I stopped flying midair, just to glanced at her once again. "Don't worry..." I flashed a smile.

"A phoenix never dies."

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Helena at mabilis akong lumipad sa itaas. Muling nagbago ang mga mata ko. Nararamdaman ko ang pag-apoy nito at ang buo kong katawan.

This is it.

I found my purpose.

I now know to whom I'm fighting for.

As code S03.

As Scarlet of the Grim Reapers.

And as a Portugal.

Mas lalong bumilis ang paglipad ko at ang pagtunog ng bomba. Hindi ko namalayan ang bilis ko at kung nasaan na 'ko napadpad. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa gitna ng kalawakan.

Hindi ko magawang makapaniwala sa nakikita ko. Hindi ko inaasahan na aabot ako hanggang dito.

Even though there's no oxygen in space. I still managed to breathe.

Isa ba 'to sa mga kakayahan ng isang phoenix?

Tinignan ko ang pinanggaliangan ko. Ni hindi ko man lang masabi kung nasaan sina Helena.

Lunar Academy: School For The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon