15. The heart of a Destroyer

29.7K 1.8K 536
                                    

Natigilan ako sa sinabi ni Law. Kana? Is this... her memories?

Sinubukan kong lumapit kay Law pero kabaliktaran nito ang ginawa ni Kana. Inilibot nito ang paningin niya at doon ko nakita nang mabuti ang paligid.

It's full of corpse. Corpses with holes in their chest.

Did Law... do this?

Doon ko naramdaman na nanginginig na pala ako—Kana, rather.

Nang muli kong tignan si Law ay wala itong emosyon. Sinubukan ako nitong itayo pero tinaboy lang ni Kana ang kamay niya. Mas lalong lumayo sa kaniya si Kana.

"S-Stay away from me you monster!"

Her voice is trembling, full of fear.

Napapikit na lamang ako dahil ayoko ng makita pa ang mga nangyari. Now I know... why Kana was so scared of Law.

I mean... he killed all of them. He killed them without emotions. Like a machine—he looks like a killing machine.

Nang muli kong minulat ang mga mata ko ay nawala na ang epekto ng gift sa akin. Tila nanlambot ako nang bumungad sa akin si Jimmy. May nakatarak na patalim sa dibdib nito. Sa likod nito ay si Law.

Suddenly, Kana's memories flashed in front of me. Katulad na katulad ito ng nangyayari ngayon. Ang mga tingin ni Law... ang ekspresyon niya sa mukha...

Nang tinignan ko ang mga tauhan ni Jimmy ay puro nakahalandusay na sila. What... happened?

Tinanggal ni Law ang kutsilyong nakatarak kay Jimmy at lumapit sa akin.

I flinched when he tried to touch me. Para naman akong natauhan nang makita ko ang itsura nito. His expression changed when he saw my reaction.

I... didn't... mean it.

Tahimik niyang pinutol ang lubid na nakatali sa akin at sinauli ang patalim sa akin. Doon ko lang napansin na 'yon pala ang pocket knife ko.

Pagtapos n'on ay tumalikod siya sa akin. I remained quiet. Dumbfounded and expresionless.

"I'm sorry..."

"Don't worry... Gin will find you a better partner."

I didn't saw Law's reaction. He just left after saying those words.

Ilang minuto akong napatulala sa mga biglaang pangyayari. Natauhan na lang ako nang maigalaw ko na ang kamay ko.

What the fuck... am I doing?

Don't tell me that I'm scared?! I'm... not scared-

Natigilan ako nang makitang nanginginig ang mga kamay ko. I bit my lower lip out of frustration.

Tsk. How pathetic.

Sinabi ko sa sarili ko no'ng una pa lang na hindi ako natatakot kay Law. Pero bakit ganito ang reaksyon ko?

Hindi mawala sa alaala ko ang mga nakita ko sa alaala ni Kana.

Law was really scary that time. But-

Isa rin sa hindi mawala sa alaala ko ay ekspresyon ni Law nang makita niya 'kong nakatali rito. He didn't continued his plan when he saw me.

He wants to save me. Yet, why am I so scared?

Mariin akong napakagat sa ibabang labi at napaismid ako sa sarili ko.

Kahit gulong-gulo pa rin ang isipan ko at halo-halo ang mga emosyon ay natagpuan ko na lang ang sarili kong tumatakbo papunta kay Law.

Hindi ko inalintana ang sakit ng binti ko at patuloy lang ako sa pagtakbo.

Lunar Academy: School For The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon