38. Difference

29.7K 1.7K 741
                                    

Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Gin. Kapwa ko ay nabigla rin ang mga nanonood—pare-parehong nakaawang ang mga bibig. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko.

Lemon... is a cat?

"P-Pero pwede ba 'yon? I mean, alam ba ng announcer na isang puppet lang ang lumalaban?" tanong ko.

"Of course, any gifteds are free to join. At isa pa, puppets are considered as a weapon," sagot sa akin ni August.

Nanatiling nasa field ang tingin ko. I can't believe it. All this time, isang puppet lang ang kinakausap ko?

Ni hindi ko man 'yon napansin. I mean, she looks real! Like a living person!

Hindi ako makapaniwala na nagawang malaman 'yon ni Alvis. Kaya ba wala siyang takot na atakihin si Lemon dahil alam niyang puppet lamang ito?

Nalipat ang tingin ko kay Chelsea—I mean, Lemon. Kaswal na nakaupo ito sa field, pinagmamasdan ang laban. Mahirap paniwalaan na isang tao ang katauhan ng pusang iyon. Naalala ko ang unang pagkikita namin.

Si Lemon na pala ang kausap ko no'n at hindi si Chelsea.

Muling napunta ang tingin ko sa puppet. Nabigla ako nang tanggalin nito ang mga kamay niya at bumungad ang matutulis na metal sa loob nito.

"Lemon spent her years in the Academy in upgrading herself, her puppet rather. Para magamit niya ito sa mga mission," biglaang sambit ni Elroy habang nanonood.

Maliban kay Gin ay siya ang pinakamatagal na nakasama ni Lemon sa amin. At pati na rin ang pinakanakakakilala sa kaniya.

He's the partner of Lemon afte rall.

Nagsimula ng maglaban ang dalawang myembro ng magkaibang guild. Hindi ko maitatangging hindi hamak na mas magaling ang combat skills ni Lemon sa akin, maski kay Law at Zeldrick na nakalaban ko na.

Bakas sa mukha ni Alvis na nahihirapan siya kay Lemon. Hindi lang sa nagagawa nitong sabayan ang bilis niya, hindi niya rin ito magawang saktan. Dapat na niyang asahan iyon dahil hindi hamak na isang puppet ang kalaban niya.

Pigil hininga ang laban nilang dalawa. Ngayon ko nakita kung paano makipaglaban si Lemon at anong klase siya pagdating sa field.

Her combat skills, are so far the best skills I've ever seen since the start of this event. Para lang siyang sumasayaw—isang manikang kontroladong-kontrolado ng marionett.

The fight was already at its climax when both of the participants made their final attack. Alvis made a sword made of lightning. On the other hand, Lemon removed both of her legs showing the blades inside of it.

Natagpuan ko na lamang ang sarili kong hindi kumukurap. Nang sumugod ang dalawang magkalaban ay masyadong mabilis ang pangyayari at hindi 'to nasundan ng mga mata namin.

Hinintay namin kung sino ang unang babagsak. Doon ko nakita na unti-unting naging pula ang T-shirt ni Alvis. Walang tigil ang paglabas ng dugo niya sa kanang braso. Sa kabilang banda ay tuluyan ng bumigay ang katawan ni Lemon. Naputol ang dalawang blade sa kamay nito at tuluyan na itong bumagsak.

Hindi napigilan ng mga nanonood ang paghiyaw na para bang isang palabas ang pinanood namin.

Napasinghap na lamang ako sa nangyari. Mukhang kahit si Lemon ay walang laban-


"Winner, Lemon from the Grim Reapers!"

Tila natigilan ako sa sinabi ng announcer. Agad na napunta ang tingin ko sa field. Paanong nanalo kami? Bumigay na si Lemon-

Nasagot ang katanungan ko nang makita ko ang puting pusa na may subo-subo na bell. Doon ko napagtanto ang nangyari. Hindi lamang ang puppet ang kalaban ni Alvis kung hindi ang may-ari nito mismo.

And that is... the white cat.

Mukhang kinuha nito ang bell ni Alvis ng hindi man lang namin napapansin. Kumurba ang isang ngiti sa labi ko. Lemon is really something.

"Yes! That's our senior!" sigaw ni Zeldrick.

Hindi nagtagal ay bumalik sa pwesto namin si Lemon. Merong butas sa dibdib nito at puro crack ang katawan niya. Dala-dala rin niya ang puting pusa.

"Yoh!" masiglang sambit niya.

She doesn't look like she's hurt at all—which is hindi naman talaga.

"Hehe, did I do well?" nakangiting tanong niya sa akin.

Isang ngiti ang pinakita ko rito at isang tango. "You did great, Lemon."

"Yey!" Masayang reaksyon niya.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin na kinabigla ko. "I didn't want to show it to you yet, Scarlet." She pouted.

"Gusto ko sanang i-surprise ka. Like, biglang mapuputol ang ulo ko." She chuckled.

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. I'm already freaking surprised. Surprised enough that I still can't believe it.

"Anyways." Nalipat ang tingin ni Lemon sa isa sa mga kasama ko. "Elroy, pwede mo ba 'kong samahan? Mag-aayos lang ako."

Agad na tumango si Elroy rito. Nagpaalam silang dalawa sa amin at parehong lumabas ng stadium.

Kahit na nakita na ng dalawang mata ko ang totoong katauhan ni Lemon ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala.

Ibinaling ko na lamang ang tingin ko sa screen upang makita ang susunod na laban. Nagbago ang nakalagay sa screen at bumungad sa amin ang susunod na laban.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita kung sino ang susunod na maglalaban. Si Law ulit...

Law from the Grim Reapers and-

Cleofa from the Deities.

Napunta rin ang tingin ni Law sa screen at hindi man lang ito nagpakita ng reaksyon.

"Oi, oi. Jeez, I don't want to fight a woman," walang ganang aniya.

"Ulol. Duwag ka lang eh!" pang-aasar ni Zeldrick.

Isang ismid ang sinagot dito ni Law bago tumayo. "Tsk. I guess I'll let her use her gift first then I'll use mine. Kapag nakita niya na walang chansa ang gift niya sa akin ay paniguradong susuko na siya. In that way, I won't have to beat a woman," walang ganang aniya.

Nagsimula na itong maglakad kaya may pahabol akong sinabi. "G-Good luck, Law!" sambit ko. Hindi ko ito nagawang i-cheer kanina dahil nahuli ako.

Isang ngiti ang sinagot sa akin ni Law bago ito nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating na siya sa field ay roon ko lang din nakita kung sino ang myembro ng Deities na makakalaban niya.

Bumigat ang pakiramdam ko nang makita ang babaeng nakapako ang tingin ko kanina. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa laban nila.

I feel uneasy... and anxious.

Umalingawngaw ang pito ng announcer hudyat na simula na ang laban. Kagaya ng sinabi ni Law ay hinintay niyang gamitin ng babae ang gift niya.

Hindi ako mapakali sa pwesto ko at patuloy akong kinakabahan. Natagpuan ko na lamang ang sarili kong tumayo at sumigaw.

"Law, use your gift!" sigaw ko.

Napatingin sa akin si Law dahil sa sinabi ko. Akala ko ay nagawa ko itong balaan ngunit nahuli na 'ko.

Naunang gamitin ng babae ang gift niya.

Her eyes changed.

The same as Law's.


Lunar Academy: School For The HuntersWhere stories live. Discover now