20. Strategy

31.9K 1.6K 197
                                    

Maaga kaming nagising kinabukasan at naghanda. Gin told us to bring weapons, just in case. Kaya nagdala ako ng baril at pocket knife.

Pagtapos naming mag-ayos ay pumunta kami sa gate ng Academy kung saan may naghihintay sa amin na kalesa. Pupunta kami sa Levoc Town kung saan gaganapin ang event. Hindi pa ako nakapupunta roon pero sigurado akong lugar 'yon para sa mga gifteds.

"Tsk, ano ba 'yang dala-dala mo?! Your bags are full of cannonball!"

"Shut the fuck up, August!"

Hindi nawala ang pag-aaway nina August at Zeldrick ngayong umaga. Kabaliktaran naman sila ni Lemon at Elroy na parehong may sariling mundo.

As usual, Elroy is playing games. Samantalang si Lemon naman ay kumakain ng cupcake at dala-dala nito si Chelsea-

Eh? Chelsea?

"L-Lemon, 'yan lang ang dadalhin mo?" tanong ko rito. Seryoso ba siya?

Nakangiti akong tinignan nito. "Of course!"

Naunang pumasok sa loob ng kalesa si Lemon habang naiwang nakaawang ang bibig ko sa sagot niya. This guild is full of weirdos.

"Oi, oi. Nadala mo na ba ang lahat ng kailangan mo, hood?"

Hindi ko napansin na nasa gilid ko na pala si Law. Nang tignan ko ang dala niya ay isang suitcase lamang.

"A-Ah, yeah."

"Then let's go."

Pinauna akong pasakayin ni Law sa kalesa at sumunod siya. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang mga myembrong may kani-kaniya ng ginagawa.

Magkaharap sina August at Zeldrick na hindi pa rin nagkakasundo. Katabi ni August ay si Lemon at Elroy na patuloy pa rin sa ginagawa nila. Pumwesto ako sa tabi ni Zeldrick at tumabi sa gilid ko si Law.

Kita ko ang dala ng mga kasama ko. Both Law and Zeldrick have suitcases with them, ang pinagkaiba lang ay mas malaki ang kay Zel. August has a huge scythe, covered with fabric. Lemon has... chelsea. And of course, Elroy... has his phone.

We are all set. Nang makasakay na kami lahat ay agad din namang umandar ang kalesa.

"Eh? Nasaan si Gin?" tanong ni Zeldrick nang mapansin na wala ito sa loob.

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay saktong bumukas ang isang maliit na bintana sa gilid niya. Konektado ito sa harap kung nasaan ang kutsero.

Sumilip dito si Gin na katabi ang kutsero. "Yoh!"

Nilibot niya ang tingin sa amin para tignan kung kumpleto kami.

"Yosh! Dahil mahaba-haba pa ang oras papunta sa Levoc Town, let's talk about our strategy!"

Pare-pareho kaming napakunot ang mga noo sa sinabi niya.

"Strategy? For what? To win?" tanong ni Lemon.

Natawa si Gin sa sinabi niya. "Of course not. Hindi tayo nando'n para manalo."

Naguluhan kami sa sinabi nya.

"What are you talking about, Gin?" marahang tanong ni August.

Our Guild's Master smirked. "All I'm saying is, kailangan natin ng maayos na strategy kung sakaling may mangyari man."

"Sigurado akong hindi tayo pinapunta roon ni Helena para lang manalo."

Tumaas ang kanang kilay ni August sa sinabi niya. "At ano naman sa tingin mo ang dahilan kung bakit niya tayo pinapunta roon?"

Kumurba ang isang ngisi sa labi ni Gin at tinaas nito ang tatlong daliri niya.

"I've came up with three reasons," panimula niya.

Lunar Academy: School For The HuntersWhere stories live. Discover now