26. Rivals

30.2K 1.5K 297
                                    

Pare-pareho kaming napanganga nang kaswal na binati ni Gin ang taga-Deity. Not to mention na si King pa ang binati niya.

"Wah! Gin!"

Mas lalo kaming nabigla nang sinalubong ni Aqua ng yakap si Gin. Walang maka-react sa amin at lahat kami ay natulala.

"Woah, long time no see, Gin," sagot ni King dito.

Akala ko no'ng una ay nabingi lang ako sa sinabi ni Gin. Pero mukha ngang magkakilala sila ni King. Hindi lang ako ang nabigla sa pagsagot ni King dito kung hindi pati na rin ang mga kasama ko.

What the heck? Mas matagal nilang kasama si Gin tapos hindi rin nila alam?!

"W-Woah, Zail. You're back." Nabigla si Gin nang makita ang isa pang kasama nina Aqua. Ang lalaking tumulong sa amin.

So that means ay magkakakilala nga sila. May... kinalaman kaya 'yon sa pagtulong niya sa amin?

"Kumpleto kayo ah! Nasaan sina Rivan? Si Puma?"

Nilibot ni Gin ang tingin niya. Tila naman nagbago ang ekspresyon nito nang makita ang mga kasama nina King.

For a split second... I saw it again. That Gin's expression of his—beneath his eyes.

"Oh? I see new faces. Mga rookies mo, Keon?" He acted surprised.

Kumurba ang labi ni King sa sinabi niya. "Yeah, they're the rookies this year."

Pinagmasdan mabuti ni Gin ang apat pang kasama nina King. Suddenly, bumigat ang tensyon sa paligid.

"So? Then what brings you here, King?" nakangising sambit ng Guild's Master namin. His tone changed.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang nagkaroon ng tensyon dito. Kani-kanina lang ay sobrang saya nila nang magkita. Ngayon ay para silang magkaaway na matagal ng hindi nakakapagsuntukan.

"Of course, tulad niyo rin siguro ay pumunta kami rito para manalo?" sarkastikong sagot ni King.

"Eh? Eh bakit mga baguhan'yang dinala mo?" sabat ni Gin.

King smiled. The same smile he had when he talked to one of the Spiders. "Why? I just want them to have fun. Besides, kapag dinala ko siguro ang lahat ng myembro ko rito ay wala ng thrill hindi ba? I mean, it's pretty obvious who'll win."

Gin smiled too... a smile that he doesn't show often. A soft expression— but menacing. "Oh, you think that your guild can beat me?"

Mas lalong bumigat ang tensyon sa dalawa. Pero ang isa sa nakakuha ng pansin ko ay kahit na halatang nagkasasagutan na sila at kahit sarkastiko ang mga ngiti nila sa labi, alam kong wala itong ibig sabihin.

They're really just... having fun.

"Tsk. I'm looking forward in fighting you, King. It looks like you're far stronger from before," nakangising sambit ni Gin.

"The same for you, Executioner. Mukhang hindi lang tatlong araw ang aabutin ng laban natin," sagot ni King.

Napaawang ang bibig ko sa narinig.

What the fuck?! So, you're telling me that the last time they've fought lasted 3 freaking days?!

And did he just called Gin an executioner?

"Well then, good luck for the both of our guilds."

Tuluyan ng dumaan sa amin ang Deities habang hinabol lamang namin ng mga tingin ang mga ito. Iyong lalaking tumulong sa amin kanina na tinawag ni Gin na Zail ay ni hindi man lang kami tinapunan ng tingin—para bang ito ang una naming pagkikita.

Lunar Academy: School For The HuntersWhere stories live. Discover now