44. Leveling

29.5K 1.7K 236
                                    

Tanging pag-awang na lamang ng bibig ang naging reaksyon ko sa sinabi ni Helix. Natauhan ako nang maramdaman ko ang dulo ng patalim ni Alvis sa leeg ko.

We're fucked up.

Akala ko ay katapusan na namin nang bigla na lamang bumigat ang pakiramdam ko. Hindi lamang ako kung hindi pati na rin si Alvis at ang iba pang mga nandito.

"Look what happened," sambit ng babaeng bagong dating.

Agad kong nakilala kung sino ito. She's the Guild's Master of the Coders, Eslin.

"Mukhang nauto tayo ng big time," dagdag ng lalaking kasunod nito. Gin!

"Hays, I'm sorry. I should've known," sambit pa ng isang lalaki. King...

Hindi na 'ko nagtaka kung bakit bigla na lang bumigat ang mga pakiramdam namin. Hindi hamak na tatlong Guild's Master lang naman ang dumating.

"W-What the fuck is going on, Gin?!" giit ni Zeldrick.

Napabuntong-hininga si Gin at napailing. "Chill, we'll explain. Sa ngayon, itigil niyo muna 'yang mga ginagawa niyo," sagot ng Guild's Master namin.

Pare-parehong natauhan ang mga kasama ko at agad itong nagsiayos. Inalis ni Alvis ang patalim na nakatutok sa akin, nawala sa bula ang dalawang coders, nakaalis sa lupa si August, at huminahon sina Helix, Cleofa, at Law.

"Looks like pare-pareho tayong pinapunta rito ni Principal Helena," panimula ni Eslin.

"Anong ibig mong sabihin ha?" tanong ni Zeke. Pinupunasan niya ang sarili niyang basang-basa.

"Just like you guys, pinapunta rin kami rito ni Principal Helena," sagot ni Gin.

"Yeah! We saw your Guild's Master!" pagsingit ni Lemon na bigla na lamang sumulpot sa likod ni Gin kasama si Elroy.

"And just like what she've told you, she also told us the same," kalmadong sambit ni King.

"That we're the only ones here, and kill whoever we see," pagsingit ni Aqua na bigla ring sumulpot sa kung saan kasama si Zail.

"I guess she's testing us," dagdag ni Nickle na bigla ring sumulpot sa tabi ni Eslin.

Napasinghap ako sa mga sinabi nila.

For pete's sake! Muntik na kaming magpatayan! Ano ba talaga ang nasa isip n'ong Helena na 'yon?! May sira ba talaga ang utak niya?!

"Oh? Looks like you're already all here!" Rinig naming sambit ng isang batang babae.

Pare-parehong napunta ang mga tingin namin sa batang babaeng bagong dating. Nakangiti itong nakatingin sa amin na para bang hindi niya kami inutusan na patayin ang isa't isa.

She showed a smirk, looking down at us.

"Let's go to my mansion then."

₪₪₪₪₪₪₪₪

Hindi nagpaliwanag man lang sa amin si Helena. Bagkus ay pare-pareho niya kaming dinala sa mansyon niya. Kumpleto kaming mga Grim Reapers, ang mga Deities na nakilala namin sa event, at ang Coders kabilang si Eslin, Nickle, Zeke, at isa pang babae.

Napunta kami sa isang patag na lugar sa bayan. Sa gitna n'on ay isang malaking mansyon. Mukhang totoo nga ang sinabi ni Zeldrick na ang tirahan lamang ni Helena ang nag-iisang patag na lugar dito.

Pumasok kami sa mansyon ni Helena at ni isang tao ay walang bumati sa amin. Hindi ako makapaniwala na sa laki ng tirahan niya ay siya lamang mag-isa ang nandito.

Tumungo kami isa sa mga silid kung saan may malawak na lamesa at maraming upuan.

"Make yourselves at home," nakangiting sambit ni Helena bago umupo sa pinakagitnang upuan.

Kani-kaniya kaming umupo sa mga upuan at hinintay ang sasabibin nito.

"First of all, I would like to thank you all for coming herem" panimula ni Helena.

"Sadya akong humingi ng tulog sa tatlong Academies. The Deities from the Nocturne, the Coders from the Solar, and of course, the Grim Reapers from my school," dagdag niya.

Nanatili kaming nakinig sa mga sinasabi niya.

"1 month from now, we're going to have a big task. Hindi lamang ito problema ng Lunar Academy kaya gusto ko ang partisipasyon ng ibang paaralan," pagpapaliwanag ng Principal.

"I still can't tell you what it is yet. But 1 week before the operation, sasabihin ko sa inyo ang plano at kung tungkol saan ito. Maasahan ko ba ang partisipasyon ninyo?"

Pare-parehong tumango ang mga Guild's Master ng mga guild sa sinabi niya. Kasunod ng ginawa nila ay ang biglaang pagsulpot ng isang kasunduan sa sinabi ni Helena.

It's the symbol of alliance from the different guilds from the three different Academies.

"Very well, I want you all to stay here for a while. Feel free to do anything you want. You may all dismissed," sambit ni Helena.

Nagsimula ng tumayo ang mga Deities at Coders at naglakad papalabas. Ngunit nanatiling nakaupo ang mga Grim Reapers.

Tuluyan nang nakalabas ang iba at tila napuno ng katahimikan ang paligid. Walang nagsalita o kumibo ni isa.

"So? Why are you still here?" pagbasag ni Helena sa katahimikan.

Pare-parehong nagbago ang mga ekspresyon ng mga kasama ko.

"Oi, oi. What was that about?" panimula ni Law.

"Are you saying that you don't trust us in this mission, Principal?" giit ni August.

"Bakit nandito pa ang ibang guild?" dagdag ni Zeldrick.

Bumigat ang tensyon sa silid. Ramdam ko ang matatalim na tingin ng mga kasama ko sa batang nasa gitna. Ngunit sa kabila nito ay nagawang tumawa ni Helena.

"So you're telling me that you can do this mission alone?" natatawang aniya.

Biglang nagbago ang ekspresyon ng batang kaharap namin. "You can't even take care of the rookies of the Deities," seryosong dagdag niya.

Napunta ang tingin niya kina Law, Zeldrick, at August.

"You're already seniors. Yet, wala kayong nagawa sa apat na rookies man lang."

Hindi nagawang makaimik nina Law sa sinabi nito.

"Law, you're also an heir of Cronus, right?" sarkastikong dagdag ni Helena.

Napaismid si Law sa sinabi niya at napaiwas ng tingin. Wala siyang nagawa kung hindi mapayuko.

"That girl, Cleofa. Nagawa niya lang magamit ang gift niya noong nakaraang apat na buwan pa lamang," muling sambit ng batang kaharap namin.

Namilog ang mga mata ko. Pare-pareho kaming natigilan sa sinabi nito. Lalo na si Law na nagbago ang ekspresyon. Hindi ako makapaniwala na apat na buwan pa lamang nagagamit ni Cleofa ang gift niya.

Sigurado akong sobrang bigat ng nararamdaman ni Law ngayon. Matagal na niyang nagagamit ang gift niya pero nagawa pa rin niyang matalo sa isang rookie.

"They're just a bunch of rookies. Yet, they've already been able to undergo Leveling," dagdag ni Helena.

My forehead furrowed and I gave her a confused look.

Leveling?

"Leveling is a phase for gifteds. Isa itong stage kung saan nagagamit ng isang gifted ang gift niya ng higit pa sa lakas nito. I guess you already saw it, right?"

Sumagi sa isip ko ang ginawa ni Cleofa kanina. Nagawa nitong i-adopt ang gift ni Law at Zeldrick ng sabay. Pati na rin ang ginawa ni Helix no'ng event kung saan nagbago ang mga apoy niya.

"You know why? It's because they've already been through enough. They've already knew the nearly death experience." Sumalumbaba si Helena sa lamesa, ang tingin niya ay nasa aming lahat.

"That's why I asked them to be here. You have at least a month. Show me what you got."

She showed us a teasing smile... slowly followed with a proud look.

"I told you didn't I? I chose you. You're the Grim Reapers."

She glanced at me for a second.

"Believe me or not, even I, can't stop you when you undergo Leveling."



Lunar Academy: School For The HuntersWhere stories live. Discover now